---------
SAITii *** Chapter 16
3rd Person's POV
Napapigil sa paghinga si Louie ng makitang dumulas ang kanang kamay ni Junno, parang nag slow motion ang pagkahulog ni Junno pero bago pa man mangyari 'yon, naabot pa ni Hikaru Daichi ang kanang kamay niya saka siya mabilis na inangat kasabay ng pagkahulog ng porsyon na 'yon ng bato.
Nakahinga ng maluwag si Louie ng makitang okay na si Junno kasama si Hikaru at Cassandra, pero natigilan siya ng may kumuha ng atensyon niya.
"Just right in time, damn!"
Tumango lang si Junno kay Hikaru saka naghabol ng paghinga. Sandali pa niyang pinakalma ang sarili bago tuluyang tumayo at tumingin sa direksyon ni Louie kanina, pero wala na siya doon. Hinanap niya pa sa ibang parte ng floor na 'yon si Louie pero hindi na niya siya nakita pa.
"Louie's gone! Kailangan natin siyang puntahan!"
Samantala...
"Stop!"
Natigilan ang grupo ng mga lalaking may bitbit kay Shaely ng marinig ang sigaw na ýon. Agad naman silang nagpaputok ng baril dahilan para mapatago si Phynx sa kung saan. Pinaulanan siya ng baril ng kalaban.
"Block him, mauuna na kami!"
Madaling kumilos ang lalaking may bitbit kay Shaely saka tumakbo paalis, pero agad din siyang natigilan ng may babae ang biglang humarang sa dinaraanan niya. Napahakbang siya paatras ng makilala kung sino iyon.
"Louie Maxwell."
"Zackary Oxford."
Sabay na pagtawag nila sa isa't isa.
Itinaas ni Louie ang kamay na may hawak na ngayong napulot niyang baril saka itinutok kay Zackary. Seryoso ang mukha nito saka pinaputok ng sunod sunod pero ni hindi tumama kay Zack ang bala, kundi sa mga kasama niyang bumabaril kay Phynx.

BINABASA MO ANG
She's Always In Trouble [Season II]
Action"You'll make a move now or you want me to kill you... in a slow and brutal way?" - Louie Maxwell Please, read the season 1 first! :"))))) You can check it out through my accnt. Thank you!