Chapter 3: Punong Diwata
Sa loob ng bagong palasyo abala ang reyna sa pagtanggap ng mga bisita. Binuksan niya ang pinto ng palasyo para sa mga mamamayan na nais makapasok at makahingi ng tulong. Ngunit sa paligid ng kwarto nagbabantay ang ibang disipulo.
"Bagay talaga niya maging reyna ano? Tignan mo mahal na mahal siya ng mga tao" bulong ni Bashito sa mga dwendeng nakatayo sa balikat niya. "Mahal ko din siya" sagot ni Darwino. "Pero pare, bakit parang nag iiba itsura niya?" tanong ni Bobbyno at tinignan ng tatlo si Nella ng maigi.
"Baka stress lang" sabi ni Virgous na nakitabi sa kanila. "Stress? Pag ganon tatanda ang itsura, pero si Nella nag iiba itsura niya. Tawagin mo nga si Sarryno para amuyin baka naman hindi na siya yan" utos ni Bashito. "Ako nalang aamoy" landi ni Darwino at bigla siya binatukan ng kaibigan niyang dwende. "Seryosong usapan ito" sabi ni Bobbyno. "Seryoooosooo din akoooo" landi pa ni Darwino.
Pasimpleng lumapit si Sarryno sa reyna, kunwari bumulong siya para kumustahin. Bumalik si Sarryno sa mga disipulo at napakamot. "Siya parin naman mga pre" sabi niya kaya nagtaka nalang sila sa pagbabago ng itsura ng reyna.
Kinagabihan nang tulog na si Nella ay nagtipon ang lahat ng disipulo at pinuntahan si Aneth. "Ano mapaglilingkod ko sa inyo mga ginoong disipulo?" tanong ni Aneth nang pinapasok niya sila sa kanyang kwarto.
"Punong diwata, wala ka bang napapansin sa reyna?" tanong ni Bashito. Medyo nagulat si Aneth pero nagkunwari. "Wala naman, bakit ano nangyari kay Nella?" tanong ni Aneth. "Napapansin lang namin na nagbabago itsura niya. Hinala namin nung una na napalitan siya pero bineripa nina Sarryno at ng mga bampira na siya parin yon. Hindi kaya napalitan siya pero niloloko ang mga pang amoy namin?" tanong ni Virgous.
Napatayo si Aneth at naglakad lakad, napansin ni Louis na kakaiba ang kilos ng diwata kaya hinawakan niya agad si Vandolphous. "Bakit pare?" tanong ng duling na bampira. "Shhhh...maghanda ka lang" bulong ni Louis.
"Binabantayan naman natin maigi ang reyna, sigurado ko wala naman nakalapit na ibang nilalang sa kanya pagkat lagi ko siya kasama. Pag hindi ko kasama ay kayo naman ang kasama" sabi ni Aneth.
"Bakit tila bumilis ang tibok ng puso mo at nag iba ang hininga mo?" tanong ni Chado at napatigil ang diwata at napangiti. "Nakalimutan ko mga bampira pala kausap ko" sabi ng diwata at sa isang iglap mabilis kumilos si Louis at dala niya si Vandolphous, nakatayo agad ang duling na bampira sa harapan ni Aneth.
"Hindi ka pwede magsinungaling sa akin" sabi ni Vandolphous at biglang nanigas ang diwata. "Sasabihin mo ang gusto namin malaman. Bakit nag iba ang itsura ni Nella?" tanong ng bampira.
Tumatawa si Aneth at pilit nilalabanan ang kapangyarihan ng duling na bampira, kahit ayaw niyang magsalita ay wala siyang magawa. "Pinalitan ko anyo niya noong bata pa siya. Pag mga nilalang ang makakakita sa kanya magiging kamukha niya ang dating kasintahan ng pinuno niyo" biglang sabi ng diwata at nagulat ang mga bampira.
"Bakit mo ginawa yon?" tanong ni Chado at tumawa ng malakas ang diwata. "Kasi nakita ko ang mga magaganap at kinailangan ko palitan itsura niya para. Pag normal na tao titingin, nakikita nila ang tunay na anyo ni Nella. Pero pag tayo, at lalo na si Paulito ay makikita natin ang itsura ng namayapa niyang kasintahan"
"Bakit? Pagkat kailangan ko ang kapangyarihan ng sugo!" paliwanag ni Aneth. "Masamang diwata ka! Mapanlinlang! Ginamit mo lang kami!" sigaw ni Bobbyno at susugurin na sana niya si Aneth pero pinigilan siya ni Darwino, "Let her speak" sabi ng dwende.
"Tama kayo ginamit ko lang kayo. Pano ko pa matatalo ang kapatid ko pag wala kayo? Hindi ko naman kayo kaya tipunin, kaya kinailangan ko ang impluwensya ni Paulito at nagtagumpay naman ako!!" sagot ni Nella sabay tawa.
BINABASA MO ANG
TWINKLE TWINKLE: Bagong Delubyo
VampireAng ikalawang libro sa aking TWINKLE TWINKLE series Book 1: https://www.wattpad.com/myworks/10269193-twinkle-twinkle Really old story found on my blog, just reposting it here on Wattpad verbatim. No edits. I posted it as is. To distinguish my writin...