Chapter 11: Huling Diyamante
Sa gubat ng mga dwende tahimik ang paligid, mga hayop masayang nagtitipon sa may ilog. Biglang humangin ng malakas at nagliwanag ang paligid, dilaw na ilaw bumulag sa mga hayop kaya nagsipagtakbuhan sila lahat.
Paghupa ng ilaw ay nakatayo ang madaming nilalang na pinamumunuan ng punong diwata. "Mga disipulo! Kumalat kayo at siguraduhin na walang makakalapit" utos ni Aneth. "Mukhang mahihirapan tayo maghanap nung diyamante. Di tulad nung iba simple lang ang pinagtaguan. Dito sa gubat ng dwende masyado malawak, di natin alam kung nasa loob siya ng isang puno...pero masyado madaming puno" sabi ni Ikaryo.
"Edi putulin lahat. Ganon kadali yon. Pero sa tingin ko di gagawin yon ng mga dwende. Parang hinihila ako ng apat na diyamante palapit sa ilog" sabi ng diwata. Nilabas ni Aneth ang apat na diyamanteng nahanap nila, tinapat niya kamay niya sa ilog at nagbabaga ang mga ito. "Gusto talaga ng mga diyamante na magsama sama sila" bulong niya.
"Ayaw ko lumusong sa ilog!" sabi ni Ikaryo. "Tado! Hindi mo naman makukuha ang diyamante. Tanging ako lang ang pwede kumuha diyan at ayaw ko din mabasa" sagot ni Aneth. "O pano mo kukunin ang diyamante pag di ka papasok sa ilog?" tanong ng lalake.
"Bobo ka talaga, sino ba ang kausap mo? Di mo ba alam mala diyosa na ako" sabi ni Aneth sabay tumawa ng malakas. Tumayo si Aneth sa paanan ng ilog. Tinaas niya ang dalawang kamay niya at nagbulong ng dasal.
Nagliparan palayo ang mga ibon, muling dumagsa ang malakas na hangin sa paligid. Mga dahon ng puno sa damuhan tinipon ng isang ipo ipo at nagtungo sa diwata. Buong katawan ni Aneth pinaikutan ng mga nagliliparang dahon, ilang saglit pati na mga maliliit na bato sumabay na sa mga dahon.
Si Ikaryo nagtago sa likod ng puno, mga disipulo kumapit din sa mga puno pagkat pati sila nasususop ng malakas na hangin. Hinarap ni Aneth ang isang kamay niya at doon sumugod ang ipo ipo na nagpapaikot sa kanya. Ang tubig ng ilog biglang nahati sa gitna, may lumitaw na kumikislap na diyamante sa gitna ng ilog kaya lalo pang hiniwalay ni Aneth ang tubig.
Nagkaroon na ng isang daan papunta sa diyamante, ang tubig ng ilog nagmistulang dalawang matataas na dingding nalang. Naglakad si Aneth papunta sa gitna ng ilog, pinulot niya ang diyamante at biglang yumanig ang lupa.
Pabalik na sana ang diwata pero may espiritung nagpakita sa harapan niya. "Hindi ko alam sino ka, pero bibigyan kita ng babala. Wag mong pagtagpuin ang anim na diyamante" sabi ng espiritu. "Sino ka?! Umalis ka sa harapan ko at padaanin ako!" sumbat ni Aneth.
"Ako ay isang espiritu, tagabigay ng babala kung sakaling matagpuan at mapagsama ang limang diyamante. Wag mo nang hanapin pa ang ika anim na diyamante. Ibalik mo nalang ang lima sa pinagkunan mo" sabi ng espiritu.
"Bakit ano ba mangyayari pag nahanap ko ang anim?" tanong ni Aneth. "Hindi maganda kung magsama ang anim na bato. Bitawan mo na yang isa saka isoli ang iba. Pag hindi mo mabitawan yan agad hindi mo na kailangan hanapin ang pang anim, kusa kang dadalhin doon ng limang diyamante. Wala akong kapangyarihan para pigilan ka, pero akoy nabigyan kapangyarihan para ipakita sa iyo ang maaring maganap" sabi ng espiritu sabay mabilis siyang sumanib sa diwata.
Napaluhod sa lupa si Aneth at nanigas ang buong katawan. Mulat na mulat ang mga mata niya at mga luha tumulo sa pisngi niya. Nanginig ang katawan ng diwata, natatakot lumapit ang mga alagad niya pero si Ikaryo mabilis na sumugod at nilapitan siya.
"Aneth!!!" sigaw ng lalake sabay niyuga ang katawan ng diwata. Nabitawan ni Aneth ang limang diyamante at nagsisigaw. Mabilis na kinuha ni Ikaryo ang limang diyamante sabay binulsa, mula sa isang kamay kinalat niya sa lupa ang pekeng mga diyamante.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...