Six

2.2K 157 14
                                    

Habang nakaupo si Prema at naghihintay sa asawang si Firen ay palihim na nagmamatyag ito. Walang nakilala si Prema sa mga naroroon. Kaninang naglalakbay sila sa Ghenzi ay napansin niyang marami na ang nagbago. Hindi naman nakapagtataka iyon lalo na at matagal na panahon na rin ang lumipas mula ng umalis siya sa lugar.

Sa nakalipas na mga taon ay kontento na si Prema sa paminsan-minsang balitang dumadating sa kanya tungkol sa III Clan. Maayos at matiwasay ang pamumuno ng mga sumunod kay Melaconia kaya naging palagay ang loob ni Prema.

Matapos makakain ay pinagbigyan ni Prema ang asawa na uminom. Sabay na napalingon silang dalawa ng bumukas ang pinto sa Inn at pumasok doon ang anim na lalaki. Kaninang pagpasok nila ay hindi nakaligtas sa pansin ni Prema ang bahagyang pagtahimik ng mga tao sa loob pero bumalik din ang ingay ng makitang tahimik na kumakain lang sila ni Firen. Pero ngayon ay sobrang tahimik ang paligid at ramdam ang tensyong namumuo sa loob. Nagtatanong ang tingin ni Firen kay Prema. Dahil walang ideya sa pangyayari kaya nagkibit balikat si Prema. Naintindihan naman ito ni Firen. Pero mukhang napukaw ang kuryusidad nito dahil umorder uli ito ng beer, ibig sabihin magtatagal pa sila ng konti doon.

Habang tahimik na umiinom sa kanilang lamesa ay naramdaman ni Prema na lumapit sa kinaroroonan nila ang anim na lalaki.

"Sa inyo ba ang dalawang kabayong nasa kuwadra?" Nakapamaywang na tanong ng lalaking matangkad. Maskulado ito at puno ng tattoo ang mga braso at kamay na kitangkita sa suot nitong pang-itaaas na walang manggas. Hindi nagustuhan ni Prema ang tuno nito at mayabang na asta pero dahil hindi sila tagarito kaya huminahon si Prema. Hinayaan niyang ang asawang si Firen ang sumagot.

"Oo Mister." Nakangiting sagot ni Firen.

"Nakikita kung mga dayo kayo rito. Taga saan kayo at ano ang pakay ninyo dito?

"Napadaan lang Mister bukas ng umaga ay aalis na rin kami ng kasama ko." Mahinahon pa ring sagot ni Firen. Hindi maintindihan ni Prema kung bakit ang daming tanong nito.

Dumukwang ito at itinukod ang dalawang kamay sa lamesa bago maangas na nagtanong, "Hindi mo sinasagot ang tanong ko, tagasaan kayo?"

"Mister, sinagot ko ang mga tanong mo na gusto kung sagutin. May mga bagay na nais kung maging pribado sana kung maari dahil isang gabi lang naman kami dito. Pero maari ko bang malaman bakit nais mong malaman?" Tanong ni Firen na nagtataka. Gustong mapangiti si Prema, sa maraming taong pagiging isang Headmaster sa University ay natutong maging mahinahon ang asawa. Sana lang ay hindi sagarin ng maskuladong lalaki ang pasensiya nito lalo na at nakainom na.

"Mamahalin ang inyong mga kabayo. Nakapagtatakang ordinaryo ang inyong mga kasuotan. Saan ninyo ninakaw ang mga iyon?" Dahil sa lakas ng boses nito kaya dinig na dinig ito sa buong silid. Napansin ni Prema na may mga nagulat sa sinabi ng lalaki.

"Briggs! Ano ba yang pinagsasabi mo? Wag mong pagbintangan ang mga kostumer ko!" Nakialam na ang barman na siya ring may-ari ng Inn. Matangkad na lalaki ito pero payat. Walang panama sa maskuladong katawan ni Briggs.

"Wag kang makialam dito Dale! Nakita mo ba ang magagandang lahi ng kabayo na nasa kuwadra mo ngayon?"

"Ano naman ngayon? Narinig mo ang sinabi niya." Sabay turo kay Firen. "Napadaan lang sila dito hayaan na natin. Saka maayos na nagbayad sila." Pagtatanggol ng barman sa kanila.

"Pagbibigyan kita ngayon Dale, sa susunod na makialam ka ay hindi ka na suswertehin sa akin!" Banta nito sa Barman saka muli na naman silang binalingan. "Tapos na kayo diba? Kami naman ang uupo dito." Mayabang na sabi nito saka hinila ang isa sa dalawang upuang bakante at uupo na sana ito ng matigilan. Nanlaki ang mga mata at napalunok ng mapansing may kumikinang sa espadang nakaumang sa leeg nito. Kahit ang mga kasamahan nito ay hindi nakahuma.

"MeFelina..." Mahinang saway ni Firen sa asawang nanataling nakaupo pero ang espada ay nasa leeg ni Briggs. "Mukhang hindi pa tapos uminom ang kasama ko mister kaya para sa ikabubuti nating lahat ay maghanap muna kayo ng ibang mesang mauupuan." Madeplomasyang sabi ni Firen kahit wala namang basong nasa harapan ni Prema at halatang hindi ito umiinom.

