Chapter 7

46 3 0
                                    

Note: Marami pang typos and wrong grammar dito, babalikan ko nalang pag tapos na siya.

Chapter 7: 1.Nahihiya ako

"Sidney? nasagutan mo na ba yung pinapasagot ni ma'am sa Business Tax?" pag pasok ko palang ng room yan na agad ang bungad na tanong saakin ng iilan kung classmate na pumasok para mangopya ng assignment.

"Oo pero iilan lang nasagutan ko eh" Hindi ko kasi ma gets yung iba, inaral ko pero nalilito ako. Tapos ako pa nag luto ng Dinner kahapon wala kasi sila manang ayaw ko naman ng sila mommy pa ang gagawa ng ganon. Nag pakain at nag linis din ako ng mga alaga naming pusa, nasa 10 mga pusa namin sa bahay.

"Ah ganon ba sige, ako din konti lang nasagot eh. Mag tatanong nalang ako sa iba."

Umupo na ako sa seating place ko. Himala at wala pa si Raine ngayon madalas nauuna saakin yun eh. Pag dating ko maaabutan ko nalang siyang nanunuod sa netflix o nag babasa.

"Sid natapos mo ba business tax?" Puro sagot business tax ang hinahanap nila,
Hindi ko sila masisi dahil mahirap naman talaga sagutin.

"Hindi nga eh" pwede bang mag dikit nalang ako ng banner sa noo ko na may nakasulat ng 'hindi ko natapos sagutan business tax' total yun lang naman ang isasagot ko sa mga itatanong nila.

"Sid may.."

"May sagot na ba ako sa business tax? Wala pa hindi ko natapos." ako na tumapos sa sasabihin niya.

"Ito naman haha. Hindi yun sasabihin ko. May nag hahanap kay Raine pero sabi ko wala pa kaya ikaw nalang hinahanap." napa kamit naman ako ng ulo.

"Ganon ba sige, thanks ha-ha." lumabas na ako ng room at hinanap kung anong nilalang ang nag hahanap saakin.

"Sid, paki bigay nakang kay Raine naiwan kasi niya sa car kanina andiyan yung coffee, payong and Statistic Calculus niyang book." Si kuya Liam pala, kuya ni Rain. Pinaka mabait sa mga kuya niya.

"Ah sige po bigay ko nalang, wala pa kasi siya."

"Kanina pa yun andito hinatid ko yun haha, sige una na ako paki bigay nalang." He patted my head then umalis na siya. Saan naman kaya nag punta si Rain at wala pa din siya.

"Sidney sino yun? Ang gwapo naman, may GF ba yun? reto mo ako." sabi ni Lexis, malandi kong classmate. tsss

"Ah kuya ni Rain yun." napa busangot naman siya. Hindi kasi sila close ni Rain, Iniiwasan siya ni Rain. Ayaw kasi ni Rain sa ugali niya, Kahit ako din ayaw ko sa ugali niya pero classmate ko kasi siya last sem kaya need ko makipag plastikan.

Maya maya lang dumating na si Rain.

"Bakit late ka ata ngayon?" tanong ko sakaniya.

"Hindi ako late 5mins pa before mag 7am tapos may 15 mins grace time pa." tama nga naman siya, sabi ko nga.

"Oh dumaan si kuya Liam pinabibigay niya sayo." abot ko ng paper bag sakaniya.

"Wahhh yung coffee ko" Coffee pa talaga inalala niya hind yung book niya. Is she real?

"Rain alam mo si Lexis type yung kuya mo." bulong ko sakaniya. Nag roll eyes naman siya

"Kung siya man lang din wag na, I hate her. Shes so plastic, I can't stand her." Naka sumpong nanaman yung pag ka conyo niya haha.

"Ah Rain, ang gwapo pala ng kuya mo no?" sabi ni Liny isa sa mga classmate namin, nakita niya pala si kuya Liam kanina.

"There we go again, Liam Allen De Leon is invading my peaceful class life." Bored na sabi ni Raine. Ay teka yung Business Tax assignment pala

Mr. CE: The only engineer in the class.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon