Join our FB Group:
https://www.facebook.com/groups/988909977889463/
Nandun ang FB Accounts ng mga FC's
FB Account:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818
or Search nyo nalang Descendants WP. nasa Watty Profile ko rin po.
SPG Alert
***************
Juniel
Maaga akong nagprepare para sa Fashion Show. Napagod ako buong araw. Takbo dito takbo dun. Make up dito kulot dun. Buti nalang at may mga assistant ako.
"Miss Juniel pinapatawag po kayo ni Sir Tyron." Sabi sakin ni Jana at kinuha ang mga damit na hawak hawak.
"Sige." Sagot ko sa kanya. Bago ako nagtungo sa Opisina ni Tyron ay nagpunta akong CR. Inayos ko ang buhok ko. Binutones ko ang Polo ko hanggang sa pinakaunang butones. at ibinaba ko ng kaunti ang shirt ko.
Para kasi akong nagiging sensitive kapag nakikipag usap ako kay Tyron. Malikot ang mata niya at kung saan saan tumitingin minsa. Hindi naman sa nagiging feelingera, Mabuti nang mag precaution.
Kumatok ako sa Opisina ni Tyron. Narinig ko ang boses niya mula sa loob. Pinihit ko ang Door knob. Unang una kong nakita si Tyron na nakasandal sa Lamesa nito. Nakaupo naman sa harapan niya si Katherine. ang Isa sa mga Model sa Fashion Show kanina. Sikat siyang Model ng mga Apparel at dahil Apparel ang negosyo ng pamilya nila Tyron nakuha nila si Katherine.
"Pi-Pinatawag niyo raw po ako S-Sir?" Lintik! Nauutal ako bigla. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag kaluwang ng buhol sa Necktie ni Tyron almost showing his chest.
"Sitdown Ms. Fontanilla." Utos nito sakin. Umupo ako sa Couch. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Katherine. "Mamayang gabi na lang." Sabi sa kanya ni Tyron. Tumayo siya at hinalikan ang pisngi ni Tyron. Napanga nga pa ako nang lumakad ito papunta sa pintuan. Lantad na lantad ang Sexy back nito. naka V Line kasi ang dress na suot niya.
"She's really the best." Narinig ko naman bigla ang boses ni Tyron. Nang tumingin na ako rito ay papalapit na siya sa akin dala ang isang Folder.
"This is for our Fall Fashion Show. Ito ang napag agrian ng Creative Designer Team. " Panimula nito. Binuklat ko ang Folder. Nagagandahan ang mga Damit. Ang classy at kakaiba ang pagkakadesign.. Kilala ang Brand nila Tyron bilang isa sa mga may kalidad na Bags at Apparel sa buong bansa.
"Gusto kong pagisipan mo ang Models mo. "
"May nakontak akong Male Models para dito sa Male Outfit mo. Pupuntahan ko sila Bukas din." Napatigil ako sa pag buklat nang folder nang maramdaman kong nakatitig si Tyron sa akin. Parang nanginginig tuloy ako. Pero sinubukan kong maging okay lang at umakto na parang wala lang. Pero sa totoo lang nahihirapan ako sa titig niya.
"Mas maganda kapag hanggang pangatlo lang yang Butones mo." Saad nito. Napatingin agad ako sa Polo ko. Pati ba naman yun napansin niya??
"Pero kung ako lang, Wag mo nang ibutones." Sabi nito at bigla nalang tumayo. Para akong naasar. Kinuha ko ang Magazine na makapal sa Mesa at Iaakto kong ibabato ko sana kaso Lumingon ito at agad akong nagpanggap na binabasa ko ito.
"Wala ako bukas, May Meeting kami sa Agency kaya kung may Proposal ka tungol sa mga Models mo.. Come to my Condo." Ngumisi ito. Hindi ko alam pero parang tumaas ang temperatura ko nang makita ko ang likod nito. I don't really want to admit it sometimes. But Tyron has a great body, A perfect one indeed! Minsan naiisip ko siya nalang ang mag modelo tutal ang daming nagkakandarapa sa kanya. Pero naiinis ako kapag nagiiba ang pakiramdam ko kapag nanjan siya. Sa inis ko Ibinato ko ang Magazine sa pintuan kung saan siya lumabasa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Temptation (Mafias' Series #4) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED *** FIRST RULE. Don't ask why. SECOND RULE. Don't expect anything. THIRD RULE. You are just my DISTRACTION Mafias' Series # 4 Tyron Clark Villafuerte