Napalunok bago maingat na tumango ito. Saka lang tinanggal ni Prema ang espadang nanatiling nakaumang sa leeg nito. Imbes na umupo ang anim na lalaki ay nagmamadaling nilisan nito ang lugar.

Atubili man pero lumapit ang Barman sa lamesa nila ni Firen. "Mister, ipagpaumanhin po sana ninyo ang nangyari." May pagpakumbabang sabi nito sabay sulyap sa kinaroroonan ni Prema.

"Wala iyon. Magkakaproblema ka ba kung tutuloy kami rito ngayong gabi? Gustuhin man namin na manatili ay ayaw naman naming ilagay ka sa kapahamakan." Nag-alalang sabi ni Firen.

"Hindi. Kahit ganun man ay hindi ko gagawin na paalisin kayo." Matigas na desisyon nito.

"Sa pagkakaalam ko tahimik at payapa ang Ghenzi, pero mukhang may problema kayo?"

"Totoong payapa at tahimik ang aming lugar, pero simula ng maging isang Clan leader ng II Clan si Bakal ay nagbago ang lahat. Dalawang taon na ng mamatay ang namuno ng II Clan at simula noon ay nag-umpisa na naman ang gulo. Sa loob ng dalawang taon ay tatlong Clan nalang ang hindi yumuyuko sa kapangyarihan ni Bakal. Ang XIII, I at III. Kung hindi dahil kay Ixor V ang siyang namuno ngayon sa III Clan ay baka iisang Clan nalang ang namuno." Malungkot na kuwento ni Dale.

"Ikinalulungkot ko ang nangyayari sa lugar ninyo Mister. Ang buong akala ko ay tahimik ang lugar na ito." Sabi ni Firen.

"Dale. Dale ang tawag sa akin dito. Totoo ang sinabi mo Mister. Siyang pala nakahanda na ang inyong silid kaya pwede na kayong umakyat ang magpahinga."

"Salamat Mang Dale." Pagkatapos makipagkamay ay bumalik na sa likod ng bar si Mang Dale at ipinagpatuloy din ni Firen ang pag-inom. Si Prema naman ay nanatiling tahimik sa kinauupuan nito. Ilang sandali ang lumipas ay nagpasya ang mag-asawa na umakyat sa kanilang inuupahang silid.

Sa loob ng silid, habang nakaunan sa braso ng asawa ay naglakbay ang isip ni Prema. Kanina pa siya nakikipagdebate sa kanyang sarili kung dadaan ba siya sa clan niya noon o hindi. Nangako siya noon kina Java at Verily na hindi pababayaan ang kanilang clan. Alam niya kung bakit inilihim ni Ixor ang nangyayari sa Ghenzi. Gaya ng lola nito nahihiya itong humingi ng tulong. Naintindihan niya naman ito. Pero anong magagawa nito kung sampung clan ang kalaban? Mauubos ang III clan kung maglalaban-laban ang mga ito.

"MeFelina..."

"Hmmm?"

"Tigilan mo na yang pag-iisip mo. Bukas na natin isipin yan. We are in a bed and alone, don't you think it a waste of time to spend it thinking?" Sabay pisil sa kaliwang dibdib ni Prema.

"Hmmm...I like it when you're thinking like that." And playfully bite Firen's neck, making Firen know she's ready to play. Her problem?---forgotten.

Maaga kinabukasan ay sabay na bumaba si Prema at Firen. Muli ay nakatakip ang hood sa ulo ni Prema. Unang tingin palang nina Prema at Firen kay Dale ay alam na nilang may problema.

"Mister, may malaking problema." Bungad nito sa kanila.

"Ano yon Mister Dale?" Kunot noong tanong ni Firen.

"Nawawala ang dalawa ninyong kabayo!"

"Aaah..." Tanging nasabi ni Firen. "Alam naman siguro natin kung sino ang kumuha ano Mang Dale?"

"Lahat ng narito kagabi ay alam kung sino ang may kagagawan niyon. Pero ang problema ay kung paano natin makukuhang muli ang mga kabayo ninyo?." Sabi ni Mang Dale na halata sa hitsura ang pag-alala.

"Wag mo ng problemahin yon Mang Dale. Madali lang yan. Pero bago ang lahat, kailangan muna namin ng agahan. Meron ba?"

Mabilis na tumango si Mang Dale at inutusan ang serbedora na asikasuhin ang pagkain nina Firen. Pagkatapos makakain ay hindi agad umalis sina Prema at Firen. Kinausap nilang muli si Mang Dale tungkol sa nalalaman nito sa II clan chieftain na si Bakal. Sinagot naman nito ang lahat ng tanong ni Firen. Nagmagandang loob na pinahiram sila ng dalawang kabayo ni Mang Dale. Nangako si Firen na isauli ang kabayo dito. Pagkatapos magpasalamat ay umalis na sina Firen at Prema para hanapin ang kanilang kabayo.

Note

Guys, baka hindi muna ako mag update sa Tarieth ha. May revisions akong ginawa sa mga chapters na nagawa ko na. Please be patient with me. Thank you!

Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon