May narinig na kumusyon si Firen pero pinagwalang bahala niya ito. Mayamaya lang ay may mga taong lumapit sa katabing kulungan niya. Nakipagnegosasyon ito sa kalayaan ng mga bilanggo. Sa pagtataka ni Firen ay pati siya ay isinama nito. Pero ang higit na nagpagulat kay Firen ay ng sinabi ng babaeng isa siyang Mage! Nagkasundo ang dalawa na makipaglaban ang babae kapalit ng kalayaan niya. Hindi lang iisa kundi tatlo ang kakalabanin nito. Hindi pa kasali ang mga kapalit ng mga kasamahan nito!
Nababaliw ang babaeng ito!
Dinig ni Firen ang ingay sa arena habang nakikipaglaban ang babae. Hindi sang-ayon si Firen sa ginawa ng babae kahit ang totoo ay gusto na niyang makalaya at makaalis sa lugar na iyon kahit anong kapalit babayaran niya. Mas mabuti pa iyon kaysa manatili siya sa Pit. Kung magkasundo sila sa presyo kahit pagtatrabahuan niya iyon ng ilang taon, ang importante may pagkakataon siyang maging malaya.
Paano kung isa na naman itong pakulo ni Gu o ni Yulo? Naalala ni Firen. Laglag ang balikat at may pait sa dibdib na naramdaman si Firen.
Kaya ng bumalik ang babae at pinalaya ang mga kasama ay naroon pa rin ang pagdududa ni Firen.
Nananatili siyang nakaupo sa sahig habang nakayuko ang ulo kahit ng may nagbukas sa kanyang kulungan.
"Malaya ka na." Narinig ni Firen na sabi ng babae pero hindi siya nag angat ng ulo. "May isang lugar na tinatawag na Quoria. They have people like you...mages." Dugtong nito bago tumalikod at umalis.
Nang makaalis ang babaeng natatakpan ng hood ang ulo ay saka lang nag angat ng ulo si Firen. Nakabukas na ang pintuan sa kanyang kulungan. Kay lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi makapaniwalang abot kamay na niya ang kanyang kalayaan. Kay tagal na niyang hinintay at pinangarap na mangyari...kung kailan nawalan na siya ng pag asa ay saka naman dumating. Dahan-dahan siyang tumayo at humakbang palabas ng kulungan.
Walang lingon-lingon na lumabas si Firen sa kuweba. Nagpalinga-linga si Firen, hinahanap ang grupo ng babaeng nagligtas sa kanya ngunit walang tao roon. Patuloy sa pagbaba ng bundok si Firen pero hindi na nito nakita ang babaeng tagapagligtas, pati na ang mga kasamahan nito.
Kahit ng makababa siya ng bundok ay wala pa ring pumupigil sa kanya. Umupo siya sa paanan ng puno at naghintay. Gumabi na pero hindi pa rin siya binalikan ng pinagkakautangan niya ng kanyang kalayaan. Hindi makaniwala na walang hininging kapalit ang nagligtas sa kanya.
Kinabukasan ay nagsimula ng maglakbay si Firen paalis ng Khu-gwaki. Nang sa wakas ay makarating sa mataas na bahagi ng hangganan ay pinagmasdan ni Firen ang buong lupain ng Khu-Gwaki.
Matagal ng kinalimutan ni Firen ang limang bagay sa pag- aakalang wala na siyang pag-asang makalaya. Pero ngayong abot kamay na niya ang kalayaan ay maraming magbabago sa kanya.
"Darating ang araw at babalikan ko kayo...hindi maglaon ay ipaparamdam ko sa inyo ang aking galit at paghihiganti!"Nakatiimbagang na pangako ni Firen bago tumalikod at tuluyan ng nilisan ang Khu-Gwaki.
🔹🔹🔹
Kasalukuyan...
"The short way or the long way? You choose." Tanong ni Prema sa asawa habang hinihintay itong makasampa sa kabayo.
"Ayaw mo bang dumaan sa Ghenzi?" Balik tanong ni Firen habang hinila ang renda ng sinasakyang kabayo nito. Sumunod naman ang asawa dito. Magkaagapay na umalis ang mag-asawa. Walang kahit isang kaanak o kaibigan na naghatid sa dalawa. Iyon ay dahil na rin sa kagustuhan ng dalawa.
"Mukhang maayos naman ang kalagayan nila baka makagulo lang ako." Sagot ni Prema.
"Short way? You mean going through Elvedom?" Kunot noong tanong ni Firen. Iyon lang ang naisip nito na shortcut.
![](https://img.wattpad.com/cover/73509695-288-k228100.jpg)
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasyFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...