Chapter 4: Pagbangon

1.5K 25 6
                                    

Chapter 4: Pagbangon

Isang gabi, tahimik ang buong kaharian nang may isang nilalang na tumayo sa harapan ng lumang palasyo. Maliwanag ang buwan at ang simoy ng hangin ay mahalimuyak. Tinanggal ng nilalang ang kanyang hood at dinikit ang kamay niya sa malaking kometa.

"Bossing, nandito na ako" bulong ni Wookie nang nagpaatras siya. Humawak ang mambabarang sa kamay niya at sa isang iglap dalawang malaking higanteng espiritu ang lumabas at inutusan agad ni Wookie na alisin ang kometa.

Madaling naalis ng dalawang Diablo sang malaking kometa, napahanga si Wookie sa lakas nila. Agad pumasok ang mambabarang sa loob ng gumuhong palasyo, nagpakawala siya ng mga espiritu para hanapin si Paulito.

Ilang sandal pa ay kinalbit ni mini Wookie ang mambabarang at tinuro ang mahiwagang lababo ng bruha na nakataob. Agad pinaalis ni Wookie ang lababo sa mga espiritu at dalawang katawan na magkayakap ang natagpuan nila.

Agad binuhat ni Wookie ang katawan ng punong disipulo, dinala niya ito sa labas at pinahiga sa lupa. Nilaslas ng mambabarang ang leeg ng dala niyang baboy saka pinainom ang dugo sa bampira.

Madami nang napainom na dugo ang mambabarang sa bampira ngunit hindi parin ito nagigising. Pangalawang baboy na at biglang tinapik ni Wookie at noo ng bampira. "Bossing naman e" sabi ni Wookie at natawa si Paulito at dahan dahan niya minulat ang mata niya.

"Yo Kalbo" bati ng bampira at huminga ng malalim ang mambabarang at natawa. "Sorry naman, ngayon lang ako nakaranas na pinapakain ako e" sabi ni Paulito at napakamot ang mambabarang. "Buhay ka naman pala e, bakit di ka pa umalis diyan sa ilalim?" tanong ng mambabarang.

"Ewan ko, wala akong lakas. Ngayon parang bumabalik na. Pero nung nakakulong ako sa ilalim walang wala kahit ano gawin ko. Hindi ko maintindihan" paliwanag ng bampira. "E ngayon? Bumabalik na ba?" tanong ni Wookie. "Oo unti unti pero nanghihina parin ako talaga. At may isa pang problema" sabi ng bampira.

"Anong problema?" tanong ni Wookie at nagulat ang mambabarang nang may kamay siyang nakita na lumalabas sa butas. "Bakit mo ako iniwan doon mag isa?!!!" sigaw ng babae at agad naghanda ang mambabarang pagkat nabobosesan niya ang babae, yun ang bruhang si Monica.

Agad hinila ni Wookie ang mahinang bampira at nagpakawala ng isang daang espiritu para harapin ang bruha. "Bossing dito ka sa likod ko, ako bahala dito" sabi ni Wookie. Di pa sumusugod ang mga espiritu, si Monica naman ay nakatayo lang at pinagmamasdan sila at tumatawa. "Hoy kalbo pano mo nagawa to? Turuan mo nga ako" sabi ng bruha.

"Wookie pare, paatrasin mo na ang mga espiritu mo" utos ni Paulito. "Bossing nasisiraan ka na ba ng bait? Malakas na bruha yan!" sagot ng mambabarang. "Hindi na, paatrasin mo na sila" sagot ng bampira at di makapaniwala ang mambabarang pagkat nakikipaglaro ang bruha sa mga espiritu.

"Boss nasiraan ba ng bait ito?" bulong ni Wookie. "Parang ganon na nga. Monica gutom ka diba?" sabi ng bampira at nagulat si Wookie nang sa isang iglap katabi na niya ang bruha. Inamoy ni Monica ang mambabarang at halos nanlambot si Wookie nang maglabas ng pangil ang bruha. "Pau, pwede ba to? Maganda ang amoy ng dugo niya e" sabi ni Monica.

"Sabi ko sa iyo bawal kumain ng dugo ng tao, hayop lang. Ito may baboy dito" sabi ni Paulito at nagsimangot si Monica. Naupo ang bruha sa harap ng baboy at tinitigan ito. "Pano ko kakainin blood nito? So kadiri the piggy" sabi niya at napakamot si Wookie. "Bossing, isa lang naiisip ko kung pano naging ganyan yan pero di ko maintindihan bakit" sabi ng mambabarang.

"Mahabang kwento pare, may baso ka bang dala?" tanong ni Paulito at inutusan ni Wookie ang manika niya na kumuha ng niyog. "Wow! Ang cute naman niyan!!!" sigaw ni Monica at hinabol niya ang mini Wookie.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon