Sixteen

2.7K 118 36
                                    

Nagniningning sa liwanag ang buong mansion ng mga Zeabos. Sa mga oras na iyon ay puno ng malalapit na kaibigang nakikiramay.

Sa isang silid ay may isang malaking larawan ng isang lalaki at sa harapan ng larawan ay isang maliit na kulay puting urn kung saan nakalagay ang abo ni Yulo. Napapalilibutan ito ng bulaklak. Sa isang sulok ay may nakaupong isang babae. Hindi nakikita ang mukha nito dahil natatabunan iyon ng itim na belo.

Pero mukhang kilala ng mga naroroon kung sino ito. Dahil walang humpay ang lapit ng nga bisita dito. Ito ang asawa ni Yulo na si Victoria Zeabos. Hindi ito nagsasalita pero tumatango ito sa mga pakikiramay.

Hindi ganun ka rami ang mga tao. Karaniwan na pagkayaga ng antas ng mga Zeabos sa lipunan ay namayapa ay dudumugin iyon ng mga makikiramay. Pero dahil sa likod ng pagkamatay ni Yulo ay iilan lang ang taong nagpunta doon. Hindi kasi naitago ang dahilan kung bakit namatay si Yulo at kung sino ang pumatay dito. At isa pa, sa bibig mismo ni Yulo nangagaling na patas ang laban ng dalawa. May mga saksi rin. Alam din ng mga tao na nasa anyong dragon si Yulo ng mamatay ito habang ang kalaban nito ay anyong tao. Kung tutuusin ay hindi patas ang laban dahil alam ng mga taga Khu-Gwaki ay hindi nakakapagpalit ng anyo si Firen. Kaya may ibnag tao na para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ay mas minabuting hindi magpunta lamay. They simply doesn't want to offend the the royal family.

Tahimik na kanya-kanyang umpukan ang mga bisita habang ang mga taga silbi ng mga Zeabos ay abala sa pagaasikaso ng pagkain at inumin.

Biglang may pumasok sa loob. Nasa pintuan palang ito ay naramdaman na ng mga nakikiramay na naroroon ang paninikip ng dibdib dahil sa lakas ng kapangyarihan ng matandang lalaking nakatayo sa pinto.

Matangkad ang lalaki. May edad na ito. Parang agila ang nga mata nito na isiniyod sa buong lugar. Walang kahit isa sa mga naroroon ang naglakas loob na salubungin ng tingin ng lalaki. Sa bawat dinaanan nito ay kanya-kanyang yuko ng pagbati ang mga ito.

"Lord Valafar."

"Lord Valafar." Kanya-kanyang bati ng mga naroroon. Ngunit walang kahit isa sa mga naroroon ang sinagot nito. Ni hindi man lang ito tumugon kahit ni ang tumango ay hindi nito ginawa. Kasunod ni Valafar ay ang mga matatangkad na lalaki na pinapagitnan ang isang may edad na babae. Gaya ni Victoria ang biyuda ni Yulo, ay nakaitim din ito ng damit. Walang bakas ng kung anong emosyon sa mukha ng magandang babae. Para pa ngang naglalabas ito ng malamig na hangin sa palibot dito.

Deretso ang lakad ni Lord Valafar na ang mga mata ay nakatoon kay Victoria na nasa isang sulok. Hindi pa man ito nakalapit ay tumayo na si Victoria. Lumapit ito kay Lord Valafar. Ibinuka nito ang mga bisig.

"Papa!"

Pumaloob ito sa mga bisig ng ama. Kumalas lang ito ng lumapit dito ang babaeng kasunod ni Lord Valafar.

"Mama..." Sabay yakap sa may edad na babae.

"Are you alright hija?" Sa mga naroroon at nakakarinig ay nakakaramdam ng panlalamig sa kanilang dugo. Na para bang ang boses ng matandang babae ay maykapangyatihang patigasin ang dugong dumadaloy sa kanilang katawan pero nakapagtatakang hindi apektado si Victoria na mas hinigpitan pa lalo ang yakap sa ina.

"My darling..." Sabay haplos nito sa likod ng anak.

"Guarikana, Victoria." Boses iyon ng Valafar

Sa narinig ay natauhan ang dalawang babae. Isa sa mga tauhan ni Valafar ay kumuha ng dalawa upuan at itinabi sa silya ni Victoria. Doon umupo sina Guarikana at Valafar.

Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo pang dumami ang mga taong nakikiramay. Maraming importanteng tao sa Khu-Gwaki ang nagpunta. Mga Clan leaders at mga mayayamang tao. Kahit ang territoryo ng Zhuria, Ghenzi ay nagpadala ng tauhan na nakatira malapit sa Khu-Gwaki para ipapaabot ang pakikiramay. Ang Ter Ferme, Ter de nadie at Ter Silg ay ganun din.

Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon