Chapter 16: Sakripisyo

1.4K 17 1
                                    

Chapter 16: Sakripisyo

Ang buong gubat ng bundok ng Asura tahimik, tumigil na ang pag iyak ni Monica pero mahigpit parin niya niyayakap ang patay na katawan ni Paulito. Namamaga na ang mga mata nina Wookie, Tuti at Anhica nang biglang may nagsulputan na libo libong mga espiritu.

Di makapaniwala si Wookie pagkat kahit di niya pinapalabas ay nandon ang trese Diablos. Mga higanteng espiritung dragon nagpakita din kasama ang iba pang mandirigmang espiritu. Lahat pinalibutan ang dilaw na bilog tila nakikiramay sa mga nilalang.

Yumanig ang lupa konti at lahat ng mga espiritu niyuko ang mga ulo nila. Isang higanteng espiritu ang lumitaw at napaatras ang lahat sa takot at kaba. "Sino yan?" tanong ni Anhica. "Ang hiraf huminga...farang ang lakash ng mumong to" bigkas ni Tuti. "Hindi ko alam...kakaibang espiritu siya...daig pa niya ang kapangyarihan ng trese Diablos ko at yung Ultima Dragon ni lolo" sabi ni Wakiz.

Nakabalabad ng itim ang makapangyarihan na espiritu, hindi nakikita ang mukha niya pero lumuhod siya sa tapat ni Monica at nagulat ang lahat nang makapasok siya sa bolang dilaw. Pati si Monica gulat sa pangyayari, kinukuha ng espiritu ang katawan ni Paulito at kusa naman na binigay ito ng dalaga.

"Bakit niya kinukuha si Paulito? Sino ba yan?" tanong ni Anhica. "Ewan ko pero hindi ako papayag!" sagot ni Wookie na agad pumorma. Kahit anong gawin ng binatang mambabarang hindi sumusunod sa kanya ang mga espiritu, si Tuti naghahanda narin sumugod pero nangangatog ang mga tuhod niya sa takot. "Am shkird" sabi niya.

Nalusaw ang dilaw na bilog, si Monica napaatras sa takot at nakitabi sa tatlo. "Hahayaan mo nalang na makuha niya si Paulito?" tanong ni Anhica. "Natatakot ako, hindi ko alam bakit" bulong ni Monica. "Dapat wag natin siya hayaan na makuha si Paulito!" sigaw ni Wookie.

"Hindi siya kaaway. Siya ang Mananabas, ang pinakamakapangyarihan na espiritu ng Ultimo mambabarang" biglang sabi ng isang boses na kinagulat ng lahat. Paglingon nila nakita nila si Berto.

Pumorma si Wookie pero pinigilan siya nina Tuti at Anhica. "Kashama natin sha" sabi ng bunging bampira. "Bakit kinukuha ng Mananabas si Paulito at bakit nakikiluksa ang mga espiritu?" tanong ni Wookie.

"Pagkat nakikiluksa sila sa pagkamatay ng punong mambabarang" sabi ni Berto at nagulat ang lahat. "Si Paulito ang Ultimo mambabarang?!!! Akala ko ba lolo ko ang Ultimo mambabarang?" tanong ni Wookie.

"Lolo mo nga" sabi ni Berto at lalong nailito ang apat. Nilapag ng Mananabas ang katawan ni Paulito sa lupa. May nangyari sa katawan at biglang nagpapalit ang anyo nito. Ilang daan espiritu at nagsipag alisan mula sa katawan at halos mapanganga sa gulat nang makita nila si Wakiz ang nakahiga na doon.

"Lolo?!!!" sigaw ni Wookie at agad tumakbo sa patay na katawan. "Berto anong nangyari at nasan si Paulito?" tanong ni Anhica. "Pinasok siya sa loob ng kweba ng mga espiritu tapos si Wakiz ang nagpanggap na Paulito habang nagkakagulo" paliwanag ng multo at agad tumakbo ang tatlo papunta sa kweba.

Tumayo si Berto sa tabi ni Wookie, "Patawad ginoong mambabarang, nabasa ko ang libro ng mga ninuno at nakwento ko sa lolo mo ang magaganap" sabi ng multo pero hindi siya pinapansin ng binatang mambabarang.

"Hindi ka dapat magluksa. Ikaw na ang magtataguyod sa lahat ng responsibilidad ng lolo mo" biglang bigkas ng Mananabas. "Hindi ko kaya, hindi pa ako handa" sabi ni Wookie. "Ganun din ang lolo mo nung nagsimula siya. Sigurado ko mas hihigitan mo pa siya. Katunayan nagawa mo ipalabas ang mga espiritu na di kaya ng lolo mo" sabi ng Mananabas.

"Hindi ko mapapantayan ang lolo ko o mahihigitan. Naaral niya ang libro ng mambabarang. Konti lang ang naituro niya sa akin" sabi ni Wookie. "Alam mo matagal nang pinaghandaan ng lolo ang araw na ganito. Lahat ng laman ng libro...kami yon. Ang ibang laman ng libro sinigurado niya inaral ng ibang espiritu para pag yumao man siya hindi mawawala ang mga aral ng libro. Maipapasa ito sa napili ng lolo mong mapagpasahan ng kaalaman at ikaw yon" paliwanag ng Mananabas.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon