NICA POVS
Tumigil ako sa pag takbo ng makarating ako sa isang lugar na hindi pamilyar sakin.
Nasan na ako??
Wala naman sigurong tao dito kaya dito ko na ibubuhos ang sama ng loob ko.
Umiyak ako ng umiyak.
Hanggang sa- - -
“hindi bagay sa isang katulad mo ang umiiyak”-sabi ng isang tinig na nag gagaling sa likod ko?
Hinarap ko sya at inabutan nya ako ng panyo.
“thanks”-sabi ko at pinunasan ako mga luha kong ayaw tumigil sa pag patak.
Shezzzz tumigil na nga kayo please lang..
“pano ka napadpad sa lugar na toh?”-tanong nya sakin.
Tiningnan ko syang maigi kasi kamuka nya yung pinapanuod ko sa channel 7 yung THE INNOCENT MAN
“maru?”-bulong ko
“maru? Sino yon?”-nag tataka nyang tanong
“ahhh… wala…”-nahihiya kong sagot.
Gezz kamuka nya si MARUKO
Maru ikaw ba yan ?
Sumagot ka maru, ipapasalvage kita pag di ka sumagot??
Anu ba yan naloloka na naman ako
>_______<
“im Andrei, Drei inshort”-sabi nya
“im nica”
“I know”
“pano mo nalaman siguro - - - “
Di nya ako pinatapos at nag salita na sya ulit.
“hindi ako stalker mo”-sabi nya
“defensive much”-bulong ko
“naring ko,, Actually ikaw yung Classmate ko, remember nasa kabilang upuan kasi ako”-pag papaliwanag nya.
"aah"-yun na lang naisagot ko.
At umupo ako sa damuhan, tinabihan nya ako sa pag upo.
“So pano ka napunta dito?”-maayos nyang tanong
“hindi ko nga rin alam, basta dito ako dinala ng paa ko”-paliwanag ko sa kanya habang nakatingin sa langit.
Asul na asul ang langit ang gandang tingnan napaka peaceful.
“eh bat ka umiiyak kanina”
“wala napuwing lang ako”
“tsk! Napuwing pa yon sa lagay na yon?”
“ganto kasi yon”-at kwinento ko na sa kanya yung nangyare, bat ko pa itatago eh parang yung lang. Tsaka kahit na kaibigan ni Renz si drei eh muka naman syang mapag kakatiwalaan.
“ah kaya pala”-reaction ni drei nung natapos ko na ikwento sa kanya yung lahat ng nangyari
“anong kaya pala?”-nag tataka kong tanong sa kanya