Kinabukasan ay pamilya nalang ni Kristoff at pamilya namin ang naiwan dito, nauna na ang iba dahil may mga appointmenta pa daw sila.
Pati ang nga gifts na bigay sa akin ag nauna na. Isinabay sa mga nagbyahe by land.
Si Jake ay ngayong umaga narin ang alis. May iniiutos daw sa kaniya ang kayang daddy. Sayang hindi ko siya makasama ng matagal sa resort na ito.
"Theart" tawag sakin ni Jake. Theart as in short for sweetheart.
Andito ako ngayon sa tabing dagat. Hinihintay ko talaga siya.
"Anong oras ang flight ninyo mamaya?" Tanong niya.
"5 pm pa theart eh, mauuna ka na ba talaga? Hindi ba pwedeng sabay na tayo?" Paglalambing ko sa kaniya.
"Theart hindi ko pwedeng iatras yung meeting eh, galing pa kasi sila ng Japan"
"Sayang naman pala, gusto pa sana kita makasama dito e"
"Ako rin naman theart eh, babawi ako ok. I guess bukas na tayo magkikita. Susunduin kita ha. Magtetext at call tayo ha?"
"Ok sige"
"Hindi pa ako umaalis pero namimiss na kita agad" hinawakan niya ang pisngi ko ag binigyan ako ng isang halik sa noo.
"Ako din. Sige na malelate ka na sa flight mo, ok na ba ang mga gamit mo?"
"Yes, andon na sa may lobby ng hotel"
Naglakad na kami papuntang hotel at kinuha niya ang bag pack niya. Inihatid ko siya hanggang sa bangka, na siya sasakyan niya papunta sa kabilang bayan at doon sasakay papuntang airport.
"Ingat ka ha, magtex ka, lav u" hinalikan ko siya sa lips.
"Iloveyoutoo theart, see you tomorrow"
Kumaway ako sa kanya habang papalayo ang bangka. Hayy nakakamiss din siya.
"Andito pa ako tseb, wag kang makungkot"
"Ay palaka!, ano ka ba naman Kristoff nagulat ako, bigla bigla kang sumusulpot"
Nagulat ako, dahil hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya. Mukha siyang bagong ligo at amoy ko pa ang pabango niya. Hayys ang bango niya at gustong gusto ko talaga ang amoy ng pabango niyang yan.
"Grabe ka naman tseb, ang gwapo ko namang palaka"
"Teka may date ka ba, bakit ang bango mo ata"
"Tsk, nagpabango talaga ako para sayo. Mamasyal tayo tseb, mamaya pa ang uwi natin, di man lang tayo nakapag bonding na dalawa"
"Baliw, mamaya pagselosan nanaman ako ng gf mo"
"Wala na, naka uwi na siya, kagabi pa"
Kagabi pa pala. Kaya pala di ko siya napapansin kagabi. Sabagay naging busy ako kay Jake. Kaya hindi ko narin sila masyado naasikaso.
"Siya nga pala, hindi ko sayo naibigay yung regalo ko kagabi, hindi ko kasi dala at busy ka. Pag uwi mo ng bahay niyo, nasa kwarto mo na iyon" sabi niya ng naka ngiti.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romans"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...