Chapter 9: Kampon ng Kadiliman

1.5K 27 0
                                    

Chapter 9: Kampon ng Kadiliman

Sa madilim na dako ng kaharian, lugar kung saan hindi nasisilayan ng araw. May grupo ng mga nilalang na nagtipon sa paanan ng bundok.

Lahat sila nakabalabad ng itim, natatakpan ang kanilang mga mukha at buong katawan. "Bakit mo kami tinipon? Oras na ba para sa pag alay?" tanong ng isang tiyanak. "Oo nga, oras na ba? Kung hindi mapanganib itong pagtitipon natin baka mahalata tayo ng kampo ng liwanag" sabi ng isang tikbalang.

"Dwardo, Tikyo, kumalma kayo tulad ng iba. Hindi pa oras para sa pag alay. Pinatawag ko kayo pagkat gumalaw na ang mga tauhan na kailangan natin para mapatawag ang hari ng kadiliman. Si Aneth nagtungo na para hanapin ang mga diyamante" sabi ni Berkas, isang bampira.

"Alam mo naman na hindi basta basta mapapaamo ang mga diyamante. Bago mo makuha ang diyamante kailangan makilala ka nito. Kung ano ang kapangyarihan nung nagtago ng diyamante dapat ganon din ang kapangyarihan nung siyang kukuha" sabi ni Raika, isang aswang.

"Naaral na ni Aneth ang mga libro ng kapangyarihan. Ayon sa pinadalang mensahe ni Ikaryo ay gumamit siya ng kakaibang seremonya. Dalawang libro lang ang di niya naaral" paliwnag ni Berkas.

"Sigurado ka ba mapangkakatiwalaan natin si Ikaryo? Baka naman siya ang magbubuking sa mga plano natin. Baka mamaya ituro niya ang lugar na ito at sugurin tayo ng kampo ng liwanag. Mauubos tayo pag ganon pagkat wala pa tayong kapangyarihan" sabi ni Erenyo, taong lupa.

"Oo mapagkakatiwalaan natin si Ikaryo. Mapapaamo ni Aneth ang limang diyamante. Yung isang diyamante, tanging ang nagbasa lang ng libro ng bampira ang makakakuha. Sa ngayon may isang bampira at isang multo na dala ang lahat ng libro, pati ang libro ng mga bampira. Ayos sa mga alagad nating mga insekto ay naglalakbay sila ngayon para hanapin ang isang diwata. Malamang gagayahin nila ang ginawa ni Aneth para mapabilis ang pag aral sa libro" sabi ni Berkas.

"Parang may masama kang binabalak Berkas, balak mo ba kami lamangan?" tanong ni Raika at natawa ang bampira. "Di niyo ata narinig ang sinabi ko. Dala nila lahat ng libro. Alam ko wala tayong kapangyarihan sa ngayon pero pwede naman natin subukan atakehin ang nagdadala ng mga libro. Isa siyang bampira, sabi ng mga bibwit natin na hindi siya miyembro ng mga disipulo. Alalay daw lang siya kaya sigurado ako mahina siya"

"May kapangyarihan siya konti kumpara sa atin na tinanggal nila lahat. Ang nais ko sabihin ay pag madaming susugod sa bampirang ito, may tsansa tayo na manalo. Isa lang siya, pwede tayo magtipon ng mga isang daan na alagad para atakehin siya kahit wala tayong kapangyarihan" sabi ni Berkas.

"Sira ulo ka ba?!!! Kokonti nalang tayo natira! Gusto mo pa magbuwis tayo ng ibang kakampi? Tapos si Ikaryo, ang tanging kasama natin na may kapangyarihan pinadala mo pa kay Aneth. Pano na kung pinatay siya? Wala na tayong panlaban. Si Ikaryo na nga lang ang nagtatanggol sa atin dito! Kaya ngayon takot na takot ako dito sa lugar natin dahil wala si Ikaryo" reklamo ng tiyanak. "Kapalit ang mga libro ng kapangyarihan" tanging sagot ni Berkas at napaisip ang lahat.

"Sabi mo nagawa ni Aneth aralin lahat ng libro. Kahit hindi para sa atin ang mag librong yon...baka pwede din natin aralin" sabi ni Raika. "Buti naman at may isang nag iisip!!! Yan ang binabalak ko. Kung nakayanan ni Aneth aralin lahat yon, naiisip niyo ba ang pwede natin makamtan? Kapangyarihan ng liwanag! Makakalaban tayo ng patas o higit pa sa kanila! Hindi na natin kailangan matakot pag ganon!" sigaw ni Berkas.

"Teka teka parang nagbago ang plano natin bigla. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na papalabasin natin ang hari ng kadiliman" sabi ng tikbalang. "Tikyo, nabasa natin lahat ang kopya ng libro ng mga ninuno. Tandaan mo ang nakasaad sa libro mangyayari at mangyayari. Sa huli nakita mo naman na makakalabas ang hari ng kadiliman, ang ibig sabihin non magtatagumpay tayo sa pagtawag sa kanya" paliwanag ni Berkas.

TWINKLE TWINKLE: Bagong DelubyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon