Chapter 3

132 7 4
                                    

Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 3: Senior

From: Ulan
Sid paki message nalang ako kung may assignment ba wala kasi ako sabahay ngayon mahina din data. Thanks.

Wala kasing pasok ngayon Saturday. Siguradong nasa road trip nanaman yung si Rain, si Ainie naman nag babasa yun. Ako dito lang sa bahay nakaka bored.

Pilitin ko mang mag basa ng libro for advance reading eh hindi ko magawa kasi alam kung wala namang quiz o exam para mag aral. Gusto ko ding mag road trip sanang may kuya din akong kagaya ng kuya ni Rain. O di kaya naman mahili mag advance reading kagaya ni Ainie.

"arrrhhhgg nakakainip!" sigaw kong tsaka ko binagsak yung katawan ko sa kama.

"Jane anak? ok ka lang ba diyan?" napa takip naman ako sa bibig ko, ingay ko kasi ayan narinig ni mommy, sila mommy lang tumatawag saakin ng Jane kahit na ayaw ko yung name na yun.

"Opo ayos lang ako" naka rinig ako ng habang papalayo saakin, sa tingin ko umalis na si mommy. Ako nalang maiiwan mag isa dito sa bahay, aalis kasi sila mommy.

Nakakainip wala ka ng kasama wala ka pang magawa, hindi pa din kasi nag uupdate yung manhwa na binabasa ko. Ay wait hindi ko papala na rereplyan si Rain.

To: Ulan
Sure, as of now wala pa namang need gawin. Naiinip na nga ako sa bahay ako lang mag isa.

Wala pang ilang minuto nag dm naman saakin si Rain.

rainedeleon: May signal na data ko

tapos nag send siya ng picture lalaking naka shades na nasa may beach. Nang iinggit pa talaga.

cruzsidney: nang iingit ka ba ha? alam mong naiinip na nga ako dito.

rainedeleon: sabihin mo salamat shopee.

cruzsidney: anong trip mo!

rainedeleon: trip ko ng ibenta tong kuya ko, nang may silbi naman siya.

cruzsidney: tsk ano nanaman ba yan? kwento ka nalang sa monday, enjoy nalang diyan.

rainedeleon: mas mag eenjoy ako kung maibebenta ko na tong panget dito.

Hindi na ako nag reply, stress nanaman yun sa mga kuya niyang habulin ng chicks. Pinag kakakitaan din niya mga kuya niya minsan eh, binebenta niya yung number.

Ano kayang feeling ng may kuya no? Ate lang meron ako eh. Close naman kami kaso with boundaries.

From: nee-chan
Jane punta ka daw dito sa mall sabi ni mommy dito na daw tayo mag lunch.

Nice makaka layas din sa kulungan na ito after so many hours! Tapos punta daw ako! so it means mag cocommute lang ako mag isa. 2 beses palang kasi ako nakakapag commute sa buong buhay ko.

Nag bihis na ako ng simpleng dress na color pink, bellow the knee siya tapos may white ribbon kang sa neck. Pinaresan ko lang ng doll shoes.

From: nee-chan
Susunduin ka ni daddy.

Isang malaking buntong hininga nalang yung napa kawalan ko. Napaka protective naman kasi nila saakin minsan nakaka sakal na din. Parang wala akong freedom sa mga gusto kong gawin. Laging sila yung nasusunod. Sinubukan ko naman mag paalam kaso wala talaga, minsan na isip ko wala ba silang tiwala saakin?

Kagaya nalang nong nakaraan sumali ako as an officer sa isang Accountancy Organization sa university ang kaso wala pang isang buwan nag quit din ako. Hindi dahil sa hindi ko kaya, pero dahil sa parents ko na laging sinasabing hindi ko kaya, baka daw mapabayaan ko pag aaral ko. Sila Ainie, Loraine, at Genesis ang pinaka supporter ko nong panahon na yun.

"Jane kumuha ka na ng makakain mo" salubong saakin ni mommy, andito na kami sa mall. Nasa isang Buffet Restaurant kami.

"Sige po mommy." gaya ng text ni ate sinundo nga ako ni daddy.

Diet pa naman ako tapos sa buffet nila naisipang kumain. Pipili nalang siguro ako ng mga healthy foods.

"Oy Sidney andito ka din pala, sino kasama mo? Long time no see ha" Oh my gosh andito din si Kuya Marvin, buti nalang konti palang nakukuha ko baka sabihin ang takaw ko ma turn off pa saakin.

"Ah oo kuya sila mommy yung kasama ko andiyan lang sila, ikaw ba?" siya yung crush ko. Senior namin, 5th year na siya accountancy.

"Si Donna yung kasama ko, kakatapos lang namin mag review sa office kanina kasam yung ibang officer" kasama ko sila sa organization dati as an officer, bago ako mag quit.

Si ate Donna, yung girl bestfriend niya. I feel na may something sakanila pero hindi ko alam. Pero si ate Donna sigurado akong may crush siya kay Kuya Marvin.

"Ang dalang mo nalang pumunta sa office ngayon, dati naman halos araw-araw pumupunta ka doon" Nahihiya na kasi ako sakanila. Hindi ko inaasahang mag qiquit ako.

"Sige kuya una na ako, eat well sainyo ni ate donna" tipid akong ngumiti sakanya tsaka umalis na.

Dahil din kay Rain kaya ko nakilala at naging ka close sila Kuya Marvin. Meron kasing tutorial non yung accounting organization sa school, first year first sem yun. Hindi nag attend si raine may family outing kasi sila sa baguio non. Wala pa akong ibang ka close non kung hindi si Raine and Genesis lang. Si Genesis yung kaisa isa kong guy friend pero awkward ako sakanya. Hindi kasi ako sanay na may kasamang lalaki, galing akong all girls school kaya ganon.

Si Genesis yung kasama ko non. Kaming dalawa lang at yung mga mag bibigay ng tutorial yung nasa classroom. Maaga kasi kaming dumating kaya wala lang ibang students. Lumapit saamin non sila Kuya marvin kasama yung iba pang officer ng organization. Nag kwentuha. lang kami about sa kung ano ano, and the rest was history. Naging Crush ko si Kuya Marvin.

Dahil wala si Rain non, naka kilala ako ng ibang tao. Dahil kay Rain nag ka crush ako. Sisihin si Rain! siya may kasalanan nito.

From: Ulan
So naisip mo naba paano mo ako matutulungan sa pag benta ng mga kuya ko?

Seriously hindi padin siya tapos don?

To: Ulan
Salamat Shopee!  

From: Ulan
Kay Ainie na nga lang ako mag tatanong, baka bilhin niya pa yung isa sa mga kuya ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at papatayin ko na sana yung cellphone ko nang makita kong nag myday si kuya marvin.

Picture nilang dala ni ate Donna naka peace sign sa camera, tapos may naka sulat na thanks sa time.

ouch,

Ako din madaming time.

Kaya lang my time si different from yours.

From: Ulan
Kahit gawin ko ng Buy one take three sila kuya no?

To: Ulan
Can I buy His time?

From: Ulan
Kwento naman, ako may Time, free lang.

***
Shortest Update so far.
-SC
06/29/2020

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon