Nica POVS
Good morning philippines.
5:00 am in the morning na kaya lumabas muna ako sa hotel para libutin ang boracay..
Ang sarap ng simoy ng hangin talagang fresh na fresh..
Sa Bahay namin sa Cavite ganito din ang hangin pero mas fresh sa boracay kasi wala naman masyadong sasakyan dito, hindi kagaya sa manila, ang polusyon..
Sa pag lalakad ko sa dalampasigan nakita ko sa isang cottage si Renz.
Wow! Aga nyang magising,
Nilapitan ko sya pero mukang hindi nya ako napapansin nakatitig lang sya ng malayo sa dagat.
“Hoy”
“AY HALIMAW NA MAY GUSTO SA TYANAK!!!”-sigaw nya.
Ahaha napatalon pa sya sa kinauupuan nya. Grabe nakaganti din ako sa mga pang gugulat nya sakin.
“bawas-bawasan ang pag inom ng kape”-sabi ko at umupo sa table ng cottage.
“anong ginagawa mo dito?”-tanong nya at umupo sa tabi ko.
“nag papahangin lang”
“ang sarap dito noh?”
“kaya nga, parang ayoko ng bumalik sa manila”
“edi mag paiwan ka dito”
“pwede ba yon?”
“oo naman”
“ahaha.. ayoko hindi ko ipag papalit ang manila sa boracay, kahit na mapolusyon sa manila, dunpa rin ako nakakilala ng mga taong lubos kong minamahal at pinag kakatiwalaan”-sabi ko habang tinititigan yung asul na asul na dagat.
“tama ka, dun ka lumaki tsaka dun kana nag kaisip kaya hindi mo sya kayang ipagpalit sa kahit na anong lugar dito”
“alam mo bang may phobia ako noon sa mga dagat at swimming pool?”
“bakit naman?”-nag tataka nyang tanong at tiningnan ako.
Tiningnan ko di sya at nag salita ako
“dahil nung bata ako sabi nila may shokoy daw dyan sa mga dagat yung kamukha mo… ahahaha”
“ikaw talaga, ang ganda na ng usapan tapos puro kalokohan pa yang sinasabi mo”-reklamo nya sakin..