Chapter 22: Ang Hamon
Nakabalik si Rayisha sa pinakamadilim na sulok ng kaharian. Takot na takot siya pumasok sa kweba pagkat bigo siya sa kanyang tungkulin. Tahimik ang kweba at dumikit ang aswang sa may batuhan ang kinapa ang daanan niya papasok sa loob.
"Bigo ka sa iyong tungkulin. Bilib ako at may lakas ka pa ng loob bumalik dito" sabi ng malalim na boses na dumagundong sa buong kweba. Napaluhod si Rayisha sa lupa at nanginig sa takot. "Patawarin niyo po ako mahal na hari. Wala po kasi ako alam sa laban kaya nanood lang ako at namuno" sabi ng aswang.
"Nagrarason ka pa. Tinanggap mo ang misyon kaya umaasa akong ng magandang resulta. Pero bigo ka! Bakit di pa ba sapat yung binigay kong tauhan para sumama sa iyo?" tanong ng boses.
"Mahal na hari malakas po ang sugo. Tapos hindi po lahat ng itim na nilalang ang sumama sa atin. Yung iba ayaw nila kaya kokonti lang ang nakasama ko" paliwanag ni Rayisha at biglang lumiwanag ang kweba at nakita niya si Ikaryo sa malapit.
"Sabi ko naman sa inyo malakas ang sugo e. At mukhang mahina ang bulong niyo para makumbinsi ang ibang nilalang" sabi ni Ikaryo at bigla siyang napalipad ng malayo. "Iniinsulto mo ba ako Ikaryo?!!!" sigaw ng malalim na boses at agad tumakbo ang aswang sa tabi ng bagsak na lalake.
"Lumapit ka sa akin Rayisha" sabi ng boses at napalingon lingon sa paligid ang aswang. "Nasan po kayo?" tanong niya. Lumitaw ang itim na usok sa malapit at agad tumayo ang aswang at nagtungo doon.
Napalibutan ng itim na usok ang katawan ni Rayisha, ilang sandali pa pumasok ito sa loob ng bunganga niya. Pinikit ng aswang ang kanyang mga mata at sa muling pagmulat niya buong itim na ang mga mata niya.
May liwanag na lumabas sa mga mata ng aswang at tumama ito sa isang gilid ng kweba. Mga imahe ng nang nangyari sa katatapos na laban ang lumitaw at agad lumapit si Ikaryo para manood.
Lumipas ang ilang minute ay biglang tumawa ang hari nang makita ang mga nagkalat na yelo sa lupa. Agad namatay ang liwanag at bumagsak ang katawan ni Rayisha sa lupa. "Mahusay! Gusto ko siya talaga! Napabilib niya ako" sabi ng hari.
"Pero mahal na hari parang may mali sa napanood natin" sabi ni Ikaryo. "Mali? Anong mali ang sinasabi mo?" tanong ng boses. "Kasi hindi diwata ang sugo, pero yang huling kapangyarihan na nagamit ay kapangyarihan ng malakas na diwata" paliwanag ng lalake.
"Hmmm...ngunit yun lang ang nakita ko sa isipan ni Rayisha. At wala naman ibang nilalang ang kasama ng sugo sa napanood natin" sabi ng hari. "Kaya nga ho e. Kaduda duda ang kapangyarihan na yon. Ang sugo ay bampira, at ang kapangyarihan niya kasintulad lang ng kapangyarihan ng kadiliman" dagdag ni Ikaryo.
"Anong ibig mo sabihin? Na kaya ng sugo sumagap pa ng ibang kapangyarihan? Mas maganda pag ganon. Mas lalo kong gusto ang katawan niya pagkat pag ganon nga siya ay halos kapareho na niya ang tunay kong katawan" sabi ng boses at tumawa ng malakas.
Di mapakali si Ikaryo at di parin makapaniwala sa napanood niya. "Mukhang may duda ka talaga Ikaryo. Nakakainsulto na yang pag asta mo. Parang sinasabi mo na palpak ang pagpasok ko sa isipan ni Rayisha ganon ba? Lahat ng nakita mo ay galing mismo sa napanood ng aswang kaya talagang naiinsulto na ako sa iyo" sabi ng hari at agad lumuhod si Ikaryo at humingi ng tawad.
"Patawad po mahal na hari. Di ko lang talaga maipagtagpi kung bakit kaya ng sugo magmanipula ng kapangyarihan galing sa paligid. Ngunit baka tama din ang hinala niya at kaya niya sumagap ng ibang kapangyarihan" sabi ng lalake at niyuko ang ulo niya.
"Oo at lalo ko na siyang gusto kaya magpapadala ako ng mas malalakas na kampon pero Rayisha ikaw parin ang mamumuno sa kanila!" sigaw ng boses at natakot ang aswang. "Hindi ko na po kayo bibiguin...pero mahal na hari may pinapaabot na mensahe ang sugo sa inyo" sabi ng aswang at muling lumitaw ang itim na usok at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...