Sobrang bilis ng mga pangyayari. Natagpuan nalang ni Firen ang sarili na nasa loob ng arena at pilit na kinukumbinsi ang asawa para di ituloy ang laban.
Nang malaman ng mga taga Khu-Glawaki ang darating na labanan ng hindi pa nakilalang si Prema ay mabilis na nagpuntanagtungo ang mga ito sa arena. Kahit hindi alam kung sino ang maglalaban ay walang pakialam ang mga ito. Ang mahalaga ay may labanan! Hindi iyon papalampasin ng kahit na sinong Weredragons. Nang malaman na ang Champion ng Khosana ang lalaban at manunood ito mismo ay mas lalong naging desidido ang mga ito na manood.
The arena was used as a form of amusement for the royal bloods. And sometimes used to fight when there was a dispute between clans. The arena was huge and circular in shape. At the middle of the arena was a huge and thick circular stone slab. It was surrounded with seats. And right now it was full of spectators waiting for the fight to begin.
Hindi mapigilan ni Firen na mag-alala para sa asawa habang pinapanood ito na naghahanda. Halata sa hitsura ng asawa ang pananabik.
"MeFelina, you don't have to do this. Hindi mo kailangang patulan ang kapatid ko." Sumamo ni Firen.
"Hindi ko to gagawin dahil lang sa hamon ng kapatid mo. Tama siya. Isa kang prinsipe. Ipapakita ko sa lahat ng kalahi mo na kaya kitang ipaglaban. I will fight for you. If I don't, your sister and your people will think that you married a weakling." Determinadong sabi ni Prema.
Ngunit di rin nagpatinag si Firen. Bilang isang Gwawrddydd, alam niya ang kakayahan ng isang Weredragon. "I know that you are not. And most importantly you are my lifemate. You bind yourself to me and I to you. It's the most sacred law of all Weres. No one, not even the Khosana can come between lifemates."
"But they don't know that. Alam ba nila na lifemate mo ako? I don't have a mark to prove that. Malalaman lang nila yan pagnamatay ako." Saka tiningnan ng matalim si Firen. "Teka lang, sabihin mo nga sa akin. May ibang rason ba kaya ginawa ito ng kapatid mo? Sobrang tuso at talino ng kapatid mo. Unang kita ko palang sa kanya ay wala na akong tiwala."
"Isa akong Gwawrddydd. Sa walang tigil na pagpapahanap ng kapatid ko sa akin, ipinakita ng kapatid ko sa lahat na mahalaga ako sa kanya. I became her only weakness." Sagot ni Firen. "A weak ruler is as good as dead."
"Ipinahanap ka lang naman, kahinaan na?" Di naniniwalang tanong ni Prema.
"Oo. Dahil ang alam ng mga kalahi ko na hindi ako makapagdragonform. I am as weak as a puny human. At hindi lang yan. A-alam mo ba kung sino yong dalawang ulo ng dragon sa gilid ng bukana kanina?" Umiling si Prema pero kinabahan.
"The other one was Ruella. And the other one was--Briallen."
May kung anong emosyong dumaan sa mga mata ni Firen na lalong nagpakaba kay Prema. "Sino si Briallen?" Halos bulong na tanong ni Prema.
"My--our father."
Natigilan si Prema sa narinig. Hindi makapaniwala. "I'm sorry for your loss love..."sabay haplos sa mukha ni Firen. Pero agad ding napakunot noo. ---teka, ang sabi mo nasa labas ng pinto---"namilog ang mga mata ni Prema. "She killed him!"
Tumango si Firen.
"Bakit?"
"Hindi ko alam." Sagot ni Firen.
Prema saw the haunted look in her husbands' eyes and she knew. Somehow, she knew why. "Alam ba ng ama mo ang ginawa sa iyo noon?"
Hindi sumagot si Firen kaya alam ni Prema na tama ang kutob niya. Sa oras din na iyon ay naintindihan ni Prema kung bakit nasa bukana ng "kuweba" ang ulo ni Briallen. Kung alam ni Briallen ang ginawa ng mga kalahi sa anak na si Firen at walang ginawang hakbang para iligtas ang anak ay natural lang na aanihin nito ang galit ng anak na si Dayanara. Now, Prema understood Dayanara. Mabigat man sa loob ay hindi maiwasang humanga dito. "Binabawi ko na ang sinasabi ko kanina. I'm not sorry at all for your loss. Your father deserved it! Parang gusto kong halikan ang kapatid mo." Bawi ni Prema sa sinasabi kanina. Saka seryosong tumingin ito sa mukha ni Firen. "I want to show them that I deserve you. I will win this fight and get your sister's approval. Like you, I also have a reputation to uphold." Sabay kindat kay Firen. "Wish me luck husband."
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasíaFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...