Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.
Chapter 11: Messed
"Sid balita ko hindi ka na si Rain yung lagi mong kasama mag lunch, dapat na ba ako mag tampo niyan para kay rain?" salubong saakin ni Ainie sa my hallway.
"Kanino mo naman yan nalaman?" Halos araw-araw kaming mag kasama ni Vaughan, sabay kaming mag lunch, Si Rain naman laging sinasabing wala daw kasama sa bahay si Kisses and Hershey nag tataka na nga ako sino yung mga yun, nakakalimutan ko din itanong.
"Nakita ka namin ni Hazel nong isang araw sa food court. Sino yun?" pataray na tanong niya, Teka bakit oarang malaki kasalanan kong hindi ko na kasabay si Rain mag lunch?
"Nako Ainie wala yun ginusto ko ding umuwi ng maaga kaya hindi na ako nakaka sabay ng lunch kay Sidney." save by the Rain. Pumasok na si Rain nilagay siguro yung bag.
"Wala man lang Hi? pumasok agad sa room?" Reklamo ni Ainie
"Hindi ba pwedeng ilagay nalang muna yung bag bago makipag chismisan sainyo? mabigat kasi yung bag ko?" Sulpot ulit ni Rain, kabute ba siya? bigla nalang sumusulpot.
"Sabi ko nga eh, maiba ako anong chika? ikaw nalang tatanungin ko ayaw sumagot ni Sidney eh. May nakita akong kasamang boylet yan sa food court nong nakaraan." Usisa ni Ainie kay Rain habang mapanuksong patingintingin saakin.
"Well.."
"well ano? tagal naman"
"It's not my story to tell" kibit balikat na sabi ni Rain,
"well it's not my story to tell, hay nako sayo paba ako aasa makaka kuha ng sagot sa katanungan ko? nako Sidney ikaw na kasi mag kwento at may point naman itong si Rain sa it's not my story to tell." sabi ni Ainie habang ginagaya pa yung boses ni Rain.
"ano kasi..." mag kikwento na sana ako kaya lang nag ring na yung bell.
Ganito dito sa university kahit college na kami mag bell pa din, Block sectioning naman kasi at mag kakasabay lang naman yung start ng class.
"Ano ba yan wrong timing naman yung bell. Sige na basta mamaya mag kwento ka sidney! tsk." nag mamaktol na sabi ni Ainie papasok ng classroom niya.
"Ano na? madami ng nakaka balita, so ano ng happenings?" makahulugang sabi ni Rain saakin.
"Hindi ko din alam Rain" kahit ako naguguluhan na din
"Nako hindi pwedeng ganon, dapat alam mo. Paano na si Crush mo? Tapos yung isa pa..." hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko naman na ano
"Naka move on na ako sakaniya no." Dont get me wrong, NBSB ako. Muntik lang na masira yung NBSB loyalty membership ko dahil sa isang babae.
Yes, I'm a bisexual. Meron akong babaeng nagustuhan nong High school. Galing ako sa isang all girls school and it's normal for us there na mag ka in relationship or crush sa isang babae din.
"Ano na? kamusta na si Ate girl? is she still there?" ate girl code name namin ni Rain sa babaeng nagustuhan ko dati.
"Andiyan na si maam mamaya nalang."
Her name is Paula, She's happy with someone now. She's happy with my ex girl best friend. And I'm happy with the both of them. And I'm happy where am I right now, Cause I know everything happens for a reason.
"ano nanaman ba yang iniisip mo diyan ha Sidney, lumilipad nanaman yang kaluluwa mo eh" si Rain na nag pagising ng diwa ko.
"ah wala wala" mag sisinungaling ko, sa totoo lang ang hindi ko na alam eh, naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
"Anong wala, yung totoo? saakin ka pa talaga mag tatago?" kilala na talaga ako ng babaeng to, sabagay napaka observant niya kasi.
"Kasi rain, naguguluhan ako eh" sasabihin ko na ba? baka kasi sabihin niya ang landi ko
"ano ba yun? wag ng pabitin"
"Kasi naguguluhan ako, kung crush ko lang ba siya o mahal ko na" poker face lang siyang tumingin saakin, para bang alam na niya kung ano yung bumabagabag saakin.
"ikaw lang din makaka sagot sa tanong mo na yan. Sayo puso yan eh, walang ibang nas nakaka alam sa nararamdaman mo kung hindi ikaw." Yeah tama naman siya.
Hay ano ba yan ginugulo naman kasi ng lalaking yun ang puso ko.
"Kumain ka muna, mamaya kana mag isip pag busog kana." tumango naman ako sa sinabi niya at kumagat na sa shawarma ko. Ngayon nalang kami ulit nag kasabay kumain ni Rain, may gagawin daw kasi si Kalvin. Araw araw nag tetext yun na sabay kami mag lunch, ngayon lang kami hindiag sabay.
"oh ano? mas gusto mo na siyang kasabay kesa saakin no? nako sabihin mo lang madali naman akong kausap, Gusto din naman akong kasabay kumain ni Kisses and Hershey dont worry." napataas naman yung kilay ko
"sinong kisses at hershey ba yan? friends mo?" bigla naman siyang nag smile which is rare.
"Ang cute kaya ni kisses and hershey, wait tignan mo." kinuha niya yung phone niya tapos pinindot pindot, wow may picture pa siya. Picture ata ng kuya niya hindi niya ma save pero picture nong kisses and hershey na sisave niya
"wow ha picture nila kuya ashton wala ka pero picture ng kung sinong kisses and hershey man yan meron ko." Tinignan naman niya ako na parang nandidiri
"Duh! bakit ako mag sisave ng picture ng mga yun eh virus yun nako baka masirapa phone ko."
"ewan ko sayo, asaan na yang kisses and hershey na yan. At nag kicrave na ako ng chocolate sa mga pangalan nila."
"Here oh, look. They're soooo very super cute." Pinakita niya saakin yung picture ng pusa at aso. awww ang cute nga
"what the? Sila lang yun? kala ko pa naman kung sinong kisses at hershey yan." Nag taka ako ng parang biglang nanigas si Rain na nakatingin sa bandang Likod ko. Lilingon na sana ako kaso..
"Sid tignan mo pa to oh ang cute cute talaga nila." pinakita niya ulit yung picture na ikina tawa ko
"napakita mo na yan hahaha" kinuha niya agad yung phone niya at nag hanap ng ibang picture. Kaya lumingon na ako
"Sid.." kung kanina si Rain yung nanigas, ngayon ako naman. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon..
"Ah sid? baka naman ate niya yan?" pag dadahilan ni Rain
"Hindi, natanong ko na siya about diyan, Graduate na ate niya." Nakatingin pa din ako sa dalawang taong nag tatawanan habang naka tayo sa harap ng isang food stall...
si Kalvin kasama yung nursing student.
***
DISCLAIMER: This is a work of FICTION. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Sorry ngayon nalang ulit update na addict lang sa mga series.
Malapit na din kasi mag start ulit yung class.
-SC
(07/30/2020)
01:55 AM
BINABASA MO ANG
Mr. CE: The only engineer in the class.
Teen FictionInside the class there are 40 students, and He is the only CE student among those students. What will happen. Highest Rank #1 in senior