Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.
Chapter 4: Remembering his name.
Pag pasok ko palang sa classroom andoon na si Rain, as usual nanunuod nanaman ng series sa netflix sa phone niya.
"Ano yan?" tanong ko sakaniya habang binababa yung bag ko
"W, ni rerewatch ko lang ganda kasi" maganda nga yun kahit ako na addict doon eh. Nagulat ako nong bigla niyang niligpit yung earphones niya tapos inoff yung phone niyan.
"so ano yung kwento?" naka tingin naman siya saakin ng deretso ngayon, hindi ko matantsa kung interesado ba siyo o ano. She's kinda hard to read.
"si crush nakita ko nong saturday sa buffet." nakatingin lang siya saakin habang nakikinig.
"sinong crush?"
"isa lang naman yung crush ko. Si kuyang senior" code name lang kami lagi pag nag kikwento kasi hindi siya matandain sa names, tsaka baka may makarinig tapos kilala pala nila yung binabanggit namin.
"Ah akala ko kasi... tapos anong nangyari?" hindi ko gets yung una niyang sinabi pero isinawalang bahala ko nalang.
"Kasama niya si Ate cutie" Ate cutie kasi tawag namin kay ate donna, paano ba naman pag nag tetext siya laging naka lagay sa dulo 'from your cutie president'
"yuck lang talaga, cutie? hindi bagay. Masyadong feeling" grabe galing niyan sa mga taong panget ugali tapos nag mamaganda.
"Rain, need ko na talagang mag move on kay crush" nalulungkot na sabi ko sakaniya. Kailangan ko na talagang mag move on ayaw ko ng umasa.
"ayaw ko na din umasang baka gusto din niya ako." he's the type of a guy kasi na protective tapos sweet siya sa mga friends niyang babae.
"uulitin ko lang lagi kong sinasabi. Confess" hindi naman kasi ganon kadali mag confess. Natatakot na din akong masaktan ulit.
"natatakot ako Rain, anong laban ko kay ate cutie, maganda siya kamusta naman ako" hindi ko pinupuri si ate donna, bakit ko pupuriin yung kalaban ko diba? nag sasabi lang ako ng isang fact.
"Hello? Maganda ka kaya, cute ka din, mabait at masipag pa. Eh si ate ew na cutie, maganda nga ganon naman yung ugali, yuck lang. Mas lamang ka ng madaming percent kesa sakaniya." madalang ko lang siyang marinig mag sabi ng ganiyan.
"Cute yung height mo pero maganda ka ok? CONFIDENCE!" kaibigan ko nga to may panglait pa bago puri eh. Hindi naman ako ganon kalit 5'1 naman height ko sadyang mas matangkad lang siya saakin. Nasa lahi nila eh.
"eh ikaw na benta mo na ba kuya mo?" naalala ko yung pangugulit niya na gusto na niyang ibenta yung mga kuya niya.
"hindi pa eh, tsaka ko na ibebenta mapapakinabangan ko pa naman sila ngayon"
After awhile dumating na din si maam Winnie, MWF kasi sched namin sakaniya. Monday palang naman ngayon.
Kumakain ako ng skyflakes nong may naaninag ako sa peripheral view ko. Si kuyang irreg na CE. Ano nga ulit pangalan niya? nag smile lang ako sakaniya, ginantihan din niya ako nang isang tipid na ngiti.
"Sid may sasabihin ako, wag mo lalagyan ng ibang meaning." tumango lang ako sakaniya. Ano naman kayang sasabihin nito, parang napaka importante naman.
"Alam mo parang may kamukha talaga yung nasa likod ko eh, hindi ko lang maisip kung sino." Si kuyang CE yung tinutukoy niya, sa likod kasi siya ni Rain naka upo.
BINABASA MO ANG
Mr. CE: The only engineer in the class.
Novela JuvenilInside the class there are 40 students, and He is the only CE student among those students. What will happen. Highest Rank #1 in senior