Fifteen

2.4K 162 18
                                    

Kahit hindi nakikita ni Firen si Yulo ay alam niyang nasa paligid lang ito. 

Hindi nagkakamali si Firen.  Wala pang tatlong segundo ay naramdaman na ni Firen ang pagbabago ng hangin.  Kahit sobrang bilis ng kilos ni Yulo ay mas mabilis si Firen.  Kaya bago pa tumama ang malalaking koko ni Yulo kay Firen ay nakaiwas na ito.  Pero mukhang kalkulado na ni Yulo ang magiging kilos ni Firen dahil kasing bilis ng kidlat ang buntot nito na papatama sa katawan ni Firen.  Pero bilang isang Airmage na nasa antas ng kakayahan ni Firen ay hindi uubra ang bilis ni Yulo.  Iyon ay dahil gaano man kabilis ni Yulo, hindi ito makakalahati man lang sa lakas ni Firen. 

Alam ni Firen na malakas na mandirigma si Yulo lalo na sa close combat. Sa close combat kahit may dalang nakakamatay na lakas ang mga tira mo pero pag hindi mo matatamaan ang kalaban, anong silbi diba?

Kahit parang langaw lang kaliit si Firen kumpara kay Yulo, papahuli ba si Firen?  Kaya patuloy ang paglalaban ng isang dragon at langaw.

Malakas ang pagsabog sa loob ng ilang metrong pabilog sa dalawa.  (di ko alam anong tagalog ng radius.). Mabilis ang palitan ng hataw ang dalawa.    Everytime the two came in contact with each other, they created a shockwave that is faintly visible.

Yulo aim a punch aiming at Firens chest. But Firen was fast. He made a swaying movement so Yulo's punch hit nothing but air. The power of the punch went straight to the ground that leaves a huge crater and destroy a lot of dwellings.

Firen noticed both their destructive power that's why he decided to finish it. 

Bigla ay nagbago ang aura ni Firen. 

Agad naman iyong napansin ni Yulo kaya naging alerto ito. 

May ilang metro ang pagitan ni Yulo at Firen.  Pero sa isang hakbang ni Firen ay nagulat si Yulo ng biglang nasa harapan na nito si Firen.

"A-ano---?

Hindi na natapos ni Yulo ang itatanong sana nito.  Ang nanlalaking mga mata nito ay biglang nawalan ng buhay. 

Ang katawan ni Tulo ay mabilis na bumulusok pababa.  Sumunod na rin si Firen.  Bumagsak ang malaking katawang dragon ni Yulo sa malaking lupain ng mga Zeabos.  Bumaba si Firen sa mismong platform.

Tsug!

Saka binitawan nito ang malaking ulo ng dragon na hawak nito.  Walang nagsalita sa mga naroroon.  Lahat ay nangamba.  Walang kibong taas noong naglakad paalis si Firen sa lugar ng mga Zeabos.

Nang mawala si Firen sa paningin ng mga taong nasa training ground ay saka nagsimulang nag-ingay ang mga ito.  Lahat hindi makapaniwala sa nasaksihan.  Kahit nasa himpapawid nag aaway sina Firen at Yulo ay may nakikita pa rin ito sa mga taong naroroon dahil na rin sa malayo ang nararating ng tingin ng mga weredragons.

"Hindi ako makapaniwala sa nangyari.  Pinatay ng Khosanen si Master Yulo sa isang tira lang!  Para tuloy umpisa hanggang katapusan ay pinaglalaruan lang ni Khosanen Firen si Master Yulo." Sabi ng isa sa mga taong ni Yulo na nagtitraining doon.

"Ano ka ba!  Hindi mo ba napapansin?  Sa umpisa palang ay hinayaan lang ni Khosanen Firen si Master Yulo na tumira ng tumira.  Pero kahit isa ay walang tumama sa mga tira ni Master Yulo." Ang sabi ng isa pa.

"Oo nga.  Lalo na at may kamakahan si Khosanen Firen na lumipad!  Paano kaya niya ito ginawa?"

"Ano sa tingin mo Riko?" Tanong ng isa pa sa naroroon. 

Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon