Nang walang magsalita kahit isang council members pagkatapos ipahayag ni Khosana Dayanara ang tungkol sa bagong tungkulin ni Firen ay nagpatuloy ito.
"Kung meron man sa inyo ang may gustong sabihin sa akin tungkol sa mga traydor na sina Briallen, Ruella at Yulo, maari na kayong magsalita. Dahil ito na ang huling pagkakataong pag-aaksayan ko ng oras ang mga traydor na tao."
Kung hindi sana isang AirMage si Firen, ay hindi nito malalaman ang na walang nagmamanipula ng hangin sa loob ng silid, pero ganun pa man ay parang nauubusan ng hangin sa loob ng silid.
Suffocating. Iyon ang tamang deskripsyon sa sitwasyon sa loob ng council chamber.
Tahimik na nagmamasid si Firen. Sa paraan ng pagkasabi ni Dayanara, ang pagtawag nito na traydor sina Yulo, Ruella at Briallen ang kanilang ama, muli ay minamaniobra ni Dayanara ang sitwasyon sa pamamagitan ng salita. Sino ba naman ang magtatanggol kung tinatawag ng mismong Khosana na mga traydor ang tatlo? Kung may magsalita man sa mga ito at naroon ang takot na kung magsasalita ay mapagkamalan pang kasabwat. Lalo at hindi naman bulag ang mga ito sa mga ginagawa ni Briallen at Ruella. Kung siya nga na kararating lang sa Khu-Gwaki, nalaman kaagad kung paano inilibing ng buhay ni Dayanara ang mga taong nanonood sa Pit, ang lugar kung saan naging kulungan niya sa mahabang panahon, maitatago ba ang mga pangyayaring iyon sa bawat council members?
"Your highness," mahina at may pag-aalangang sabi ng isang may edad babae. Mahaba ang kulay pulang buhok nito. Matangkad ang babae, kahit may edad ay hindi maikakaila ang kagandahan nito. Mukha itong kagalang-galang. Kilala ni Firen ang babae. Isa itong matriarka ng Red Dragon clan, Zjarrkül. (Pronounce as Jaar-chul)
"You are?" Walang emosyong tanong ni Dayanara.
"Morrigan Zjarrkül your Highness." Magalang na sagot ng may edad na weredragon.
"Zjarkül, Zjarrkül...ah, kumusta si Rhiwallon?" Noon lang nakikitaan ng emosyon ang mukha ni Dayanara kaya hindi maiwasan ni Morrigan na bahagyang magulat.
"Your Highness, ikinagagalak kong naalala mo pa ang aking nag-iisang anak na babae. Nasa mabuti naman siyang kalagayan." Nakangiting sabi ni Morrigan sabay magalang na yumuko.
"Good." Tumango-tango si Dayanara, na para bang masaya ito sa narinig. "Magsalita ka Lady Morrigan." Mas magaan ang boses ni Dayanara sa pagkakataong ito.
Hindi man halata, pero napansin ni Firen na bahagyang nagkatinginan ang mga council members na naroroon.
"Your Highness, alam ko na ayaw mo nang pag-usapan ang tungkol dito, pero gusto ko lang masigurado at ng iba pang mamayan ng Khu-Gwaki ang tungkol sa Pit. Karamihan ay walang alam tungkol doon. Nais ko lang malaman kung may iba pa bang ganoong lugar? At nahuli na ba ang lahat ng kasabwat? At naroon din ang ibang lahi, ibig sabihin may pananagutan ang Zhurea dito."
"Maraming kasabwat ang malaya pa ring naninirahan sa Khu-Gwaki. Dahil sa sinabi mo, bukas na bukas din, lahat ng may kinalaman sa Pit ay hihintayin ko sa labas palasyo. Bago sumikat ang araw bukas, kailangang naroon na sila. Kung sino man ang hindi susuko, ang buong angkan ang magiging kabayaran sa kanilang kasalanan!" May lupit na sabi ni Dayanara.
Namutla si Morrigan.
"Sinisigurado ko na walang matitira na arenang kagaya ng Pit sa Khu-Gwaki!"
Kung sa umpisa ay kahit paano ay may naglakas loob na magsalita, pagkatapos marinig ang Khosana ay parang maamong tupa ang buong council. Sunod-sunuran ang mga ito kay Dayanara.
Habang naglalakad sina Dayanara kasunod si Firen paalis sa council chamber, "magsalita ka, halata sa mukha mo ang pagkadismaya." Sabi ni Dayanara.
"Tsk...tsk! Nakakadismaya. You are no fun!" Nakangiting iiling-iling si Firen.

BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasíaFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...