Chapter 10

24 3 2
                                    

Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 10: Blueberry.

"Saan mo gusto kumain?" tanong saakin ni Kalvin, napa isip naman ako.

"Mag bibimbap sana kami ni Rain ngayon." mahinang bulong ko, nag ki-crave ako ng bibimbap

"Bibimbap? saan ba? ano ba yun?" Tanong ni Kalvin saakin na ikinagulat ko, Shocks narinig niya!

"Korean ba yun? tunog Kimbap eh so tingin ko korean. Tara yun nalang." pag katapos niyang sabihin, nag lakad na siya. Ako naman naka sunod lang sakaniya. Nag lalakad kami ng may nakita akong mga nursing students.

"Kalvin?"

"Hmm?" lingon niya saakin.

"Pwede mag tanong?" tumango lang siya habang hinihintay yung susunond kong sasabihin.

"Pansin kasi ni Rain dati lagi kang may masamang Nursing student, kaano ano mo yun?" Na curious lang ako, naalala ko lang kasi yung sinabi ni Rain dati.

"Ah yun ba? wala yun" nginitian lang niya ako, hindi na ako mag tanong ulit parang iniiwasan naman niya kasi.

"Ano ba yung Bibimbap na yun?" nandito na kami sa Mr. Kimbop, wala ng gaanong tao. may isang babae lang sa dulo tapos may mag babarkada sa may katabing table namin.

"Mag gulay siya tapos may rice and egg sa gitna, then lalagyan mo ng sauce."

"Sige order lang ako, My Treat. wag ka ng Tumangi. Libre mo nalang ako ng ice cream mamaya." aangal pa sana ako kaso naka alis na siya.

"Babe sorry I'm late." rinig kong sabi ng kakapasok lang na lalaki sa babaeng nasa dulo.

"Nako Daniel Christopher Cruz! Hindi ka na nag bago" Hindi naman sa nakiki chismis ako pero sadyang malakas lang sila nag uusap kaya naririnig ko

"5 Mins pa daw sabi ni ate" may dalang tissue and utensils si Kalvin tapos umupo siya sa harap ko, napa titig naman ako sakanya

"Ngayon ko lang napansin naka eye glasses ka pala?" ngayon ko lang nakitang naka eye glasses siya. Bagay niya

"Ay oo nakalimutan ko tangalin, nag draft kasi kami kanina kaya sinuot ko." Tinanggal niya yung salamin niya

"Kahit wag mo na tanggalin bagay mo naman." Ngumiti lang siya napa iwas tuloy ako ng tingin.

"Sidney" napabalik yung tingin ko sakaniya ng tawagin niya ako, pag ka harap ko isinuot saakin yung salamin niya kanina.

"Bagay mo din." ngiting sabi niya saakin, feeling ko nag blush ako sa sinabi niya.

Hindi naman pala ganon kataas yung grado niya, hindi naman nakaka hilo pag sinuot. Tatangalin ko na sana yung glasses ng pigilan niya ako.

"Suot mo muna, picture tayo?" nilabas niya yung phone niya tapos tinapat niya saamin bigla niyang pinindot yung capture button.

"Oy delete mo yan ang panget ko oh, gulat na gulat." sinubukan kong agawin yung phone niya pero nilayo niya para hindi ko maabot.

"Ang cute mo kaya dito haha nanglalaki pa mata mo oh hahaha" mukhang tuwang tuwa siya sa picture na yun, napa simangot nalang ako.

"Dalawang bibimbap at iced tea po." sabi nong ate habang nilalapag yung order namin sa table.

"Thank you ate." umalis na yung ate, mag uumpisa na sana akong kumain ng nag tanong si Kalvin

"So paano to kinakain?" seriously? ngayon lang siya naka kain nito?

"Kumha ka ng kutsara tapos sumubo ka?" ginawa nga niya yung sinabi ko kinuha niya yung kutsara tapos sinubo niya. Napanganga nakang ako sa ginawa niya.

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon