Ang pinuno ng Elite Weredragon Guardians ay walang iba kundi si Commander Brigid Cadwallader. Walang katulad at kasing galing na mandirigmang weredragon.
Habang nakatingin si Morghanen sa babaeng commander ay gustong manginig ang mga tuhod nito. Nakakatakot ang matiim kung tumitig na mga mata nito. Naroon yong pakiramdam na wala kang maitatago, kahit konting galaw mo ay nababasa at natatandaan nito.
May halos anim na talampakan ang tangkad nito. Balingkinitan ang katawan na may kulay kayumangging balat -- dahil na rin siguro sa paliging nakabilad sa araw habang nagsasanay -- at kulay mais na buhok. She owned one of the most beautiful face in the entire kingdom. A body fantasized by men and envied by women. Her battle prowess was known not just in Khu-Gwaki but the entire continent.
Naroon ang pagsamba ng mga kabataan at mga weredragons at ginawang pamantayan si Commnader Brigid sa sobrang galing nito at marami ang nagnanais na maging kagaya nito. Naroon din syempre ang respeto at higit sa lahat takot.
Walang kagalaw-galaw ang mga elite guards, naghihintay.
Wala pang ilang segundo ay may itim na usok ang makikita sa harapan ng mga elite guards.
Nagbago ang emosyon sa mukha ng bawat taong naroroon. Nakatutok ang mga mata sa itim na usok na unti-unting nag anyong tao.
Isang napakagandang babae ang pumalit sa usok kanina. Magarbo ang kulay pulang damit nitong yumayakap sa bawat parte sa balingkinitang katawan.
"Khosana." Magalang na bati ni Commander Brigid sabay luhod at ginawa ang nakasanayang bati ng mga Khu-Gwaki sa kanilang Khosana.
Ganun din ang ginawa ng mga taong naroroon.
"Rise!" Ang utos ng malamyos na tinig. Saglit na maririnig ang tunog ng bakal. Iyon ay galing sa suot na battlearmor ng mga elite guards. Pagkatapos ay muling namayani ang katahimikan sa paligid.
Iginala ni Dayanara ang paningin, sa bawat madadaanan ng mga mata nito ay walang naglakas loob na salubungin ang tingin nito hanggang sa mapadako ang tingin ni Dayanara sa batang may kulay mais na buhok. Unat na unat ang buhok nito na abot hanggang baywang. Maganda ang maamo nitong mukha.
Walang maaninag na takot si Dayanara sa mga mata ng bata na nakipagsukatan ng titig sa kanya. Pagkatapos ay yumuko ito na parang maamong tupa.
Dayanara snorted.
Bahagyang napukaw ang interest niya sa bata. Ilang saglit lang nagtama ang kanilang mga mata pero sapat na iyon para maramdaman ang galit na naroroon sa mga mata nito. Base suot nitong damit ay mukha itong maharlika. Saglit pang nanatiling nakatuon ang mga mata ni Dayanara sa bata bago patuloy na iginala ang paningin.
Gustong lumabas ang puso ni Brigid sa bibig nang mapansin na nakatitig ang Khosana sa bunsong anak. Kilala ni Brigid ang ugali ng bunsong anak, palaban ito. At higit sa lahat malaki ang hinanakit nito sa mga Gwawrdyyd, na habang lumalaki ito ay naging galit.
Nakahinga lang ng maluwag si Brigid nang sa wakas ay lumampas ang tingin ng Khosana mula sa pagkakatingin sa anak. Pero ipinapangako ni Brigid sa sarili na kakausapin ang anak pagkauwi mamaya.
------------------
Bahagyang nagkaroon ng talim ang mga mata ni Dayanara nang mapatingin sa limang nakaluhod, saglit lang iyon at agad ding nawala. Pero mararamdaman ang lamig na lumalabas galing sa katawan nito."Ang ating angkan, ang mundo ng mga weredragons-- sa kabila nang napakahabang panahon ay nanatiling mapayapa. Angkan na pinamumunuhan ng aking mga ninuno. Ang mundo na pinagbuwisan ng dugo at pawis ng ating mga ninuno ay nanatiling payapa sa kabila nang pagbabago ng panahon. Iyon ay dahil na rin sa ating pagkakaisa. Ngunit ngayon ay nalalagay sa panganib. Iyon ay dahil sa iilang traydor na mga tao! Oo, sila ay tao at hindi Weredragons! Dahil ang mga weredragons ay kailan man hindi magtraydor sa kanilang angkan at kadugo. Kung ang isang puno ay namunga ng bulok na prutas, ano ang gagawin sa punong iyon?" Malamig at walang emosyon na tanong ni Dayanara sa iilang libong taong naroroon.
![](https://img.wattpad.com/cover/73509695-288-k228100.jpg)
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasyFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...