Chapter 21: Pakitang Gilas
"Bantayan mo sila" sabi ni Paulito. "Hindi, ayos lang sila basta nasa loob sila ng liwanag. Lalaban ako at wag mo nanaman ako ikukulong!" sabat ni Monica. "Paano ako lalaban ng maayos pag alam kong nakikipaglaban ka din?" sabi ng binata. "So concerned ka talaga?" landi ni Monica. "Oo! Kaya dito ka lang sa likod ko" sumbat ni Paulito. "Mas madali tong laban pag dalawa tayo...o baka natatakot ka baka mas malakas ako kesa sa iyo?" hamon ng dalaga at natawa si Paulito.
"Alam mo tama ka, mas madali pag dalawa tayo. Sige papayag ako pero wag kang lalayo sa tabi ko" sabi ng binata at papalapit na ang mga kalaban nila. "Show me what you got" hamon ni Monica at napangisi ang binata.
Humarap si Paulito at huminga ng malalim, nagliyab ng apoy ang mga mata niya sabay nagpakawala siya ng malakas na sigaw. Lahat ng mga tiyanak napalipad paatras at mga sumusugod galing sa ere ay lahat nagtakip ng mga tenga at nagbagsakan sa lupa.
"Weak! Eto kaya mo?" sabi ni Monica at nagliyab ng dilaw ang buong katawan niya at bigla siyang lumutang sa ere. Pinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at biglang lumakas ang hangin sa paligid. Lahat ng kalaban nila lumutang sa ere at pinaglalaslas ng hangin ang mga katawan nila. Tumawa ng malakas si Monica at napatingin sa kanya si Paulito. "Bakit ka tumatawa na parang bruha?" tanong niya kaya napatigil ang dalaga.
"Kasi talo ka, weak ka!" sumbat ni Monica at biglang nag apoy ang mga kamay ng sugo at hinarap niya ang mga nakalutang na kalaban. "Sinong weak? Baka ikaw!" sigaw niya at pinaharap niya ang dalawang kamay niya at may mga apoy na lumabas.
Tinosta ni Paulito ang lahat ng kalaban na nakalutang sa ere, ilang sandali pa tumigil siya at nilipad ng hangin ang mga abong natira. Sigang tumayo si Paulito at nginitian niya si Monica, "Sila ang weak" bigkas niya pero nakatulala lang si Monica kaya muling humarap si Paulito.
Ang mga nagkalat na abo muling nagtitipon at nabubuo muli ang mga katawan ng kalaban. Parehong di makapaniwala ang dalawa sa nakikita nila at ilang sandali pa buhay ulit ang lahat ng napatay nila. "Paano mo papatayin ang mga ganyan?" bulong ni Monica at huminga ng malalim ang binata. "Mukhang mahihirapan tayo dito, tara na bago mabuo pa yung iba" sabi ni Paulito at nauna na siyang sumugod.
Sumalubong kay Paulito ang mga malalaking itim na tikbalang, pinaglalaslas niya ang mga katawan nito at naging abo sila ngunit muling nabuo ang mga katawan ilang sandali pa. Parang tuloy hindi nauubusan ng kalaban ang sugo, sumugod narin sa kanya ang mga tiyanak at mga aswang.
Si Monica nakatayo lang at pinapanood ang laban at kahit may bumagsak na aswang sa tabi niya, hindi siya ginagalaw. Totoo ang sinabi ng tatlong tiyanak, puntirya lang nila ang katawan ni Paulito. Biglang may naisip ang dalaga at sumugod narin siya.
Di pa nakaabot si Monica ay napatapis paatras si Paulito. Nasalo ng dalaga ang binata at mabilis sila sinugod ng mga kalaban. Agad naglabas ng bolang liwanag si Monica at doon sa loob nagtago ang dalawa. Kahit anong gawing atake ng kalaban ay di nila mabasag ang bola ng liwanag.
"Nagsasayang tayo ng oras dito sa loob" reklamo ng sugo. "Makinig ka sa akin. Pinapagod ka lang nila" sabi ni Monica. "Oo alam ko pero sinusubukan ko lahat pero talagang nabubuhay ulit sila e" sabi ni Paulito. "May plano ako pero kailangan ko ng tubig" sabi ng dalaga. "Tubig? Aanhin mo ang tubig?" tanong ni Paulito.
"Basta, kaya sana dalhin mo ang laban malapit sa batis" sabi ni Monica. Napansin ng dalawa na palakas ng palakas ang pagtama ng mga tikbalang sa liwanag, "At Paulito, wag kang magpipigil, kailangan ko abuhin mo sila lahat ng mabilis" dagdag ng dalaga at napatingin sa kanya ang binata. "O sige, may tiwala ako sa iyo. Umatras ka konti" sabi ni Paulito.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...