Chapter 10: Tuti Unleashed
Lumubog ang araw sa buong kaharian, sa liblib ng gubat nandon si Berto naghuhukay. "Tuti gumising ka na, wala nang araw" sabi ng multo. Dahan dahan bumangon ang bungal na bampira saka humikab. "Shillaks Vertwo, nawawamdaman ko mawafit na ang eshfada" sabi ng bampira.
"Bumangon ka na at wala tayong oras na sasayangin!" galit ng multo at sinenyasan siya ni Tuti na manahimik. "May nawawamdaman akong ivang niwawang ditow sha gubat" sabi ni Tuti. "Natural, gubat ito talagang madaming ibang nilalang dito" sabi ni Berto.
"Hmmm...tama ka. Normal na niwawang lang shila. Pewo pawang ang dami niwa e at papawapit siwa dito" sabi ng bampira na dahan dahan tumayo at inamoy ang hangin. "Ano? Ano pakiramdam mo? Kalaban ba sila?" tanong ni Berto.
"Shhhh...tikbawang, twiwanak, ashwang...mawami shiwa" sabi ni Tuti at natakot si Berto. "Ano? Kalaban ba? Pano to? Magtago tayo?" tanong ng multo at tumawa ang bampira. "Tawo ka tawaga. Muwto ka na takot ka fa. Wala naman shila kafangyawihan kaya di shiguwo shila kawaban" sabi ni Tuti.
"Wala sila kapangyarihan? Ayos pag ganon. Tara na hanapin na natin ang diwata" sabi ni Berto at mula sa isang puno may sumitsit sa kanila. Isang cute na tiyanak ang sumisilip at napangiti ang bampira. "O tignan mo, natatakot shiwa sa atin. Hawika bebe, hindi kami vad. Gutom ka?" tanong ni Tuti at dahan dahan lumapit sa kanya ang tiyanak.
Hinaplos ni Tuti ang ulo ng tiyanak pero bigla siya kinagat ng nilalang sa paa. "Away!!! Hindi akow fagkain!!!" sigaw ng bampira. Mula sa mga puno sumugod ang ilang pang tiyanak. Akala ni Tuti mga gutom lang sila kaya nakayanan pa niya tumawa.
Lumabas narin ang mga tikbalang at mga aswang, lahat sinugod ang bungal na bampira kaya si Berto din a nagustuhan ang mga pangyayari. "Tuti!!! Kalaban sila!" sigaw ng multo na nagtago sa taas ng isang puno.
Pumipiglas si Tuti pero may dalawang tiyanak na nakakagat sa mga paa niya. Tumayo ang bampira at hinawakan ang dalawang tiyanak sa ulo sabay pinag umpog. "Nyeta kayo!!! Forke wawa akong ngwipin ha!!! Mang iinggit fa kayo!!!" sigaw niya sabay mabilis siya gumalaw at nilabanan ang lahat na sumugod sa kanya.
Kayang kaya ni Tuti ang mga tiyanak, madali niya ito napapatapis. Sumugod narin ang mga tikbalang at dito talaga nasubukan ang lakas ng bungal na bampira. "Sige Tuti! Laban! Wag ka matakot sa laki at dami nila!" sigaw ni Berto. "Shadaf!!!" sagot ng bampira sabay nagawa niyang patapisin ang tatlong tikbalang.
"Kayo akawa niyo fifitshugin ako ha. Akawa niyo wawa ako shilbi ha!" sigaw ni Tuti at lalo siyang naging mabangis. Kinarne ni Tuti at isang tikbalang pero nakagat siya sa likod ng isang aswang. Limang aswang ang bumuhat sa kanya sa ere sabay mabilis nila ito binitawan.
Bagsak si Tuti sa lupa kung saan sampung tikbalang ang nag aabang at pinagtatadyakan siya. Takot na takot na si Berto pero nakita niya na nakabangon muli ang bungal na bampira at napatay ang dalawang kalaban niya.
Sa paligid, padami ng padami ang sumusugod na tiyanak, aswang at tikbalang. Kinakabahan na si Berto pagkat may limang tiyakan na nakakagat sa katawan niya at binubugbog siya ng mga tikbalang. "Vertwooo!!! Kaiwangan ko ng dugooo!!!" sigaw ng bampira. "Multo ako wala akong dugo!!!" sagot ni Berto.
Nahawakan ng mga nilalang ang bampira saka siya pinagtawanan. Sinubukan ni Tuti kumagat sa paa ng isang kapre pero naalala niya na bungal pala siya. Lalong nagtawanan ang mga tiyanak at tikbalang kaya nabitawan nila si Tuti.
Pinalibutan nila ang bampira at pinagtatawanan siya. "Nasan ang mga libro ng kapangyarihan?" tanong ng isang malaking tikbalang. "Akawa niyo forke madami kayo di ko kayo wawavanan!?" sigaw ni Tuti at lalo pang nagtawanan ang mga kalaban niya. "Sumuko ka na bungal! Kahit wala kaming kapangyarihan masyado kami madami at nanghihina ka na" sabi ng isang aswang.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...