Chapter 1: Magkapatid

5.8K 70 6
                                    


(FYI: Book 2 po ito. baka hindi niyo pa po nabasa yung book one. Nakapost din dito yung book one)

Chapter 1: Magkapatid

"Mga anak alagaan niyo siya maigi. Ituring niyo siyang kapatid" sabi ng punong diwata sa kanyang dalawang anak. "Pero ma, malalaman nila na di siya diwata tulad natin" sabi ng mas nakakatandang batang diwatang si Aneth. "Ako na bahala diyan sa bagay na yan, basta alagaan niyo siya maigi" sagot ng nanay nila.

"Mama, gusto ko din alagaan yung isang baby" sabi ng bunsong diwatang si Monica. "Gabi na, bukas nalang" sagot ng nanay at nagsimangot ang bata. Pagkalabas ng punong diwata ay tumayo si Aneth at tinuro ang kapatid niya. "Narinig mo yon, alagaan mo daw maigi yan" sabi niya. "Ate sabi ni mama tayong dalawa daw...ugghhhh ate tama naaa" sabi ng bunso sabay hawak sa leeg niya. "Wag na wag mo ako susuwayin kung hindi di lang yan ang matitikman mo sa akin" banta ng ate niya.

Bawat gabi binibisita ng bunso ang lalakeng bata na binigay ng mga tala. Tanging mga tagapangalaga lang sa bata ang maaring pumasok na munting barong barong niya pero dahil bata pa si Monica ay pinapayagan nila itong makapasok.

Ilang buwan ang lumipas gabi gabing tumatakas ang bunso para alagaan si Paulito. Isang gabi habang may pulong ang mga nilalang, lumabas ng kweba si Aneth. "Ate saan ka pupunta? Wala kami kasama dito" sabi ni Monica. "Wag kang makikialam at bantayan mo yang ampon!" sigaw ni Aneth sabay turo sa kapatid niya at napatalsik itong palayo.

Sa ingay nagising si Ahnica at umiyak kaya agad siya binuhat ng bunsong diwata. "Shhhh pasensya na kay ate ha, ganyan talaga siya kasi mas malakas siya sa akin" bulong ni Monica sa bata.

Ilang saglit lang tulog na ulit ang bata, inayos ni Monica ang higa niya sabay lumabas ng kweba at nagtungo sa kubo ni Paulito. Sa mga sandaling yon sa gubat, dahan dahan naglalakad si Aneth. Naabot niya ang dulo ng gubat kaya lumingon siya para tignan kung may sumunod sa kanya.

"Wag kang mag alala walang sumunod sa iyo" biglang may bumulong kaya natakot si Aneth. Mula sa isang puno may mga nagtipon na usok at dahan dahan naging isang tao. "Nadala mo ba ang hinihiling ko?" tanong ng matandang lalake. Takot na takot si Aneth na lumapit sa matanda sabay inabot ang isang pulang bato.

"Eto nga siya, mahusay" sabi ng matanda sabay naglabas pa siya ng mga kaparehong bato na ganon. "Para saan ho ba yan?" tanong ni Aneth. "Para lumakas ako iha, o siya pinangako ko na tuturuan kita. Gusto mo lumakas diba?" tanong ng matanda at natuwa ang diwata. "Gusto ko po lumakas, maganda yung tinuro niyo sa akin. Pero gusto ko pa lumakas" sagot ni Aneth.

"Kaya kita palakasin sa higit sa imahinasyon mo pero may kapalit" sabi ng matanda. "Kinuha ko na po yung gusto niyo diba? Sabi niyo tuturuan niyo ako" reklamo ng diwata. "Oo tuturuan kita, sinasabi ko lang na kung gusto mo makapantay kapangyarihan ko may kapalit" paliwanag ng matanda.

"Ano naman kapalit po?" tanong ni Aneth. "Yung asul na bato na laging suot ng nanay mo" sabi ng matanda at nagulat ang batang diwata. "Ay di ko po kaya kunin yon" sagot ni Aneth. "O siya, tuturuan kita pero kung gusto mo pang humigit sa lakas ko alam mo na kailangan mo.

Isang oras tinuruan ng matanda si Aneth at aliw na aliw ang diwata. "Kailangan ko nap o bumalik, bukas nalang po ulit" sabi ni Aneth. "O sige, bumalik ka bukas parehong oras" sagot ng matanda. "Ano po ba pangalan niyo?" tanong ng diwata. "Sabi ko sa iyo atin atin lang ito diba?" sumbat ng matanda. "Opo pero gusto ko lang malaman" hirit ng diwata at unti unting naglaho na ang matanda.

"Fredaaaatoooooriaaaaaa" narinig niyang bulong pero di naintindihan ng batang diwata. "Okay lang kung ayaw mo sabihin, babalik nalang ako bukas" sabi ni Aneth sabay tumakbong pabalik sa kweba.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon