CHAPTER 16*Demon Queen? *

57 1 0
                                    

NICA POVS

2Days ng nasa hospital si renz,samantalng si nicko ay lalabas na ngayon. Kaya eto si renz, nangungulit sakin na gusto nya na daw lumabas at bored na bored na daw sya sa hospital.

“sige na nica,ilabas mo na ako dito”-sabi nya sakin

“ayoko nga”

Kaming dalawa lang ni Renz dito may gagawin pa kasi yung iba tsaka may pasok ngayon eh umabsent lang ako para bantayan tong Kurimaw na toh.

“magaling na naman ako eh, o tingnan mo kaya ko pang mag whoops kirri whoops”-sabi nya at nag sasayaw sa kama.

Kurimaw talaga toh, mag whoops kirri whoops ba naman, yun yung sinasayaw ni Vice Ganda..Ahahaha ang cute nyang sumayaw muntanga lang. hahahha

Cute tapos muntanga? Anu kaya yun? Ay mali.. Sino kaya yun?? Eh di si RENZ

“oh ano pwede na ba akong lumabas?”-sabi nya at naupo ng maayos sa kama nya.

“Nope”-simple kong sagot habang nag babasa ng magazine sa may sofa.

Nasa sofa kasi ako malayo toh sa  kama nya akala nyo mag katabi kami. Hehe Nag kakamali kayo hindi pwedeng mag tabi ang aso at pusa sa isang lugar.. tandaan nyo yan. Kung ayaw nyong mag karoon ng world war III

“sige na nga, pwedeng mag tanong?”

“nag tatanong ka na diba?”-pilosopo kong sabi sa kanya habang nakatingin sa magazine.

*BOINK*

“aray naman”-angal ko. Kayo ba naman batuhin ng unan.

Sa inis ko binato ko yung unan nya na binato sakin. Hehe

“umayos ka kasi”-sya

“oo na, ano yung itatanong mo?”-sabi ko ulit ng hindi nakatingin sa kanya, Nag lilipat kasi ako ng magazine baka andito si Lee min ho.. hehe Idol ko yon eh.

“ikaw ba talaga si Demonica?”-seryoso nyang tanong

“ilang beses ko bang uulitin yan renz?”-sabay sara ko sa magazine, wala naman kasi don si Lee Min Ho. TskTsk!

“so ikaw nga, bat ngayon mo lang sinabi?”

“nag tanong kaba?”

“nica”-warning nya sakin.

“present”-pang aasar ko

“tss. Kelan kaya kita makakausap ng matino?”-bulong nya pero rinig ko naman. Nung klaseng bulong yon?

“may sinasabi ka?”-painosente kong tanong.

Demon GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon