----------
SAITii *** Chapter 22
Junno Takahashi's POV
"Kamusta na siya?"
Ngumiti sakin si Kimberly.
"Nagising na siya kanina, pero nakatulog din agad. Kahit papano, nabawasan pagaalala ko dahil don."
"Talaga!?"
Bigla akong napaayos ng ekspresyon ng mahinhin na tumawa si Kim sa naging reaksyon ko.
"Ahh, ano.. Hindi ko inaasahang gagawin niya ýon. Tanga talaga, alam nang sugatan din siya dahil sa pagbomba ng Whinery dito.. wala yata talagang kinakatakutan ýon."
Ngumiti lang sakin si Kimberly saka may inabot na kung ano.
"Hinanap ko si Louie kanina kaso kasama niya daw ang family niya kaya sayo na ako dumiretso."
"Ano ba 'to?"
"Hindi ko alam pero nakita ko lang 'to sa gamit ni Jiro, ibigay ko daw kay Louie."
Inabot ko ang box saka nakita ang buong pangalan ni Louie sa ibabaw. Hindi ko magawang buksan dahil may lock at wala rin naman akong planong buksan 'to ng hindi kasama si Louie.
"Thank you. Ako nang bahala magabot nito kay Louie."
"Sige."
Ngumiti siya saka nagsimulang maglakad palayo pero hindi ko malaman kung bakit ko ba siya natawag ulit na naging dahil para lingonin niya ulit ako.
"Ahh.. ano... W-Wala, sige."
Napakamot ako sa ulo, di naman maalis ang ngiti sakaniya.

BINABASA MO ANG
She's Always In Trouble [Season II]
Action"You'll make a move now or you want me to kill you... in a slow and brutal way?" - Louie Maxwell Please, read the season 1 first! :"))))) You can check it out through my accnt. Thank you!