Eleven

2.7K 139 19
                                    

(Kung nabasa ninyo ang Elemental Mages, malalaman ninyo kung kailan nangyari ang paglusob.)

Ang nakaraan.

Isang buwan matapos mangyari ang paglusob sa Quoria University of Elemental Mages...

Sinasabing ang Emperyo ng Quoria ay isang maliit lang na bahagi ng Elvedom. Kung titingnan ang lumang mapa ng buong kontinente ng Elvedom ay masasabing may katutuhanan iyon. Dahil ang emperyo ng Quoria ay isang bahagi lang ng Elvedom. Ang kabilang bahagi rin ng Elvedom ay ang Animalia Kingdom na kinabibilangan ng tatlong makapangyarihang territoryo. Ang Khu-Gwaki na siyang kaharian ng Weredragons. Ang Ghenzi ang matatapang na mga warriors at ang Zhurea na territoryo ng mga Were Cats at WereBirds. Sa tatlo, masasabing ang pinakamakapangyarihan ang ay Khu-Gwaki. Sumunod ay ang Zhurea at pinakahuli ay ang Ghenzi na siya ring pinakamaliit na sakop ng lupain. Kahit na nahahati sa tatlong bahagi ang Animalia Kingdom, at pinamumunuan ng iba't-bang nilalang, ang tanging nag-iisang kilalang namumuno sa buong Animalia Kingdom ay ang mga Gwawrddydd!

Sakop ng Khu-Gwaki ang iilang maliliit na territoryo at kaharian.
Ter de Nadie (No man's land)
Ter Firme-Wereworm
Ter Fria- WereArachnid
Ter Silg

Ang Zhurea naman ay may tatlong makapangyarihang Clan. Bawat Clan ay may kanya-kanya ding territoryo:

1.) Pride Clan ng mga Werelions na pinamumunuan ni Pride leader Kali. Ang grupo ng mga Werelions.
2.) Panthera Clan na pinamumunuan ni Clan leader Kulafo. Panthera Clan consist of different species of Were Cats. Actually Werelions can be also called part of Were Cats but WereLions are prideful and territorial they doesn't want other cats to join them. Na nahahati sa apat ang Panthera Clans.

•WereLeopard na pinamumunuan ni Putris
•WereTiger na pinamumunuan ni Rigor
•WereJaguar na pinamumunuan ni Panthaleon
•WereWolf na pinamumunuan ni Amarog

Ang apat na pack leaders ay nasa ilalaim ng pamamahala ni Kulafo.

3.) Bird Clan na pinamumunuan ni GreatWings na isang WereHawk. Ang nag-iisang babaeng clan leader ng mga Weres. Ang grupo ng iba't-ibang klase ng ibon.

The Animalia Kingdom o mas kilala sa tawag na Were Territories ay masasabing mas malaki at mas malawak kumpara sa nooy Emperyo ng Quoria. Ang tanging dahilan kaya bibihira ang pagkakataong magkasalamuha ang dalawang magkaibang lahi ay dahil sa layo ng bawat isa. Ang pinakamabilis na daan patungo sa dalawang lugar ay kung dadaan mismo sa Lasang. Ngunit nangangailangan iyon ng pahintulot ng namumuno ng Lasang na si Lady Kesiya na nangangailangan din ng pahintulot sa reyna ng mga elfo na si Queen Erythrina na dating Empress ng Quoria.

Kung ang Quoria ay kilala sa mga makapangyarihang Mages, ang Were Territories naman ay kilala sa mga malalakas na katawan at magagaling na mandirigma. Bagaman walang kapangyarihan sa elemento ang mga WereCats at WereHawks dahil sa tigas ng katawan ng mga ito ay hindi ito masyadong apektado sa kapangyarihan ng isang Mage. Kaya maraming nagsasabing hindi tumatalab ang kapangyarihan ng mga Mages sa mga Were's. Maliban nalang sa apoy. Ang tanging kahinaan ng mga Were's. They cannot regenerate if their flesh is being burned. Pero may mga Were's din na may mga kapangyarihan. Ang WereDragons, WereArachnids at WereWorms.

Ang WereArachnids ay sakop ng Khu-Gwaki. Sila ang ay mga taong gagamba na nakatira sa Ter Fria o Cold lands. Ang mga taong gagamba ay nababalot sa hiwaga. It was said that WereArachnids can foretell the future and are called Seers. Pero may isang bagay kung saan kilala at tanyag ang mga Arachnids. Tanyag sila sa paggawa ng velvet silk. Ang Velvet silk ay galing sa supot ng gagamba. Hindi lang dahil sa ganda ng klase at lambot ng tela kaya sila kilala kundi dahil sinasabing may mga WereArachnid na gumagawa ng velvet silk na may tagong kapangyarihan, ang golden velvet silk. Halimbawa ay kung ilagay ang kahit ilang dangkal na gintong velvet silk sa damit ay hindi ito tatablan ng kahit anong sandata. Iisa lamang iyon sa mga tagong kapangyarihan ng mga WereArachnid. There are WereArachnid that can spin velvet silk that it's power is unknown to mankind. Their secrets are theirs alone. The leader of WereArachid is Priestess Araniella. The Primordial WereArachnid.

Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon