Chapter 5

62 3 0
                                    

Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 5: #01

"guys sabi ni maam winnie sa monday na daw yung start ng reporting" pag announce ni Sab, class president namin.

"Sidney, pag usapan natin mamaya ano yung gagawin natin sa reporting. Gusto ni maam diba mag isip tayo ng kakaiba." Pang 4 pa naman kami sa reporting pero mas maganda ng mapag usapan ng mas maaga.

"May Idea na ba kayo kung anong gusto niyo? mag papagame ba tayo?" Tanong ko sa kanila. Wala so Rain ngayon may meeting sila sa Organization nila. Isa kasi siya sa mga leader doon, isang student arm organization dito sa university. Sila yung mga gumagabay sa pag sasagawa ng community outreach program ng school.

"Sabi nila Cory normal reporting nalang daw para mas madali." napa tirik naman yung mata ko, hindi ko kasi talaga kasundo yung Cory na yan. Laging gusto niya yung masusunod, close minded siya.

"Sige mag isip muna tayo ng mga pwede gawin tapos pag usapan nalang natin mamaya, Sabihin ko nalang din kay Loraine."

Hindi naman nag tagal dumating din si Rain.

"Sid, ayaw mo ba talaga mag join sa organization namin?" simula nong first year kami lagi na niya akong hinihikayat sumali sa organization nila, kaso lagi akong tumatanggi.

"Next time nalang siguro." Inaalala ko kasi sila Mommy baka magalit sila pag sumali ako.

"Hays sige ikaw bahala."  Naiintindihan naman niya siguro situation ko kila mommy. She's just trying na baka mag change mind ako at lumakas ang loob para sumali.

"Rain mamaya pag usapan nanatin yung sa Reporting sa Conworld. Gusto kasi ni maam kakaibang way of reporting daw, may naisip kana ba?" napa O naman yung bibig niya. Ewan ko ba diyan kay maam, ang daming alam ipagawa. Na babad vibes na ako kay maam.

"Sige mag iisip ako." pag katapos non kinuha na niya yung phone niya para mag netflix. Ako naman mag babasa na ng manhwa.

"Rain sabi ni Ainie sasabay daw siyang mag lunch ngayon sa Greenwich daw tayo" naka salubong ko kasi si Ainie kanina nong pag ka labas ko ng restroom.

"Greenwich!? arrhhh" parang na aasar na sabi niya, oo nga pala sawa na daw siya sa greenwich. Pag andiyan kasi daddy niya doon sila lagi kumakain.

"Haha yun gusto ni Ainie eh" Na miss na daw kasi ni Ainie yung Lasagna.

"Ok sige" pag suko niya, wala naman siyang magagawa nakapag decide na eh.

"Okiie, sa greenwich nalang daw tayo mag kita kita." gulat naman siyang timingin saakin.

"ay hala? sa greenwich?" anong problema niya doon?

"oo bakit?"

"Hindi ba sa mata dapat?" napa poker face naman ako sa sinabi niya, hindi nanaman naka inom ng gamot niya.

"Haha joke lang" Her and her few dad jokes.

"Sabay sabay na ba tayo mag oorder?" tanong ni Ainie saamin, nasa greenwich na kami ngayon naka harang sa counter namimili ng kakainin namin.

"Lasagna and solo pizza lang naman akin" dagdag pa niya

"Hindi, mag hiwa-hiwalay tayo ng pag order, nag iipon kami ng receipts for Business Taxation eh, madami pa akong kulang for this month" sabi ni Rain saamin with matching hand gestures pa. Oo nga pala nag iipon kami ng 50pcs receipts each month para sa business taxation subject namin.

"Ay ganon ba osige, kami hindi naman namin need pero para dumagdag receipts niyo hiwahiwalay nalang nga." Nag kaniya kaniyanh order na kami, same lang kami ng order ni Ainie, Si Rain Carbonara with chicken yung sakaniya.

"oy mag kwento naman kayo about sa love life niyo, tagal na nating hindi nag kikita" masyado kasing busy si Ainie this pass weeks, sipag kasi mag aral.

"Ikaw Rain? kamusta na si mexican guy? yung classmate mo sa Theology na may crush sayo ba yun?" Mahaba kasi yung hair nitong si Rain, daming nag chachat sakaniya. May pinaiyak pa yan dati.

"Ah wala were civil, tsaka bakit ako nanaman tinatanong niyo? Yang si Sidney dapat mag kwento eh." Ako na naman ang na hot seat.

"Ikaw na mag kwento alam mo naman" sabi ko kay Rain, nahihiya kasi ako mag kwento

"Its not my story to tell" kibit balikat niyang sabi" tsss sabi ko nga ako na mag mag sasabi.

"May classmate kaming CE." paumpisa ka

"oh tapos?" Intrigang sabi ni Ainie habang titig na titig saakin.

"Hmm crush ko kasi siya or should I say I'm attracted to him" nan laki naman yung mga mata ni Ainie

"OH MY GOSH SIDNEY! dalaga ka na talagaa" tili niya, napa tingin naman yung ibang tao saamin.

"Shhh wag kayo masyadong maingay napapa tingin sila" suway ni Rain kay Ainie. Hindi naman ako maingay eh kaya kay Ainie lang.

"Na excite lang, oh tapos tapos? Ano pangalan? pogi ba?" pag bubusisi ni Ainie saakin.

"Si Rain may picture sakaniya, na stalk na niya nong isang araw." Ni labas lang ni Rain yung cellphone niya sabay pakita nong picture.

"Ay ang gwapoooo! pwede na I approved. Sige pwede ng maging kayo" Grabe talaga tong babaeng to basta gwapo eh.

"Hindi man lang tinanong kung mabait ba or what"

"Basta gwapo pwede na yun ano ba. Jowa lang naman hindi mo pa pakakasalan" Matalino naman tong si Ainie eh pero basta gwapo crush niya.

"ahhh basta kung saan masaya si Sidney doon ako." Hindi ko alam kung dahil ba gwapo yung crush ko o sadyang supportive lang siya.

"Kikiligin na ba ako? haha" biro ko sakanila

"Sid sorry hindi na ata kita masasamaha mamaya" Biglang sabi ni Rain. Nag papasama kasi ako mamili ng damit and school supplies sakaniya ngayon.

"Hindi ano ka ba ok lang"

"Si kuya kasi pinapauwi ako ng maaga, mag plano daw kami kung anong gagawin sa birthday ni grandma"

"Ano kaba ayos lang, kaya ko naman mag isa" Pero syempre mas masaya pag may kasama.

"Ako din Sid sorry hanggang kain lang ako ngayon may quiz pa kasi sa Financial Accounting bukas" Sabi naman ni Ainie.

"ano ba kayo ok nga lang" ito ata yung unang pag kakataon na mag isa lang ako mag shoshopping.

"Rain sabay na tayo iisa lang naman dadaanan natin"

"Ingat kayong dalawa ha?" paalala ko sakanilang dalawa

"opo mommy hahaha" tsss sabay pa talaga nilang sabi.

"ingat ka din" sabi ni Ainie habang nag lalakad na sila palayo, si Rain naman kumaway lang.

"Kaya mo to Sid, enjoy your time alone" bulong ko sa sarili ko habang papasok sa loob ng daiso.

"Sidney?" napalingon naman ako sa tumawag saakin

"Ikaw nga andito ka pala, wala ka nanamang kasama." sabi ng isang lalaking hindi ko inaasahang makita dito sa loob ng daiso.

***
wait for the next chapter. 😉
Thank you 😘
-SC
07/04/2020

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon