SAITii *** Chapter 13

839 33 2
                                    


----------

SAITii *** Chapter 13

Junno Takahashi's POV



I drove my car hanggang sa makarating ako malapit sa gate ng bahay nila Louie, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng kotse ko pero pakiramdam ko kailangan ko lang talaga siyang makita ngayon.



Tulad noon ay pasikreto akong umakyat sa likod bakod ng bahay nila saka isa isang iniwasan lahat ng CCTV. Napangiti pa ako ng makita si Clifford na nakaabang na sakin habang nagwiwiggle ang buntot.



Ahh, hindi ko alam kung anong pangalan ng aso na 'to, pero palayaw niya sakin Clifford. Lol



Nakayuko akong tumakbo palapit kay Clifford saka siya hinawakan sa ulo ng sumampa siya sakin bigla. Dali dali akong kumuha tsokolate sa bulsa saka pinakain sakaniya.



Muntik na ko lapain nito noon, pero hindi natuloy dahil sa chocolate na dala ko dapat kay Louie. Malay ko bang may ganitong aso dito? Tsk tsk!



Nakarinig ako ng ilang yapak hindi kalayuan kaya hindi na 'ko nagtagal at agad ng umakyat sa bahay ng aso saka tumalon pakapit sa malaking bintana ng bahay nila. Huminga ako ng malalim saka inangat ang sarili bago muling tumalon at sumampa na sa balcony ng kwarto ni Louie.



Sinubukan kong buksan ang sliding glass door pero tulad ng inaasahan, nakalock iyon. Kumuha ako ng hairpin sa bulsa saka iyon binuksan, pero saktong pag tapak ng paa ko sa loob ay bumukas ang pinto ng kwarto niya.



Madali akong nagtago sa loob ng malalaking kurtina sa kwarto niya kasabay ng pagpasok niya sa loob ng madilim niyang silid. Tahimik pa kong napamura ng makalimutan kong isara 'yung sliding door pero agad na nangunot ang noo ko ng hindi manlang iyon napansin ni Louie.



Dumiretso siya sa kama saka binagsak ang katawan niya doon.



May mali..



...imposibleng hindi niya ako naramdaman.



Dahan dahan akong naglakad palapit sakaniya pero mas lalong nangunot ang noo ko ng makitang mula sa liwanag sa labas ay duguan ang damit niya.



"Louie—"



"SHIT!"



She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon