Wala akong imik ng makabalik kami ni Kristoff galing Baguio. Siya naman ay walang nagawa kung hindi umiling ng umiling. Ayos lang daw na iiyak ko, mas malala daw ako nung dati, dahil nagwawala ako. Pero hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak sa mga ganitong dahilan. Pagod na ko umiyak sa pareparehong dahilan.
Pag dating namin ng condo ay hindi na umalis sa tabi ko si Kristoff, natatakot daw siya sa pwede kong gawin. Ginawa kong abala ang sarili ko nag luto, naglinis, naglaba, nag movie marathon, gusto ko ay paghiga ko ng kama ay matutulog nalang ako. Ayoko ng mag isip.
Pag gising ko ng umaga ay agad akong naligo at naghanda para sa duty. Pag labas ko ng kwarto ay naamoy ko na ang masarap na pagkain. Oo nga pala andito ang bestfriend ko na hindi man lang ako iniwan. Nakabihis na siya at mukhang ready na rin sa pagpasok.
"Goodmorning tseb, ambango mo ah" pagbibiro niya sa akin
"Umagang umaga tseb nang iinis ka"
"Tss di ako nang iinis, ambango mo nga talaga. Paamoy nga ng kilikili" akma siyang lalapit sa akin ng iangat ko ang tinidor na hawak ko.
"Joke lang tseb, di ka mabiro. Ok lets eat, masarap yang mga niluto ko kaya damihan mo ang kain. Nakaready na rin ang baon mo, kumain ka mamaya ng marami"
Napangiti ako, nilapitan ko siya at niyakap. Ano nalang ang gagawin ko pag wala akong bestfriend na tulad ni Kristoff. "Thank You Tseb"
Pagkatapos namin kumain ag nagkanya kanya na kami ng pasok, nagpumilit siyang ihatid ako pero hindi na ako pumayag, masiyado ko na siyang naaabala. Dinala ko ang sarili kong sasakyan, kailangan ko ng matutong mag isa.
Papasok na sana ako ng hospital ng may humila sa akin at bigla na lang akong niyakap. Ni hindi ko man lang nakita ang mukha niya sa sobrang bilis, pero alam kong kilalang kilala ko siya.
"Maaga pa, samahan mo naman akong magbreakfast" sabi niya habang nakayakap parin sa akin.
Bumitaw ako at tinignan siya sa mata. May nagbago sa kaniya, di ko mawari kung ano iyon. Mas lalo siyang gumwapo. Di ko maikakailang namiss ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Namiss ko yung dati. Yung dati naming pinagsamahan na kahit pilitin ko ay malabo ng bumalik. Memories. Yun ang pinaka nakakamiss sa lahat.
"Nagbreakfast na ako eh, pero sige sasamahan kita" ngumiti nalang ako sa kanya habang sabay kaming naglalakad papuntang starbucks.
I guess this is the best time to end this, to put a closure para gumaan na kahit papaano ang nararamdaman ko. He deserve my forgiveness.
"So, kamusta ka na? Namiss kita" sabi niya habang kumakain ng inorder niya.
Napangiti naman ako. "Hindi ka parin nagbabago Andrew, nagsasalita ka parin kahit puno ng pagkain yang bunganga mo"
Sabay naman kaming tumawa. Ito ang namiss ko, yung nakakapag usap kami ng walang bitterness na nararamdaman.
"Uhmm, Andrew"
"I know what youre thinking. And yes okay lang sa akin. Namiss ko to, yung ganitong samahan natin, i guess i really have to start in zero again. But thats ok, as long as i see you laughing, smiling, masaya na ako sa ganon"
"Andrew .. can we be friends?"
Nag smile naman siya, kahit kita mo sa mata niya ang lungkot na hanggang magkaibigan nalang, still makikita mo rin na kahit papano ay masaya siya.
"Kahit ang gusto ko sana ay more than friends or bestfriend, alam kong d pa pwede so yes, FRIENDS" inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands at kinuha ko naman iyon.
Natapos ang duty ko ng magaan ang pakiramdam ko. Mas masaya pala pag wala kang sama ng loob ng kinikimkim sa taong kahit papaano ay minahal mo naman.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Dragoste"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...