Chapter 6

36 3 2
                                    

Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 6: #02

"ah Oo may lakas kasi si friend ko kaya hindi niya ako na samahan" awkward na tawa ko sakaniya, ewan ko pero nahihiya ako.

"Ah ganon ba gusto mo bang samahan kita? mamaya pa naman pasok ko may tinignan lang ako dito" Nahihiya na talaga ako ng sobra grabe

"Hindi na kuya Marvin, baka may gagawin pa kayo eh. Kaya ko namang mag isa." Oh My Goodness, Lord is this the sign? please make it more obvious? may pag ka dense pa naman ako sa ganitong bagay.

May sasabihin sana siya nang biglang may tumawag sakaniya.

"hello? ganon ba, sige sige paki sabi papunta na ako"

Lord wag namang ganitong sign? parang mauudlot pa pag sama niya saakin, ang pabebe ko naman kasi.

"Sidney sensya na hindi na kita masasamahan, tumawag kasi saakin si Donna nag papatulong sa Audit Problems eh" Tsss Donna..

"Ah ganon ba, Okay lang kuya haha ikaw naman kaya ko namang mag isa" Tudo ngiti kong sabi sakaniya.

"Sensya na talaga, bawi nalang ako next time." Kuya Marvin naman wag masyadong paasa.

"Sige Sidney una na ako, ingat ka." wag muna kuya mamahalin pa kita, ano ba yang isip ko ang landi.

"Ingat ka din kuya, good luck sa Audit" May ngiting sabi ko sakaniya, ngiting nawala nong tumalikod na siya saakin.

"tsss Donna Donna, Bilhan kita ng Donut diyan eh" Bulong ko sa sarili ko, laging si Donna.

"Class Remind ko lang kayo na sa monday na yung Start ng reporting niyo." Paalala ni maam winnie saamin, may nararamdaman akong hindi maganda dito kay maam winnie eh. Gut feels ganon.

"Rain tingin mo ba alam mo na kung sino ka group niya?" bulong ko kay Rain, Si Kalvin yung tinutukoy ko.

"Malay ko ba, tanong mo para malaman mo." Minsan hindi ko alam kung maiinis ako sa babaeng to eh, sa mga ganiyang sagot niya.

"Nahihiya ako eh." Bored niya lang akong tinignan.

"Sige ako na yung mag tatanong." Tatalikod na sana siya ng..

"ahh alam mo na ba sino ka group mo?" Tanong ko kay Kalvin, hindi ko alam saan ko nakuha yung lakas ng loob ko para mag tanong.

"Hindi pa eh, tanong ko nalang kay Maam mamaya" Sagot niya, tumago lang ako at tumingin na sa harap. Wala na umurong na dila ko.

"Kuya tanong mo nalang sila John, Alam ko kasi sila ka group mo. Hindi ka ba nila inadd?" Tuloy tuloy na sabi ni Rain. How to be you just once? hingi naman ako ng lakas ng loob kausapin si crush.

"Hindi eh, sino ba yun?" Tanong ni Kalvin kay Rain, huhu Inggit ako.

"John! Diba ka group niyo si kuya?" Turo ni Rain kay Kalvin. Kuya? haha for sure nakalimutan na niya name ni Kalvin.

"Ay oo nga pala." Sagot naman ni maitim na singit, Oo John pangalan niya. Hindi kami close kaya maintim na singit nalang itatawag ko sakaniya.

"Ayon kuya siya." Baling ni Rain kay Kalvin. Hanggang pamasid masis nalang ako dito.

"Ok Thank you." Tumango lang si Rain tapos tumingin na ulit kay maam.

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon