Makalipas ang isang taon...
Habang nasa kanyang silid aklatan ay nag-iisip si Firen. Simula nang ianunsiyo ni Khosana Dayanara ang pagbabalik niya bilang Khosanen ay naging busy na si Firen. Dahil siya ang pumalit kay Yulo. Maraming ginawang pagbabago si Firen at nilinis niya ang sandatahang lakas ng Khu-Gwaki. Isang napakalaking katungkulan na madaling sabihin ngunit halos imposibleng gawin. Kung hindi nagpakita ng lakas si Firen ay malamang na hindi siya maging matagumpay. Sa tulong ng mga Cadwallader, Zjaarkul, kanyang kapatid na si Khosana Dayanara at asawa na nasa tabi nya ay unti-unting nagawa ito ni Firen bagaman taon din ang inabot.
Namimiss na ni Firen ang Quoria. Wala siyang planong magtagal sa Khu-Gwaki, tinutulungan niya muna ang kanyang kapatid na maayos ang gulong siya rin ang dahilan. Kahit isa siyang Weredragon, mas pipiliin pa niyang mamuhay sa Quoria kung saan naroon ang kanyang pamilya at anak kaysa manatili dito sa Khu-Gwaki. Ngunit hindi niya mapaghindian ang kanyang kapatid. Dahil nananalaytay ang dugong Gwawrdydd sa kanyang mga ugat kaya nagsakrapisyo siya ngayon na tulungan si Dayanara na ayusin ang lahat.
Sa ngayon ay mukhang tahimik ang Khu-Gwaki ngunit maraming balita mula sa intelligence unit ng mga Pendragon na magulo ang ibang bahagi ng Zhurea kung saan naroroon at naninirahan ang mga WerePanther.
Batid ni Firen na isa sa mga Bagis na WereLeopard ang nanggulo noon sa Quoria. Kahit maraming taon na ang lumipas at pinagbayaran ng mga ito ang ginawa ay hindi pa rin natukoy kung sino ba talaga ang pinuno ng mga ito. Gustong pumunta si Firen Zhurea at bumisita at makipagkita sa mga Were leaders doon ngunit pinigilan siya ng kanyang kapatid. Hahayaan daw muna niya ang mga ito dahil darating din ang panahon na hindi makapaghintay ang mga ito at gagawa at gagawa din ng hakbang. Ang kailangan lang nilang gawin ay ang maghintay at maghanda. Batid ni Firen na hindi maiiwasan ng Khu-Gwaki ang isang digmaan. Pampabibabaw lang ang kasalukuyang kapayapaan. Maraming matang nagmamasid sa kanya kahit saan man siya magpunta. Naghihintay kung kailan niya ibaba ang kanyang pagbabantay. Ngunit bago sana ang lahat ay gusto niyang bumisita sa Quoria.
Naputol ang pag munimuni ni Firen nang marinig ang nagmamadaling yabag, mayamaya lang ay may kumatok sa pintuan.
"Pasok." bigay pahintulot ni Firen. Pumasok ang isa sa mga tauhan ni Firen, pagkatapos yumukod ay nagsalita ito.
"May nakarating na balita mula sa mga Zjaarkul. Ang nawawalang anak ni Lady Morrigan na sa Lady Rhiwallon ay natagpuan!" anito sabay abot sa isang nakarolyong papel.
"Huh?!" napatayo si Firen at inabot ang sulat. Ilang taon na rin ang nakaraan nang malaman ni Firen na nawawala ang anak ni Morrigan na si Rhiwallon. Halos halughugin nila ang buong Khu-Gwaki at iba pang lugar ngunit kahit anino ay hindi nila mahigilap si Rhiannon. At ngayon, ayon sa sulat na galing sa intelligence unit ng mga Pendragon ay nagbalik ito!
"Hi guys! I know there are still a lot of questions that need answers, but I will continue all of these in Seregon since Tempest and Brynna are already involve...I decided na hanggang dito nalang ang Firen para hindi na masyadong nakakalito. Hence, I will see you in SEREGON! Have a great week!
xian-
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
פנטזיהFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...