Chapter 8: Libro ng Kadiliman

1.5K 28 1
                                    

Chapter 8: Libro ng Kadiliman

"Nakwento ko sa iyo ang pagkahati ng nga ninunong nilalang sa dalawang kampo. Liwanag at dilim. Yung mga tumiwalag na mga nilalang, mga kampon ng kadiliman ay naghanap ng ibang pagkukunan ng kapangyarihan"

"Patago sila nag aral pagkat wala silang laban sa kampon ng liwanag sa mga panahon na yon. Mga kampon ng liwanag naging kampante pagkat nasa kanila na ang mga pinakamakapangyarihang mga nilalang, pero nagkamali sila"

"Desprado ang kampon ng kadiliman, kaya sa tunay na hari ng kadiliman sila kumuha ng lakas. Ang demonyo mismo ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan ngunit malaki ang kapalit nito. Kinakailangan na may alay sila lagi sa demonyo, alay na mga tao"

"Bawat buwan pumapatay sila ng mga tao para lang mapanatili ang ugnayan nila sa demonyo. Sa tagal ng panahon inaral nila ang kanilang bagong kapangyarihan at lalong nagpalakas. Gumawa din sila ng sarili nilang libro at nung tingin nila kaya na nila ang kampon ng liwanag ay nagparamdam na sila"

"Ang di nila alam nauna nang gumalaw ang kampon ng liwanag at inatake sila. Naging mapangahas at madugo ang labanan. Madaming namatay na mga nilalang sa magkabilang panig pero madami din taong nadamay kaya tuwang tuwa ang demonyo"

"Sa huli gumalaw na ang demonyo at naglabas ng mga kampon niya para makuha ang buong kaharian. Mga nilalang ng liwanag at kadiliman ay nagsanib pwersa para mapigilan ang kampo ng demonyo. Natalo ang demonyo at naipabalik nila ito sa impyerno"

"Nakuha ng kampo ng liwanag ang libro ng kadiliman. Sinubukan nila sirain ang libro pero hindi nila magawa. Ayaw masira ng libro kaya nagpasya ang mga punong nilalang na itago nalang ito. Di lang tago, gumamit sila ng kakaibang kapangyarihan para dito"

"Gamit ang salamangka ay tinago nila ang libro sa ibang dimensyon. At tanging makakabukas sa dimensyon na yon ay anim na susi. Mga susing ito ay mga diyamante, pag nagsama muli ang anim saka lang magbubukas ang dimensyon na yon"

"Anim na punong nilalang naghiwalay para itago ang mga diyamante. Wala nang iba pang nakaalam ng lokasyon ng mga diyamante, yon ang akala nila. May nagmamasid sa kanila at nasundan ang anim na nilalang. Sinubukan ng mga nilalang na iyon na kunin ang mga diyamante ngunit napigilan sila"

"Noong nagpasya na ang mga punong nilalang na itago ang mga libro ng kapangyarihan sa templo, nakita kong nagpahuli ang punong tikbalang at naglabas ng mapa. Gamit ang salamangka nahati ang mapa at isa isa pumasok sa mga libro"

"Ngayon nakita ni Aneth ang mapa at pag nabuo niya yung anim mapapalabas niya ang libro ng kadiliman" kwento ni Berto.

Pagod ang utak ni Nella sa narinig niya, tumayo sya at bumalik sa kama para maupo. "Pero alam mo sabi ni Aneth kulang daw ng dalawang libro e" sabi niya. "Oo tama, libro ng mambabarang at libro ng mga bampira" sabi ni Berto.

"Yung libro ng mambabarang ay pinamigay nila sa mambabarang na magbabantay sa hari noon" dagdag ng multo. "At yung libro ng mga bampira?" tanong ng reyna at mula sa katawan ng multo may isang libro na lumabas. "Eto tinago ko" sabi ni Berto.

"Delikado tayo! Pag nalaman ni Aneth na nasa sa atin yan tayo ang kawawa!" sigaw ni Nella sa gulat. "Nabasa ko ang laman ng libro ng mga ninuno, alam ko ang mangyayari. Mahahanap ni Aneth ang anim na diyamante pero sabi ko siguro pag suwayin ko konti ang nakasulat ay magkakaroon tayo ng oras para makahingi ng tulong" sabi ni Berto.

"E sabi mo kung ano ang nakasulat, masusunod at masusunod yon diba?" tanong ni Nella. "Oo ganon nga. Pero ginawa ko ito para magkaroon tayo ng oras para makahanap ng tulong, baka sakali magbago ang kapalaran ng kaharian" sagot ng multo.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon