"Hahaha! Kahit kailan palabiro ka mahal na Khosani." Awkward na sabi ni Yulo. Pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Hindi siya tanga para hindi malaman na totoo sa loob ng pamangkin ang sinasabi nito. Ang hindi nito mapaniwalaan ay ang lakas ng loob nitong sabihin iyon sa kanya at sa harap pa ng mga tauhan niya.
Yulo is a veteran warrior. Mataas din ang tingin nito sa sarili at kakayahan. Ang insultuhin ng ganun ganun nalang ng pamangkin ay hindi nito mapaniwalaan. Mahalaga sa lahat kay Yulo ang kanyang reputasyon. He is a proud man. Kaya hindi niya matanggap ang insulto ni Firen. But he can play the game too.
"Choose how you will die Yulo or I might kill you where you stand." Walang emosyong sabi ni Firen.
Napalis ang alanganing ngiti ni Yulo at napalitan iyon ng galit. Napatingin ito sa mga tauhang tahimik na nakikinig. Nakaramdam ng pagkapahiya si Yulo sa walang galang na mga sagot ng pamangkin, kaya ang plano nitong pagmamanipula sa sitwasyon ay itinapon nito sa hangin at tiimbagang na sumagot.
"Duel." Nagbubuga ng apoy ang mga matang galit na sagot ni Yulo saka tumalikod ay umakyat sa combat platform. Nawala ang pakitang taong paggalang niyo kay Firen.
Hindi naman apektado si Firen sa tono ni Yulo. Hindi na batang musmos si Firen na magpapadala sa tuso niyang tiyuhin. Tahimik na sumunod si Firen.
Pilit na tinitimpi ni Yulo ang galit na nararamdaman. Kailangang malinaw ang kanyang pag-iisip habang nakikipaglaban.
Matalino si Yulo. Napag-alaman nito na si Firen ay isang HighMage ng Quoria. Batid nito na hindi basta-basta ang kaharap. Ngunit gaano man ito kalakas na mage ay confident si Yulo na mas malakas ito sa pamangkin. Lalo na at araw-araw ay nageensayo ito.
Naisip ni Yulo na kung sa karanasan sa pakikipaglaban lang ay malaki ang lamang niya kay Firen. Aminado si Yulo na hindi kalakasan ang kapangyarihan niya sa elemento pero hindi siya isang ordinaryong weredragon. Isa pa may dugong Gwawrdydd ding nananalaytay sa katawan niya. Ibig sabihin malakas ang kanyang dragon.
"Saksi ang mga mandirigmang narito ngayon na patas ang laban na ito. Narito ka para hamunin ako. Kaya pinagbigyan kita. This is a fight to the death!" Malakas na sigaw ni Yulo na narinig ng lahat na naroroon.
Tumaas ang kilay ni Firen. Hinamon? Tsk! Tsk! Matamis talaga ang dila nito.
Bahagyang tumango si Firen bilang pagsang-ayon sa sinasabi ni Yulo. Alam ni Firen kung bakit iyon kailangan pang sabihin ni Yulo. Iyon ay dahil malakas ang loob nito na talunin siya at patayin. Binigyan lang naman niya ng dahilan na patayin ni Yulo ng hindi ito mananagot sa kanyang kapatid na si Dayanara. Maraming saksi. Kaya absuwelto ito. Ang tanong ngayon ni Firen at ng mga taong naroroon ay...matatalo ba siya ni Yulo?
Sabay na ipinagsalikop ng dalawang maglalaban ang mga kamao ay sabay na yumukod. Hudyat din iyon na umpisa na ng laban.
Walang inaksayang sandali si Yulo. Hindi nito pinagbigyan ng pagkakataong humanda si Firen at mabilis na inilabas ang malaking espada nito ay hinataw iyon patungo kay Firen.
Kalmadong pinagmasdan ni Firen ang paparating na sandata. Hindi rin nakaligtas sa pansin ni Firen na hindi ordinaryong espada ang hawak ni Yulo. Bilang isang makapangyarihang katulad ni Yulo ay hindi nakapagtatakang de kalidad ng sandata nito.
Napasinghap ang mga nanunood. Ang akala ng mga ito ay katapusan na ni Firen. Pero sa huling sadali ay gumalaw si Firen pakanan at ikinuyom ang kaliwang kamay ay isinuntok iyon patama sa espada ni Yulo.
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasyFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...