CHAPTER 7 *Kulitan Portion*xD

63 1 0
                                    

NICA POVS

Ilang days na rin ang lumipas ay lagi na lang kaming nag pra-practice ng Volleyball palapit na palit na kasi ang tournament namin kaya eto pagod na pagod kami hindi na nga kami umaatend ng klase para makapag practice.

“NICAAAA!!”

“AY KURIMAW!!!”

“letche ka Renzzz humanda ka sakin pag naabutan kita”

Hay nako! Si renz walang pinag bago kundi gulatin o asarin ako, Mas naging close kami ni renz, nag sorry na din ako kay coline sabi nya ok lang daw hindi ko naman daw sinasadya..

“hoy tumigil nga kayo para kayong mga bata eh”-sabi ni Nicko.

Nag hahabulan kasi kami sa court.. Break Time kasi namin.

“tama na Nica”-sabi ni renz habang tumatakbo

“tama na ka dyan?”-sabi ko at binilisan ang takbo.

Nahila ko yung Shirt nya at sinabunutan ko sya. Ahahaha

“araayyy yung Buhokkk koooo nicaaaa”-sigaw nya habang inaalis yung kamay ko sa buhok nya.

“ahahaaaa bagay lang yan sayo”-sabi ko at sinabunutan ulit sya..

“guys tama na yan, start na tayo”-sabi ng Couch namin kaya binitawan ko na si Renz..

Ahaha Chura ni renz.. gulong-gulo yung buhok parang isang taon na hindi nag suklay!!!

“aray ko Nica.. Akala ko matatanggal na yung anet ko,Halimaw ka talaga”-reklamo nya at sinuklay yung buhok nya.

“che!!!”-sabay dila ko sa kanya at umalis na.

Napaka isip bata namin kami lang lagi ni Kurimaw ang magulo habang yung iba dun nag liligawan yata hahaha…

Nang makabalik ako sa mga kateam ko.Nakita ko si Coline hmmmmm… mukang malalim ang iniisip.

Nilapitan agad ako ni Shina

"kayo ha?"-sabi nya at ngumiti ng nakakaloko

"anong kame?"-pag mamaang-maangan ko.

"masyado kayong sweet"

"kami o kayo?"

"huh?"

"akala mo wala akong alam"-sabi ko at ngumite ng nakakaloko.

Ahaha kawawang shina, kala mo ikaw lang ha.

"bat mo iniiba ang usapan?"

"ano kayo na ba ni Migs?"-diretso kong tanong sa kanya.

Nakita ko syang nagblush kaya napatawa ako..

"anong nakakatawa?"

"anu bang muka yan shina, ang pula-pula oh .. ahahaha"-tinakpan nya agad yung muka nya.

"ewan ko sa yo"-at umalis na sya.

Ahaha di lang pala ako ang walk-out queen sya din pala...

Ang sakit ng tyan ko kakatawa ang dali namang mainis ni Shina ... ahahaha

SHINA POVS

Grabe ang lakas talaga  ng pang aamoy ni Nica. Pati yung samin ni Migs alam nya rin.Well crush ko lang po si Migs at kaibigan lang ang turing nya sakin.Yun lang wala ng iba, masakit mang isipin pero wala akong magagawa na KAIBIGAN lang ang turing nya sakin dahil yung ang TOTOO..

"lalim ng iniisip"

"AY PALAKA!!!, Ano ba naman migs ang hilig mong manggulat"

"anong iniisip mo?"-tanong nya sakin.

"iniisip ko lang kung magugustuhan ba ako ng taong gusto ko"-seryoso kong sabi habang tinititigan sya.

"hmm. magugustahan ka naman nya, maganda ka,mabait at isa pa talented ,Nasayo na ang lahat ng hinahanap ng isang lalake sa isang babae"

"ideal girl inshort?"

"yeah, sino ba yang maswerteng lalakeng yan?"

Ikaw migs. ikaw ang maswerteng tinitibok ng puso ko..

Chikki!! di ko sinabi yan nakakahiya ako pa talaga ang umamin sa kanya, tsaka baka pag sinabi ko layuan nya ako.

"secret"-sabi ko at umupuo sa bench.

Umupo na din sya sa bench

Pinapanuod namin sina Nica maglaro ng mag salita sya.

"ang galing talaga ni Crush"-sabi ni Migs.

"sinong crush?"-nagtataka kong tanong

"si Nica"-mabilis nyang sagot.

(O)_____(O)

Si Nica?

Crush ni Migs????

panong nangyare yon???

"idol ko yan si nica, simula ng pumasok sya dito sa school na toh, ang galing na kasi, kamangha-mangha ang mga ginagawa nya"-paliwanag nya ng nakatingin kay nica.

"ahh ganun ba"-sabi ko a yumuko.

Si nica pala ang crush nya ..

Bat hindi na lang ako Migs..

MIKA POVS

Nag pra-pactice kaming dalwa ni Nica habang sila shina kasama si Migs ..

Napasulyap ako kay Kyle. Ang cool nya talaga,

Nag gigitara kasi sya,

“puntahan mo na?”-sabi ni nica

“sino?”

“sino pa ba eh di si Kyle”-sabay ngiti nya ng nakakaloko.

Grabe nica ikaw na mind reader, ganun ba kaobvious ang itsura ko para mabasa nya agad ang iniisip ko???

Tumakbo na ako papunta kay Kyle..

“hello”-bati ko kay Kyle ng makarating ako sa kinauupuan nya.

Tiningnan lang nya ako saglit at kinutingting ulit yung gitara nya.

“marunong ka maggitara?”-tanong ko sa kanya

“oo”-maikli nyang sagot

“pwede turuan mo ako?”

“next time na lang”

“sabi ko nga”

Tinitigan ko na lang sya

Hay bat ba mahal na mahal ko tong lalakeng toh?

Ano bang meron ka na wala yung iba?

Demon GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon