Chapter 2: Trese Diablos
Huminga ng malalim si Wookie at dahan dahan minulat ang kanyang mga mata. Kanina lang nakikipaglaban siya kasama ang mga disipulo nang bigla siya tinangay ng mga espiritu. Tumayo ang mambabarang at wala siyang maalala kung pano siya napunta sa kweba.
"Gising ka na pala, halika ka dito at kumain ka" sabi ng isang matanda na nakaupo sa harapan ng isang apoy. "Sino ka? Ano ginagawa ko dito? Kailangan ako ng mga kasama ko!" sigaw ni Wookie at tumawa ang matanda.
"Wag kang mag alala tapos na ang laban at nanalo kayo" sabi ng matanda nang biglang may kalansay ang lumapit at may dalang pagkain. Agad pumorma si Wookie at nagpalabas ng tatlong espiritu. Sa isang tadyak lang ng matanda ay nalusaw ang mga espiritu at nagulat si Wookie. "Gawa gawa ko yang kalansay, maupo ka at kumain" sabi ng matanda.
"Sino ka ba? At pano mo nalusaw ang pinatawag kong espiritu?" tanong ng mambabarang. "Kumain ka muna, madami tayong panahon mag usap" sagot ng matanda kaya kumain na si Wookie pero pinagmamasdan niya yung matanda.
Pagkatapos kumain ay sumandal paatras si Wookie dahil sa pagkabusog. "Alam ko nag aalala ka para sa mga kaibigan mo, pwes eto ipapakita ko sa iyo ang nangyari" sabi ng matanda at natawa si Wookie. Tinaas ng matanda ang kamay niya at isang dilaw na espiritu ang lumabas. Nilapitan ng espiritu si Wookie kaya natakot at nagpaatras ang mambabarang. "Wag kang matakot, hayaan mo siya sumanib sa iyo para makita mo ang nangyari" sabi ng matanda.
Huminga ng malalim si Wookie at hinayaan ang espiritu makapasok sa katawan niya, agad nanigas ang mambabarang at mga mata niya napapikit. Bawat eksena napanood niya pati yung pagtangay sa kanya ng mga espiritu. Napapaindak si Wookie sa bakbakan napapanood niya at sa huli bigla siya napanganga nang mapanood niya bumagsak sa palasyo ang higanteng kometa.
Umalis ang espiritu sa mambabarang at si Wookie niyuko ang ulo at nalungkot. "Kaya kita tinangay palayo dahil may nagbabantang bagong delubyo. Dati hindi ako nakikialam sa mga gera dahil lahat nakatakda sa libro ng mga ninuno"
"Ngunit yung libro ay hindi kumpleto, nawawala ang kalahati nito" sabi ng matanda at may kalansay na lumapit at dala ang lumang libro. "Sige buklatin mo at tignan mo ang laman niya. Lahat ng nangyari at mangyayari dito sa kaharian ay nakasaad diyan" paliwanag ng matanda at agad binasa ni Wookie.
"Pati yung kometa nakasaad dito...si Aneth? Bakit si Aneth?" tanong ni Wookie. "Basahin mo para malaman mo" sagot ng matanda. "Nabasa ko na pero di ko inasahan na ganon siya. Ano yung gusto niya makamtan? Ano ang nakatago sa sentro ng Plurklandia?" tanong ni Wookie.
"Noong unang panahon, nagdesisyon ang mga nilalang na sa sentro ng kaharian itago ang mga libro ng kapangyarihan. Itong mga librong ito ay pinagbabawal ng mga nilalang. Nagpasya ang lahat na wala dapat matuto ng mga kapangyarihan na nakasaad sa mga libro" sabi ng matanda.
"E di sana sinunog nalang o sinira" sabi ni Wookie. "Patapusin mo ako!" sigaw ng matanda at natahimik ang mambabarang. "Ganon na nga sana ang ginawa nila ngunit naisipan nila na baka balang araw kailanganin nila ang kapangyarihan na nakasaad sa mga libro. Kaya sabi nila itago nalang nila sa sentro ng kaharian, sa ilalim ng lupa may templo at tanging makakapasok sa loob ng templo ay ang tunay na pinuno ng kaharian. Ang mga ibang sumubok pumasok sa templo ay agad malulusaw ng di namamatay na apoy" kwento ng matanda.
"Kaya ang mga punong nilalang ay mahigpit na nagbantayan mula noon. Hindi sila pwede makalapit o mapalapit sa namumuno ng kaharian. Kaya nga nilagay ang lahat sa iisang gubat. Ngunit kahit na ganon, ang mga punong nilalang ay nagtalaga ng isang taga bantay sa namumuno, at ako yon"
"Trabaho siguraduhin na walang nilalang ang manlinlang at manloko sa pinuno ng kaharian, mabuti o masamang nilalang magiging kaaway ko. Nung namatay ang hari na kasabayan ko, dinala niya ang sekreto ng mga libro sa libingan niya. Hindi na alam ng pumalit sa kanya na may mga librong ganon"
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...