SAITii *** Chapter 10

948 40 16
                                    

----------

SAITii *** Chapter 10

Louie's POV


Naalimpungatan ako dahil sa mga naguusap sa paligid. Akmang kukusotin ko pa ang mata ko nang makaramdam ako ng kirot sa likod ko.. na saka lang bumalik sa alala ko ang mga nangyari dahilan para mapabangon ako ng higa.


"Papa!"


Inaasahan kong sa ospital ako magigising pero nagkamali ako. Hindi pamilyar sakin ang lugar pero nasisiguro kong nandito lang din kami sa nasunog naming bahay dahil sa isang malaking sofa lang ako nakahiga.


Nakangiting mukha ni kuya ang bumungad sakin. Mabilis na tumulo ang luha ko at niyakap siya ng hindi iniinda ang kirot sa likod.


"I'm so proud of you, sis."


Bulong ni kuya pero hindi 'yon ang umagaw ng pansin ko, kundi ang pagsasalita ng lalaki na kilalang kilala ko ang boses.


"I'm sorry, baby.. Papa loves you."


Dahan dahan na umangat ang tingin ko sa likod ni kuya saka nakita doon si papa na nakangiti sakin.


"I'm sorry for doing that, Louie. I have reasons, anak."


Pinunasan ni Papa ang luha sa mukha ko. Sobra akong naiyak dahil don kaya niyakap ko siya agad ng mahigpit.


"Sorry din, sis."


Yumakap din sakin si kuya pero napasigaw ako sa sakit ng maipit niya 'yung sugat ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.


"Aray!"


"Wade!" – Papa


"Hindi ko sinasadya, Pa!"


"Sinasadya niya papa, alam naman niyang may sugat ako sa likod."


"Aba, ayos ah! Ikaw talaga!"


"Wade."


May pangasar na ngisi akong tumingin kay kuya siya binelatan. Oo, Wade na ang tawag sakaniya ni Papa. Hindi ko nga alam kung ano bang dapat kong itawag sakaniya. Ang baho kasi parehas ng pangalan niya. ^__^


Humiwalay sakin si Papa saka bahagyang ginulo buhok ko na nagpangiti sakin.


"Lumabas ka pagkatapos mong ayusin sarili mo. May paguusapan tayo."


Tumango ako saka napatingin sa damit kong sira sa likod at puno ng dugo, saka naalala ang mga kasama ko.


"Sila Cass at Pat?"


Tanung ko kay kuya na nakatingin lang sakin.

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon