Eighteen

2.6K 120 20
                                    

Habang sakay sa landaire tahimik na pinapakiramdaman ni Putris ang kasama, hindi magawang magtanong.  Nasaksihan nito mismo ang kapangyarihan ng dalawa, kung paano naglaban ang mga ito.   Ganun pa man hindi nito masasabi kung sino ang mas malakas sa dalawa.  After all it was a very quick fight.   Para bang sinusukat lang ng dalawa ang kapangyarihan ng isat-isa.

Pagkalipas ng isang araw na paglalakbay sakay ng landaire ay narating nina Putris at master nito ang Zhurea.  Hindi pa man nakalapag ang landaire ay wala na sa tabi ni Putris ang kasama. Nakahinga ng maluwang si Putris.  Kinakailangang walang makakakita dito, baka magkaproblema pa sa kanilang plano.  

Dumeretso si Putris sa manor nito.  Bago pa man ito makaupo ay namataan nito ang binatang nakaitim.  "Sundin ang plano, ihanda mo ang mga tauhan mo Putris." Malamig na utos ng binata kay Putris.

"Masusunod Master." Pagkatapos yumuko ay umalis na ito.

————
"What was that?" Nagtatakang tanong ni Prema ng makalapit kay Firen.

Tanging kibit balikat lang ang isinagot ni Firen. "Tapos ka na?" Tanong ni Firen sabay abot ng dala ng asawa. Tumango si Prema, Oo. Kakain pa ba tayo o uuwi na?"

"Kakain. Bakit gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Firen sabay hawak sa kamay ni Prema at niyaya ng maglakad  ang asawa. "Ang gusto ko, ay malaman kung sino yong lalaking nakalaban mo. O kung kilala mo ba iyon." Curious na sagot ni Prema na may kasamang pagkayamot.

"Hmn." Tanging sagot nito at hindi na muling nagsalita hanggang makaupo ang dalawa sa loob ng kainan.

Maraming tao sa loob, pagkakita ng mga naroroon kay Firen agad na nagsitayuan at nagbigay galang ang mga ito pero walang nangahas na lumapit. Ang may-ari mismo ng restaurant ang umasikaso sa dalawa.

Hinayaan ni Prema na si Firen ang mamili ng pagkain. Napataas kilay si Prema ng makita ang mga inorder na pagkain ng asawa. "Na miss mo?" Nakangiting tanong ni Prema. Naintindihan ni Prema na sa tagal ng panahon na nalayo ang asawa sa Khu-Gwaki ay hindi maiiwasang mamiss nito ang mga pagkaing nakasanayan noon.

"Hahaha! It's not for me. It's for you. Gusto kong subukan mo ang mga pagkain sa Khu-Gwaki mo lang matitikman." May kislap ang matang sagot ni Firen. Na para bang ikatutuwa nito kung magugustuhan ni Prema ang pagkaing Khu-Gwaki.

Napatingin si Prema sa mga pagkain. May mga gulay na iba't-iba ang kulay, may soup, at may karne.

"Alam mong hindi na ako kumakain ng karne bakit ang dami nito?"

"Alam ko, pero gusto ko pa ring tikman mo. These are not ordinary meat. Ang isang ito ay karne ng batang baboy ramo. Pero hindi basta-basta baboy ramo na makikita mo sa ibang kabundukan. Alam mo ba kung gaano kalaki ang batang baboy ramo sa Ghu-Gwaki? Sobra isang metro ang taas at ang haba ay halos dalawang metro. Ang balat ng baboy ramo ay sobrang kapal at matigas. Pero ang karne nito ay sobrang sarap. Kahit ang mga weredragon ay mahihirapang manghuli nito. At higit sa lahat kaya sobrang mahal at bihira lang ito ay dahil ang karne ng baboy ramo na ito ay nagpapalakas sa iyong kapangyarihan. Subukan mo."

Naroon sa mukha ni Prema ang hindi naniniwala. Pero wala namang masama kung tikman niya. Ayaw naman niyang biguin ang asawa kaya titikim siya. "Okey."

Si Firen na mismo ang naghiwa ng karne at isinubo kay Prema.

Paglapat palang ng karne sa dila ni Prema ay gusto na nitong mapamura. Unang nalasahan ni Prema ang sibrang anghang! Gustong-gusto ni Prema na iluwa ang karne pero ayaw naman nitong mapahiya sa asawa kaya pikit na nginuya pa rin nito ang karne sa bibig. Habang ginagawa iyon ay mas lalong umanghang ang kinakain.

Kung nakakamatay ang tingin ay kanina pa siguro bumulagta si Firen. Namumula ang buong mukha ni Prema pati na ang tainga. Kulang nalang magbuga ito ng usok sa ilong.

Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon