SAITii *** Chapter 4

1.1K 41 2
                                    


----------

SAITii *** Chapter 4

Klearell Hayakawa's POV

- Heroin's HQ -

Napapangisi ako habang nagbabasa ng wattpad sa cellphone ng bigla nalang mahulog sa duyan si Nikolai. Agad na nangibabaw ang tawa ni Chadwick pero parehas kaming nagkatinginan ng hindi siya pansinin ni Niko at dumiretso lang ng takbo papasok sa loob ng bahay.

"Shit!!!!"

Parehas kaming napatakbo ni Chad pasunod kay Niko ng sunod sunod pa siyang magmura, nakita na namin siyang nakaharap sa madaming monitor niya habang nagtitipa sa keyboard.

"Problema 'tol?"

"May pinadalang email si Mr. White kanina! Ngayon ko lang naalala!"

"Putcha ka naman! Baka bagong misyon 'yan, lagot nanaman tayo!"

Binigyan ni Chad ng isang kaltok sa ulo si Nikolai pero hindi natinag, mukhang importante ung email na un samin.

"Nasan na—"

"Sshh!"

Napatawa pa ko dahil sa paraan ng pagsita ni Niko sakaniya hanggang sa tuluyan ng mabuksan ni Niko ung email at basahin niya yon.. pero ilang salita lang ang literal na nagpagimbal saming tatlo.

... Mr. Bryan Maxwell's family is about to come...

"Oh, alam niyo na pala."

Sabay kaming nagtinginan sa likod ng marinig ang boses ni Matthew Sawyer. Nakangisi siya samin habang nakasandal ng patagilid sa pinto.

"Bat ngayon ka lang?" Agad kong tanong dahil nung isang araw pa namin siya huling nakita.

Sa tatlong taon, si Matthew ang malaking malaki ang pinagbago samin. Hindi mo na siya madalas na makausap ng matino at madalas din siyang nakainom.

"This is gonna be fun."

Walang koneksyong sagot nito sakin.

----------

Hikaru Daichi's POV

"Honey, kilala mo ba 'yang babae na 'yan? She keeps on staring.. Naiirita na ko."

Sinundan ko ng tingin ang babaeng sinasabi ni Ano, nakalimutan ko na pangalan basta ka-one night stand ko lang 'to kagabi.

"Wait lang."

Agad akong tumayo at lumabas sa resto na kinakainan namin para sundan si Cassandra Lopez. Hindi ko alam na iniistalk pala ko ng babae na 'to. Sabe na e, hirap talaga maging gwapo!

Nakita ko siyang nagsisindi ng sigarilyo sa likod mismo ng pinagparkingan ko ng kotse habang nakasandal sa sasakyan ko. Masyado atang gumanda katawan niya ngayon?

"Tss. Pervert."

Napangisi nalang ako saka inilagay sa magkabilaang bulsa ng pantalon ko ang kamay habang naglalakad palapit sakaniya.

"Kung alam ko lang na iistalk mo ko ng ganyan, edi sana ikaw nalang inaya ko kagabi. Wag kana magselos bab—"

"Babalik na ang pamilya Maxwell, at may welcome party para sa kanila."

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya. Tatlong taon din silang nawala, siguradong may dahilan kung bakit sila babalik dito. Sandali pa kong napaisip bago nagsalita.

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon