----------
SAITii *** Chapter 2
Louie's POV
"Panahon na para magising ka sa katotohanan, Louie.. Panahon na para maisip mong nakaraan nalang iyon na dapat mong iwan at gawing aral sa buhay mo. Ipagpatuloy mo ang iyong buhay, anak.. Sapat na 'yung maraming taon na sakanila umikot ang mundo mo."
Patuloy na nagpapabalik-balik sa pandinig ko ang mga salitang bumaon ng sobra sa dibdib ko. Iyon ang unang pagkakataon na magkausap kami ng masinsinan ni Papa, at totoong napagaan niya ang loob ko ng mga panahon na iyon.
"Louie, dito ka nalang muna.. May nakalimutan akong kunin sa kotse. Behave, okay?"
Napairap nalang ako lalo na ng guluhin pa ni Kuya ang buhok ko saka ngumiti sakin. Badtrip talaga 'yun! Daig ko pa bata sa mga paalala niya. Haist!
"Yeah right. Tss!" Sagot ko saka dahan dahang naupo sa malapit na bench sakin.
Dalawang taon na ang lumipas mula ng mamatay si Frix, at isang taon na ang lumipas mula ng malaman kong buhay si Shae at nagdesisyon na magpagamot.
Isang taon pero hanggang ngayon, ndi pa rin talaga ako makalakad ng maayos. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay na ako ngayon, dahil hindi..
Hinding hindi.
Marami akong naiwan na dapat gawin at alamin, kailangan ko kumilos.. kailangan ko din mapuntahan sa lalong madaling panahon si Shae, ayaw kasi ni Papa na umalis ako ng hindi okay ang—
Bahagya akong natigilan at nanliit ang mata habang nakatingin sa kawalan. Sigurado akong kanina pa may nagmamasid sakin. I wonder kung kaya ko pang lumaban sa kabila ng sitwasyon ko?
I felt my lips turn lopsided ng maramdaman ang presensya ng kung sinong papalapit, pero agad na nangunot ang noo ko dahil sa nakilalang pamilyar na amoy..
J-Junno?
Ndi ko na nagawa pang magsalita o lumingon ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko mula sa likod. Agad na nanigas ang katawan ko't uminit ang pisngi, lalo na ng maramdaman ang init ng palad niya at bahagyang panginginig ng kamay nito.
"Hello there, Babywife."
Agad kong nakagat ang pangilalim na labi dahil sa mainit na hininga niyang dumampi sa balat ko. Mariin akong napapikit at ndi agad nakakilos dahil sa sobrang pagkakagulat. His voice is somehow sad but still husky.
Wait...
B-B-Baby...w-wife??
Shit. *Tugdug Tugdug Tugdug*
Dahan dahang umalis mga kamay niya mula sa pisngi ko pero mas ikinagulat ko ng ipulupot niya sa akin iyon at yakapin ako mula sa likod..
"I miss you..." malambing niyang bulong saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko kasabay ng malalim na buntong hininga, na akala mo pagod na pagod na siya.
Kinulong niya ko sa mga bisig niya at wala manlang akong ginagawa!?
Tuluyan nang nanigas ang buong katawan ko habang ramdam na ramdam ang pamumula ng pisngi. Mas lalong ndi ako napalingon dahil sa sobrang hiya..
Nalilito ako sa kung anong mararamdaman.. Parang nawala lahat ng gumugulo sa isip ko at mas gusto nalang manatili sa mga bisig niya..
Shit! Ano bang sinasabi ko?? Bakit hinahayaan ko siya gawin 'to—
"LOUIE!!"
Mabilis akong natauhan at napatingin sa pinanggalingan ng boses, nakita kong si Kuya 'yon, nakatayo ndi kalayuan samin habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa likuran ko.

BINABASA MO ANG
She's Always In Trouble [Season II]
Acción"You'll make a move now or you want me to kill you... in a slow and brutal way?" - Louie Maxwell Please, read the season 1 first! :"))))) You can check it out through my accnt. Thank you!