Uminom ako ng gamot kagabi. Nakaramdam ako ng sinat at sobrang sakit sa katawan. Nang pababa ako sa hagdanan ay natanaw ko si Kerr na may kausap sa telepono. Dahan Dahan akong bumaba. Nakatakong pa naman ako.Nang makababa ako ay dumiretso ako sa Malaking Salamin. Duon ko nahagilap ang tingin ni Kerr kaya lumingon ako sa kanya
"May Problema ka ba jan sa Takong mo?" Nakakunot noong tanong nito. Agad ko naman tinignan ang heels ko. Maganda at makintab naman kaya nagkibilit balikat nalang ako sa kanya at Humarap uli sa salamin para ayusin ang buhok ko
"Parang may Iba sayo." I felt Kerr was walking closer to me
Hindi ko napigilang napatingin sa kanya na para akong sinusuri
"Ano? Wag mo sabihing inggit ka sa heels ko ano ba." Nainis na saad ko sa kanya
"Ayan. Ang Grumpy mo umagang umaga. "
"Leave your sister alone Kerr."Naglakad palapit sa amin si Gino at tinapik ang balikat nito.
"Gusto mo bang Ihatid nalang kita? Papunta na ako sa Office." Nakangiting alok ni Gino sa akin. Himala ang kapatid kong ito. Biglang ngumingiti.
"Sige. Ihatid mo na nga ako. Parang diko feel mag drive." Sabi ko naman sa kanya at kinuha ang Bag ko.
"Sama na ako."Napatiuna si Kerr sa paglalakad. Kinuha naman ni Gino ang bag ko at nilampasan si Kerr "Call your manager." Ngumisi si Gino sa kanya. Bahagya namang nainis ang mukha ni Kerr kaya naman sobrang lawak lang ng ngiti.
Sinundan ko si Gino sa Kotse niya. Hindi na sumama si Kerr. Nagaalburuto na siguro ang bunso naming iyon
"How are you and San?" Pambasag ko sa katahimikan namin. Tumingin siya saglit sa akin bago ibinaling ang titig sa daanan
"San is alright. "matipid niyang sagot sa akin. Hindi ako nakuntento sa isinagot nito sa akin kaya naman tumitig ako sa kanya. Parang naramdaman nitong may hinihintay pa akong sagot
"Why?"
"You left yourself. How are you?" I smiled a little bit. Pero natahimik siya.
"I heard you met Angel." Binaling ko ang tingin ko sa Daan at naghintay ng sagot niya sa sinabi ko
"Yeah. She's managing a Coffee Shop now." He coldly said
"And..? How does she look?" I asked
"Anong Look?" Balik tanong nito.
"Sabi ko ano hitsura na niya ngayon? Mahirap ba yung tanong ko? O dimo masagot." I stared at him. Avoiding my every glare
"The latter." He replies.
"Grabe siya. Nakapikit ka ng nagkita kayo? Aba pano kayo nagkita niyan. Kinapa kapa mo?" Naghalukipkip ako. Narinig ko ang pag 'Tsk' nito.
"Jan mo na lang ako ibaba sa Tabi. Maraming empleyado ngayon sa baba. Pag nakita ka nila pagkakaguluhan ka lang."Nakangising sabi ko sa kanya habang nagprepreno siya.
Habang ako ay ngiting ngiting lumabas sa kotse niya panigurado akong naiinis na siya sa akin ngayon. Gino is indeed a handsome. A hunk. Ang simple lang kasi ng pagkagwapo ng kapatid ko. Pero tahimik siyang gwapo. Hindi mayabang. Kaya lalong mas maraming magkakagusto sa kanya. Si San ay charming at malambing. Minsan nakakaturnoff din ang mga ganun. Si Kerr naman... Wag na lang.
Dumiretso ako sa Department Store ng Meredith para sa General Inspection namin. Kailangan daw naming sumama. Kailangan namin iyon isagawa bago magbukas ang Store.
"Uy. Kanina pa kita hinihintay." Kinalabit ako bigla ni Caroline. Talagang kahit diko pa siya nakikita boses palang niya alam kong siya na
"Asan na ba sila?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ang tingin ko sa Taas. Naroon kasi ang mga Posters ng mga Models. Naroon sa Gitna si Katherine. Talagang walang kupas ang Ganda. Nasa Gilid si Sean O' Pry at Nick Bate man. Hindi naman magpapatalo si Fan Bingbing sa Tabi ni Nick bateman. Ang gaganda at ang gwagwapo lang ng Modelo ng Meredith
BINABASA MO ANG
A Beautiful Temptation (Mafias' Series #4) - RAW/UNEDITED
Fiksi UmumREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED *** FIRST RULE. Don't ask why. SECOND RULE. Don't expect anything. THIRD RULE. You are just my DISTRACTION Mafias' Series # 4 Tyron Clark Villafuerte