----------
SAITii *** Chapter 20
Phynx Alexander's POV
"Louie.."
Seryoso lang ang ekspresyon niya ng mapatigil siya sa paglalakad dahil sa pagharang ko. Naghahanda na ang lahat para sa pagsugod namin mamaya pero hindi ako mapakali.
"Can we talk?"
Walang nagbabago sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, hindi niya ginusto ang pagtatago ko ng kalagayan ni Shae. Alam kong nakita na niya kanina si Shae, sinadya kong hindi siya samahan dahil hindi ko yata kakayaning makitang mahina nanaman si Louie sa harap ko.
"I'm not mad, just don't do it again. Ito na ýung paraan na gagawin natin para matulungan si Bee."
Nilabanan ko ang titig niya saka nakita kung gaano siya kadeterminadong gawin ang lahat para kay Shae. Tumingin ako sa paligid saka napakagat sa labi bago mahinang nagsalita.
"Sigurado ka bang... mapagkakatiwalaan si Zack?"
Sandali siyang ngumiti, malungkot na ngiti.
"We have to trust him."
----------
Louie Maxwell's POV
"Is there anyone na nakakita na ng resulta bago ako?"
"You don't need to worry about that, dahil sayo agad ako dumiretso pagkatapos kong makuha ýan."
Tumango ako kay Cass saka dahan dahang binuksan ang envelope, napatigil pa ko ng hawakan ni Junno ang kamay ko para ngumiti.
"Gusto mo bang ako na ang tumingin?"
Napangisi nalang ako saka umiling at muling tinuon ang atensyon sa envelope. Madali kong binuksan ang envelope saka kinuha ang papel sa loob at binasa.
BINABASA MO ANG
She's Always In Trouble [Season II]
Боевик"You'll make a move now or you want me to kill you... in a slow and brutal way?" - Louie Maxwell Please, read the season 1 first! :"))))) You can check it out through my accnt. Thank you!