Chapter 12

26 3 2
                                    

Hi SakeRed  💕
Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 12:

"Rain tara na." aya ko kay Rain, tumingin naman siya sa kinakain niyang halos kalahati palang.

"Ah sige tara na, punta tayong watsons?" naka ngiting sabi ni Rain saakin.

"Hindi na siguro, wala naman akong bibilhin." Wala na akong ganang bumili.

"Ahhh ako ako may bibilhin ako" masiglang sabi niya

"Sige samahan nalang kita" Nag lakad na kami papuntang watson, ang tahimik namin mag lakad. Wala na din akong gana mag salita.

Hanggang sa maka rating kami sa Watsons walang nag sasalita saamin, mas gusto ko ng wag muna mag salita. Lalo na ngayon at hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman sa nakita ko.

"Oh Rain ano ng bibilhin mo." nakita kong naka tulala lang si Rain pag lingon ko, nagulat pa siya saakin.

"Ah ano hmm ito ito bibilhin ko." sabay dampot niya sa isang bagay na binitawan din niya agad. Durex basa ko sa hinawakan niya kanina.

"Ew ew may hand is now polluted yuck yuck." bulong niya pero narinig ko naman, haha the usual Rain. Mali ata siya ng nadampot yung Hand sanitizer siguro yung kukuhanin niya, mag katabi lang kasi.

"Hahaha, ito oh ako ng kukuha para sayo.." napatigil ako dahil sa naalala ko, si kalvin nong bumibili kami ng Napkin para sa mama niya.

"oh oh naka ngiti na kanina biglang seryoso naman ngayon, paalala lang ikaw si Sidney hindi ikaw si Loraine para mag seryoso ng ganiyan. Naalala mo nanaman siya no? sabi ko naman sayo ikaw at ikaw lang makaka alam sa tunay mong nararamdaman..." Seryosong sabi niya saakin, napa titig nalang ako sakaniya. Hindi ko na talaga alam ano ba tong nararamdaman ko.

"Oyyy Sid tignan mo, Vitamin C for skin daw Try mo dali." masiglang sabi ni Rain saakin kanina lang seryoso siya ah.

"Ano gagawin mo ako g guinea pig? saakin mo papa try?" biro ko sakaniya.

"Hindi no, hindi naman ako pwede sa ganiyan. You know my skin is very sensitive." oo nga pala sensitive balat nito.

"Rain" Tawag ko

"Hmm?"

"Thank you." hindi ko alam siguro baka naka kulong na ako sa kwarto ko ngayon at nag papaka depress dahil sa nakita ko kanina.

"for someone who has a soft fragile heart, you're always welcome." ngiting sabi niya saakin.


"Raiinnnnnnnn" pag pasok ko palang ng classroom binubulabog ko na si Rain na nanunuod nanaman ng kdrama sa phone niya.

"Crushie? Canada? Mr. Gamer? or ate girl?" napa poker face nalang ako sa sinabi niya. Lahat ng code names ng crush ko at yung isa si mr.gamer kalaro ko ng COD.

"Mr.Gamer?" tanong niya ulit na ikinalaki ng mata ko.

"Rain aminin mo nga mangkukulam ka ba?"

"Manghuhula hindi mangkukulam. Kung mangkukulam ako edi sana matagal ko ng kinulam mga kuya ko." Naka taas na kila na sabi niya

"edi manghuhula kasi. Paano mo nalamang si Ian yung ikikwento ko!?" nag kibit balikat lang siya.

"Ano na nga yun?"

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon