SAITii *** Chapter 5

1K 38 1
                                    

----------

SAITii *** Chapter 5

Klearell Hayakawa's POV



Mula sa isang tago at pribadong isla na kinakatayuan ng COF ay sama sama kaming mga fighters na pinapanood ang pagdausdos ng yate na sakay ng pamilya nila Master.



Hindi ko maitago ang ngiti sa labi dahil tatlong taon na ang nakalipas nung huling makita ko sila Clifford. Nanguna ang mga tauhan ni Master, kasunod silang magasawa na bumababa sa yate at hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago niya.



Sobrang saya ng ngiti at awra ni Master na ngayon ko lang nakita. Hindi ako makapaniwala dahil sa aliwalas na nakikita ko sakaniyang itsura.



At mas lalong nalaglag ang panga naming lahat ng makita ang pagbulong nito sa asawa na siyang ikinapula ni Mrs. Maxwell at birong hampasin siya nito sa braso. Napakaganda at saya ng halakhak ni Master dahil doon.



Napangiti ako nang makita ang pagalalay ni Master sa asawa habang pababa sila, hindi ko akalain na ganito pala si Master pagdating sa babaeng mahal niya.



Sumunod sa kanila ay si Clifford...



na agad tumingin sa gawi namin wearing his white fitted V-neck shirt, summer short, a sun glasses and his familiar smirk.



*Kusot mata*



*Kusot mata*



Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi dahil sa pagsiko sakin ni Zarina na nasa tabi ko lang habang ngumingisi. Inirapan ko lang siya bago lumakad papasok mismo sa loob ng COF.



Damn. Bakit sobrang gwapo niya ata? -___-



----------

Troy Dimitri's POV



"Nasaan si Louie?"



Patingin tingin pa sa loob ng yate si Zarina nang wala ng sumunod sa pagbaba ni Clifford at ilang mga tauhan pa. Agad namang umakbay si Billy sa jowa niyang nagsisimulang mangunot ang noo.



"Baka nalate lang?"

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon