SAITii *** Chapter 8

948 39 7
                                    

[ RATED SPG :D ]


----------

SAITii *** Chapter 8

3rd Person's POV



Nakaramdam na agad ng ibang presensya si Max Vicenzo ng pumasok siya sa bahay na nagmistulang hideout ng Vile Shadow, na hawak na niya ngayon.



Mula sa sala ay nakaupo sila Zarina, Billy, Knox at Troy na mga natigilan sa paguusap dahil sa pagdating niya. Kumunot ang noo niya ng makitang mga tahimik ito pero agad ding napangisi nang magbukas ang pinto sa opisina niya sa kanang parte at tumambad sakaniya si Louie na tila hinihintay ang pagdating niya...halatang galit.



Hindi na siya nagabalang tumingin kay Louie dahil alam na nito ang sadya sakaniya. Dumiretso siya sa kitchen ng bahay saka nagsimulang magtimpla ng kape ng magsalita si Louie na sinundan siya.



"Alam mo ba ang tungkol doon? Bakit hindi mo manlang sinabi sakin agad!!?" Galit na sigaw ni Louie sakaniya.



Sandaling napatigil ng paghalo ng kape si Max. Sandali lang dahil pinagpatuloy niya din ito agad at walang tugon na lumabas ng kusina papunta sa opisina nito.



Lalong naginit ang dugo ni Louie na naging dahilan para damputin niya ang mansanas na nakita sa lamesa saka hinagis kay Max na naiwasan naman nito kahit pa nakatalikod.



Agad na kumuha ng panibagong mansanas si Louie at binato ulit sakaniya pero tulad ng nauna, naiwasan lang iyon ni Max ng walang kahirap-hirap.



Napangisi si Max pero umusok lalo sa galit si Louie. Sa pagkakataong ito, sunod sunod na prutas na ang binato ni Louie hanggang sa maubos nalang ang laman ng basket pero ni isa ay wala pa ring tumama.



"BAKIT MO NILIHIM SAKIN 'YON!!!!???"



Mabilis na kinuha ni Louie ang lagayan ng mga kutsilyo at akmang ihahagis iyon ng sabay sabay nang bigla siyang mapatigil sa sinabi ni Max.



"Wag mong patayin si Billy."



Agad na nangunot ang noo ni Louie habang nakatingin kay Max, nainis pa ito ng mayabang siyang harapin ng lalaki na may ngisi sa mukha pero nanlaki ang mata ni Louie nang humakbang si Max pakaliwa...



Dahil tumambad sakaniya si Billy na sinalo lahat ng prutas. Hirap na hirap at basang sisiw dahil may mga itlog din pala siyang naibato na nabasag ni Billy nang masalo niya ang mga 'to.



Sandaling kumalma si Louie bago tumaas ang kilay at nagsalita.



"Tatanga tanga kaba!? Bakit mo sinalo 'yan?"



"Because those are mine— Honeybabe!!! I'm sooo sorry! Huhuhuhuhu!"



Napatingin si Louie sa pinanggalingang boses ni Zarina at saka lang napansin na nasa sala na sila. Nakaupo sa sofa sila Knox at Troy na kala mo nanonood ng live drama habang si Zarina ay tinakbo na si Billy para tulungan at punasan.



Agad na namula si Louie dahil sa sobrang pagkapahiya, lalo na nang makita niyang todo pigil sa pagtawa sila knox habang nakaupo.



"Honeybabe, are you hurt? Sabi ko naman sayo hayaan mo na 'yan e."



"...p-pero sabi mo kasi, s-saluhin ko lahat..." Naiiyak na sambit ni Billy na nagpangiting alanganin kay Zarina.



Bahagyang napangiti si Louie pero agad na nainis nang makitang prenteng nakatayo si Max habang humihigop ng kape sa paborito nitong mug.



She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon