Chapter 25: Lagim
Ang mga pwersa ng liwanag nabalot ng takot nang makita nila ang dami ng kampon ng kadiliman na pasugod sa gubat. Kung kanina ilang daan lang ang bilang ng kalaban, ngayon libo libo na at parami pa sila ng parami.
Sa ere lumutang ang hari at pinagmamasdan ang nagaganap sa lupa, bahagyang pinatigil niya ang mga alaga niya para bigyan tsansa pa sumuko ang mga pwersa ng liwanag.
Sa isang tabi nilaslas ni Tuti ang kamay niya at pinainom kay Nella ang kanyang dugo. Ang mga sugat ng dalaga sa dibdib agad naghilom at ilang sandal pa minulat na niya ang kanyang mga mata. "Tuti?" bigkas niya. "Sige inom ka pa ng dugo ko, ganito ang dugo ng bampira nakakagamot at papalakasin ka niya. Wag kang mag alala tao ka parin" sabi ng bampira at napangiti ang dalaga sabay sumipsip pa sa kamay.
"Hindi natin pwede ibigay nalang sa kanya ang katawan niya. Kung dito na ako mamatay ayos lang basta di ko ibibigay ang katawan niya" sabi ng matandang tikbalang. "Mga diwata gawin niyo lahat ng makakaya niyo para takpan ang butas, ang mga malalakas pa haharap sa mga kampon niya" sabi ni Wookie.
Dahan dahan bumangon si Nella at pinulot niya ang kanyang espada. Tumabi siya kay Wookie at tinuro ang hari ng kadiliman gamit ang espada. "Bring it!!!" sigaw ng dalaga at nairita ang hari kaya sa isang indak ng kamay niya sumugod na ang kampon ng kadiliman.
Ang mga diwata agad pinalibutan ang butas sa lupa ng matingkad na liwanag habang ang mga mandirigma ng liwanag sumugod narin para salubingin ang mga kalaban. Yumanig muli ang lupa sa dami ng itim na nilalang na pasugod, sa ere nagharap ang mga itim na aswang at mga bampira na tinawag ni Tuti.
"Tumabi kayo!!!" sigaw ni Wookie at bigla siyang sumayaw ng Macarena habang nagbibigkas ng mga dasal. Bawat indak ng katawan niya may isang Diablo ang lumalabas. Pag kembot ng mamababarang ang huling Diablos nakawala na at nabighani ang mga nilalang sa lakas ng mga mandirigmang espiritu na napalabas niya.
Mabangis ang trese Diablos at kay dami nilang napaslang na kalaban. Ang hari ng kadiliman hindi makapaniwala sa nakikita niya pero naaliw siya. Mga higanteng diablos ang pumaslang sa kalahati ng kalaban, nagpalabas ang hari ng mga itim na higante pero mabilis sila natalo ng mga diablos.
"Hindi pa panahon para magdiwang!!! Sugod pa!!!" sigaw ng mambabarang at tindo na ng mga nilalang ang pakikipaglaban. Mula sa mga puno nakaposisyon ang mga dwende at tinitira ang mga kalaban gamit ang mga mahiwagang pana at tirador. Isa isang nagbagsakan ang mga aswang at mananaggal dahil sa bangis ng mga bampira sa ere.
Sumugod ang mga itim na taong apoy pero nagulat ang lahat nang nagsilabasan ang mga water dragon ng mga sirena at siyokoy. Pakonti ng pakonti ang kampon ng kadiliman pero tumatawa lang ang hari at lalo pang naaliw.
"Mga mangmang!!! Pinapalakas niyo lang ako lalo!!! Sa bawat dugong pumatak, sa bawat masamang intensyon sa pag iisip niyo, sa bawat buhay na nawawala lalo lang ako lumalakas. Sige pa palakasin niyo pa ako!!!" sigaw niya.
Tila walang nakarinig sa sinabi ng hari maliban kay Aneth na nakatayo sa harapan ng kweba. Tumakbo siya papunta kay Anhica na tumutulong sa pagpapalabas ng liwanag para matakpan ang butas sa lupa. "Kailangan ko ang tulong mo" bigkas niya at napatingin sa kanya si Anhica. Agad sila nagtungo sa kweba habang ang gera sa labas patuloy na sumisiklab.
Akala ng pwersa ng liwanag ay nakakaangat na sila pagkat kokonti nalang ang natirang mga kalaban. Nagbabaga na ang katawan ng hari at may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Nang mamatay ang huling kampon niya pagod na pagod na ang mga mandirigma ng liwanag kaya tumawa ng malakas ang hari.
"Nakakatayo pa kayo? Eto pa!!!" bigkas niya at halos nadismaya na ang mga nilalang nang makita nilang muling bumangon ang mga patay na kalaban nila. "Pagod na ako, di ko na kaya" sabi ng matandang dwende at pati si Wookie hinihingal na. "Parang padami sila ng padami...wala na atang hinto itong laban na ito" sabi ng matandang tikbalang.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...