Chapter 20: Kadiliman
Sumapit ang umaga at ramdam na ng buong kaharian ang nagbabantang delubyo. Namahinga na ang pulang buwan ngunit hindi na asul ang kalangitan. Nabalot ng takot ang lahat ng tao at nilalang sa buong Plurklandia pagkat pulang langit na ang nakikita nila at mainit at mabigat ang simoy ng hangin.
Sa pinakamadilim na parte ng kaharian ay nagdidiwang sina Ikaryo at ibang nilalang pagkat nabibiyayaan sila ng bagong kapangyarihan. "Sinasayang niyo ang oras! Bakit di pa kayo kumilos para kunin ang sinasabi mong katawan ng sugo?!!!" sigaw ng boses na dumagundong sa buong paligid.
"Mahal na hari malakas ang sugo, kulang kami kung kakalabanin namin siya" sabi ni Ikaryo. "Malakas? Gaano ba kalakas yang sugo na yan? Naiintriga tuloy ako sa kanya" sabi ng boses.
"Napanood ko lang siya lumaban, hindi ko pa natitikman ang kapangyarihan niya. Di ko alam kung sapat na ito para sa inyo pagkat lahat ng kinakalaban ng sugo ay namamatay" paliwanag ni Ikaryo at biglang tumawa ng malakas ang malalim na boses.
May itim na usok ang pumalibot sa katawan ni Ikaryo, ang karamihan ng usok umikot sa kanyang ulo. Napaluhod ang lalake at napasigaw sa sakit habang lalong tumawa ng malakas ang boses. "Gusto ko ang nakikita ko! Gusto ko itong sugo na ito! Naiintindihan ko ang takot niyo pero nabigyan ko kayo ng sapat na kapangyarihan para harapin siya. Wag kayong mag alala dadami ang kampon natin" sabi ng malalim na boses.
"Ikayo maiwan ka dito sa tabi ko. Rayisha, ikaw ang mamuno ng pagkuha sa katawan ng sugo" sabi ng hari ng kadiliman at napailing ang dalagang aswang. "Ngunit mahal na hari mas maganda pag si Ikaryo ang kumuha nung katawan pagkat mas madami siyang laban na napasukan na samantala ako kokonti palang pagkat ayaw ako payagan ng ate ko" reklamo ni Rayisha.
"Sinusuway mo ba ako?!!! O gusto mo wakasin ko na ang buhay mo ngayon at buhayin ko nalang ang ate mo na nalasog lasog daw ang katawan ayon sa nakita ko sa isipan ni Ikaryo?" tanong ng hari. "Hindi! Pupunta ako! Wag mo na ibalik ang ate ko, ayaw ko nang masakal! Ngunit kokonti lang kami mahal na hari" sabi ni Rayisha.
"Kung may inutos ako sundin niyo agad at wag kayo magreklamo! Magtiwala kayo sa kapangyarihan ko! Umalis na kayo ngayon din!!!" sigaw ng boses at agad umalis si Rayisha dala ang ibang mga aswang at manananggal.
"Bakit niyo ako pinaiwan mahal na hari?" tanong ni Ikaryo. "Nakita ko ang isipan mo at kaluluwa kanina at tapat ka nga sa akin. Alam ko din na naaral mo ang libro ng kadiliman kaya ramdam ko ang kapangyarihan mo"
"Kailangan ko gamitin mo ang kapangyarihan mo upang pasyalin ang mahiwagang gubat. Alam mo naman na di ako tatagal pag wala ako katawan" sabi ng boses. "Pero mahal na hari bakit hindi ka nalang muna mamili sa iba natin kakampi at saniban muna sila bago wala pa yung katawan ng sugo?" tanong ni Ikaryo.
"Hindi ako pwede basta basta sumanib sa kahit anong katawan. Kailangan ko sumanib sa katawan ng isang makapangyarihan na nilalang pagkat tiyak ko makakayanan niya ang aking kapangyarihan. Kung mahinang nilalang lang ang sasaniban ko di makakayanan ng katawan at tiyak ang aking kamatayan" paliwanag ng boses.
"At di ganon kadali sumanib...pag sasanib ako sa katawan ng sugo mawawalan din ako ng kapangyarihan konti. Kahit pag nakabalik ako sa tunay na katawan ko hindi ko agad maibabalik ang tunay kong kapangyarihan...kailangan ko ulet mag ipon ng madaming kaluluwa at kalahit ng populasyon ng Plurklandi ang kakailanganin bago bumalik ang tunay na lakas ko" sabi ng boses.
"Pero pag naubos ang tao dito sa Plurklandi pano ka na mabubuhay?" tanong ni Ikaryo. "Hahahaha basta bumalik ang tunay kong kapangyarihan hindi na ako mamatay! Pero pag nasakop ko ang buong Plurklandia at naipon ko lahat ng kaluluwa ng tao dito ay tiyak ko sapat na ang kapangyarihan na yon para mabuksan ko ang Gate ng Ibaba" paliwanag ng boses.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...