Chapter 17: Pagbangon
Isang araw ang lumipas, maaliwalas ang buwan at tahimik ang buong paligid. Sa may batis may dalawang nilalang ang nakatayo sa may tubig at pinagmamasdan ang kalangitan.
"Naging malupit ang tadhana sa atin Anhica. Pero masaya parin ako at buhay parin tayo kahit papano" sabi ni Paulito. "Mula bata tayo pinaghiwalay na tayo. Kaya naman pala di ko alam bakit ikaw lagi hinahanap ko. Ano ba meron tayo at nagawa nila yon?" tanong ng dalaga.
"Ewan ko. Sa totoo ayaw ko naman ang ganito. Kung sana hindi gahaman sa kapangyarihan ang mga nakahanap sa atin siguro lumaki tayong iba" sabi ng binatang bampira. "Nagsisisi ka ba sa lahat?" tanong ni Anhica at huminga ng malalim ang bampira. "Konti, kasi madami na tayo sinakripisyo. Namatay ka, namatay ako, pero eto buhay parin tayo" sabi ng bampira at nagtawanan ang dalawa.
"Sa tingin mo malalaman pa ba natin kung ano talaga tayo? O san tayo nanggaling...sino mga magulang natin...at bakit talaga tayo nandito?" tanong ni Anhica. Tinuro ni Paulito ang dalawang tala sa langit na magkatabi, "Taong tala...natatandaan mo pa ba? Ikaw at ako...lagi tayo nawiwili sa mga tala. Di ko alam ano talaga tayo, gusto ko din malaman lahat ng tanong mo. Pangako ko sa iyo Anhica matapos lang lahat ito sabay natin aalamin ang lahat" sabi ni Paulito at naghawakan sila ng kamay.
"Ang drama niyong magkapatid!!!" sigaw ni Monica sabay hinila pababa ang pantalon ng binata. "Mewon nga!!!" sigaw ni Tuti kaya mabilis na tinaas ni Paulito ang pantalon niya. "Monica!!! Bakit mo ginawa yon?!!!" tanong ni Paulito.
"E kasi mga to ayaw maniwala na magkapatid talaga kayo" sagot ng dalagang bampira sabay ngumisi at tinignan si Anhica. "Hoy wag naman!" sigaw ni Anhica sabay tumakbo. "Tandaan mo di mo ako matatakbuhan...sige na wag ka na maarte! Gusto lang nila makita ang mga balat niyo!" sigaw ni Monica at hinabol ang dalaga.
Naglaro sina Monica at Anhica sa batis na parang mga bata habang sina Wookie, Tuti at Paulito tumayo lang sa tabi at pinanood sila. "Dadalhin namin ang katawan ng lolo sa mahiwagang gubat para doon ilibing. Isasama narin namin si Aneth pero hindi ko alam kung matatanggap nila si Monica doon" sabi ni Wookie.
"Hindi kami sasama sa inyo. Hahanapin namin ang mga disipulo. Kayo na ang bahala sa pagpapaalam sa lahat ng nilalang sa nagbabantang delubyo" sabi ni Paulito. "Boshing, shama ako shayo" sabi ni Tuti. "Tutilous, makapangyarihan ka na. Kailangan kita para protektahan ang kapatid ko at si Wookie. At mas maniniwala sila pag tatlong makapangyarihang nilalang ang magpapakita sa kanila" paliwanag ng sugo.
"Oo boshing fewo shabi mo magkatavi tayo lalaban e" hirit ni Tuti. "Oo naman. Sa ngayon maghahanda tayo. Importante ang misyon niyo para ipaalam sa lahat ang magaganap. Puntahan niyo din si Nella para maproteksyunan ang mga tao. Magtipon kayo ng mga magigiting na mandirigma at ihanda sila. Hahanapin namin ni Monica ang mga kaibigan natin. Wag ka mag alala Tuti, magsasama sama tayo ulet. Pangako ko sa iyo magkatabi tayo lalaban para harapin ang hari ng kadiliman" sabi ni Paulito.
"Pero pare, sa tingin mo kaya natin itong laban na to?" tanong ni Wookie. "Nagawa daw nila noon. Alam ko sa pagbalik ng hari ng kadiliman mas mabagsik na ito at gusto makabawi. Nagawa nila noon, uulitin natin ngayon" sagot ng bampira.
Habang seryoso ang tatlo biglang sumulpot si Monica at pantalon naman ni Wookie ang binaba niya. "Hoy!!! Wag mo ako isali sa ganito!!!" reklamo ng mambabarang at nagtawanan ang dalawang dalaga. "Wala lang, napatanuyan namin na hindi ka nila kapatid" sabi ni Monica at lalo pang nagtawanan ang mga dalaga.
"Ayos, unang nilalaman ng libro ng Magigiting, nagtatanggalan ng pantalon. Sino pa kaya ang maniniwala sa librong to?" sabi ni Berto na nakaupo sa isang sanga ng puno. "Tama lang yan Berto! Para malaman ng mga magbabasa ng libro na yan na marunong din magsaya ang mga magigiting" sabi ni Wookie. "Ano pa sinasayang niyong oras? Mamaya umaga na hindi nanaman makapaglalakbay ang mga bampira" sabi ng multo.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...